Chapter 34: His Birthday

5 1 0
                                        

Jb's POV

Kinwento ni Kuya sa aming magkakapatid yung napag usapan nila ni Mr. Salveda nung minsan pa. Grabe naman iyon. Kung ayaw ni Kuya wag niyang pilitin, masasaktan lang anak niya. Hahahaha. Kala mo ay dami kong alam sa pag ibig. Alam na rin nila Mommy, pinadalhan na nga ng sulat ni Mr. Salveda si Mommy sa company namin na unti unti niya itong pababagsakin dahil may part siya sa company namin. So ngayon naghahanap ng kabusiness partner si Mommy na malakas ang pwersa ang napili niya ay sa Angeles kila Ate Kim pa rin iyon sa Lola siguro ni Ate Kim. Napagdesisyunan ring sa ibang bansa na mag aral si Kuya kasama si Ate Ja at Tita.

"Happy Birthday Pogi! Ready ka na ba?"

"Yes Ate, matahimik lang sila. Pati wag na nilang guluhin si Kim."

"Paano pag magalit si Ate Kim sa iyo Kuya?" tanong ni Gilbert.

"Hindi iyon."

"Tara na tara na. Sa Mang Inasal tayo sa lunch sa Lucena mamayang hapon pa naman flight niyo. Birthday treat ni Nikko."

Sumakay na kaming magkakapatid pati si Mommy at Daddy, Tita at Ja.

Nikko's POV

Kahapon lang ako nagstart wag na kausapin si Kim, ayaw kong mapahamak pa siya dahil sa akin, ako na ang kusang lalayo kahit mahirap. Kabusiness partner na namin ang Angeles Company pero hindi ang De Vera, Angeles lang sapat na, malakas ang puwersa nila. Hindi madaling mapabagsak.

Mabilis lang ang biyahe ngayon matutulog na lang muna ako sa byahe.

"Kuya! Kuya!"

"We're here at Lucena na." Sabi ni Ja.

"Okay."

Bumaba na ako ng sasakyan. Pumunta na sila sa Mang Inasal sinundan ko na lang sila, binuksan ko muna ang Facebook ko. Ang daming nag bati.

Lonabel Hudson:

Happy Birthday Bang! Stay magaling sa academic ha. Ingat palagi.

Josh Barranta:

Bro! Happy Birthday thank you sa lahat. Ingat ka.

Julie Osandar:

Kuya! Pibeertdey! Miss ka na namin. Ingat ka.

Revor Montenegro:

Kuya Nikko! Happy Birthday, ingat kayo nila Mommy at Ate ha. Mamimiss ko ang pinsan kong magaling sa basketball. Hahaha. Love you kuya hahaha. Eww. Di ako bakla kuya.

Chelii Perez:

Kuya Happy Birthday! Miss you po.

Cheska Salveda:

Hi! Happy Birthday. Mamimiss kita Nikko. Ingat mwaah.

Nireplyan ko silang lahat at siyempre nag thank you.

Nakarating na ako sa Mang Inasal saka ko pinatay ang phone ko.

"Anong bibilihin?"

"Kayo po bahala Dad!" Masiglang sabi ko.

Umalis na si Jb at Daddy papuntang counter.

Hindi ako binati ni Kim. Mas mabuti na iyon baka nasasanay na rin siyang huwag akong kausapin kailangan ko siyang layuan at iwasan pansamantala.

"Here na yung food!" Sabi ni Ja.

"Oh Alisin itong bag dito." Sambit ni Tita Heidi.

Katabi ko sa upuan si Tita Heidi.

"Oh eto spoon and forks." Sabi ni Mommy. Napatingin bigla sakin ang mga kapatid ko.

"Ehem ehem spoon daw at... Fork!' Sabi ni Ate LM.

True Until The EndWhere stories live. Discover now