Kim's POV
Papalapit na ng papalapit ang debut ko, naalala ko tuloy yung debut ng mga best friends kong babae.
Flashback..
Naomi's Debut
Nasa kwarto kami sa hotel na kung saan magaganap ang debut niya sa garden mangyayari ang debut ni Mi. Sa eighteen pink ako, si Brix at Jeremy ay 18 roses.
Tinawag ako ni Tita para picturan silang buong pamilya gamit ang phone niya.
"1..2...3.. Smile." Nakangiting sambit ko pagkapicture ko sa kanila ay nagpaalam na akong lalabas na kinausap na muna nila si Naomi. Ang last dance ni Naomi ay si Cloyd, sinagot niya ito nung Last Christmas. Ang tiyaga naman kasi ni Cloyd kay Naomi kahit pikunin at makulit.
Chelle's Debut
Nasa Star Hall kami, dito gaganapin ang birthday ni Chelle.
"Kimmy! Naman ayy." Sigaw ni Kiara sa akin ng pinag laruan ko ang buhok niyang kaaayos lang.
"Mas mukha kasing ikaw ang may debut kaysa kay Chelle." Natatawang sinabi ni Xei habang sinusuklay ang kanyang buhok.
"Grabe kayo sakin." Sabi ni Kiara habang tinitingnan pa rin ang repleksyon niya sa salamin.
"Tagal niyo naman." Sigaw ni Brix mula sa labas. Mga babae lang kaming nandito sa loob eh hahahaha.
"Palabas na." Sigaw ko.
Pagkalabas namin ay siyang paglabas rin ni Chelle sa kwarto niya habang dahan dahang humahakbang dahil sa suot niya ang gown. Napangiti siya sa gawi namin. Agad namin siyang hinug.
After ng drama ay bumaba na kami, nauna kami sa debutant siyempre. Ang party niya ay napakaelegante andito ang kapatid niyang lalaki dalawa lamang sila ni Kuya Dave na magkapatid. Her last dance is her Dad, katulad ko wala rin siyang boyfriend. Kabilang kaming magbebestfriend sa 18 kemedu's niya. 18 roses si Brix at Jeremy. 18 treasures kaming iba. Pink ang motif niya naka yellow ang pink akong simple dress.
Alexa's Debut
Sabi sa amin ni Alexa, simple lang raw ang magiging debut niya. Pero ano ito? Ang engrande may hagdan sa gitna kung saan siya bababa mamaya. Namasyal muna kami sa venue ng birthday niya, habang siya ay inaayusan. Picture dito, picture doon. Selfie, selfie.
Pagkatapos ay nagpunta kaki sa room kung saan inaayusan si Alexa, pagkapasok namin ay nandun ang 3 pinsan niya. Napatingin siya sa amin saka kami pinapasok, tapos na siyang ayusan. Naka blue green siyang gown. Sparkling. Last dance niya si Clark, then kami ay 18 pink.
Ailee's Debut
Kasama ko ngayon si Tita, pag aasikaso sa bisita ni Ailee, samantalang sila Naomi ay kasama si Ailee sa pagbibihis.
Hirap na hirap na akong magpalakad lakad sakit sa paa nung heels grabe. Buti cocktail dress lang suot ko medyo fit siya. Color orange, light lang naman.
Nag asikaso ako sa mga nadating na bisita ako ang nagtuturo ng uupuan nila, nakita ko ang mga kaklase namin nung highschool. Nginitian ko. Natapos ang ilang minuto nagstart na ang program. Sa 18 wishes ako.
Xeira's Debut
Nandito kami ngayon sa Chloe's Palace, dito yung debut ni Xeira.
"Hala, yung damit ko naiwan ko sa baba." Sabi ni Brix.
"Bilisan niyo na." Sabi ko.
Nagbihis na kami ngayong mga babae ng aming mga long gown or cocktail dress. Si Jao ang last dance niya, ang power ng best friends ko lumalovelife. 😂💚🙊
Kiara's Debut
Sa Hall nila Kiara siya magdedebut, nakasuot ako ng cocktail dress na kulay pula na bumabagay naman sa kutis ko at sa bagong handbag ko na bigay ni Nanay sa akin.
"Shall we go?" Tanong ng matipunong sundo ko ngayon na si Brix.
Tinawanan ko na lang siya at inabot sa kanya ang susi ng kotse ko.
"18 roses ka na naman." Sabi ko sa kanya.
"Ganoon talaga pag gwapo, Kim."
"Tsss. Asa." Pangungutya ko sa kanya.
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad ko ng napansin ang mga taong nakatingin sa akin karamihan ay mga kabusiness partner nila Ama, at Mommy pati nila Nanay. Namumukhaan ko halos. Magkakaconnect lang kaming magkakaibigan pagdating sa usapang business ng pamilya.
Agad kong namataan si Kirsten na kumakaway, bukas ang birthday niya, mag kasunod lamang sila ni Kiara.
"Hello." Sabi ko saka sinalubong siya ng yakap.
"Nasan sila Alexa?" Tanong ni Brix.
"Nasa loob na. May upuan na tayo dun pinareserve na tayo ni Mommy Joy." Sabi ni Kirsten. Ang ganda ng suot niya ngayon isang simpleng blue dress lang na above the knee.
18 candles ako. 18 balloons si IU at Naomi.
"Bee!" Sigaw ni IU saka ako niyakap.
"Baliw." Sabi ko sa kanya. Simpleng cocktail dress ang suot niya na kulay pink at white.
"You look like a goddess with that dress, Kim." Sambit ni Mommy Joy na nasa likod ko pala.
"Thanks, Momsie." Sabi ko saka naghalik sa pisngi niya ganun rin ang ginawa nila Brix at IU.
"Ganun rin kayo, ang gaganda at gwapo niyo." Sabi pa ni Mommy. Karamihan sa nakikita ko ay mga naging kaklase namin at kaklase na rin nga.
Kinawayan ko sila ganun rin sila sakin. Elegante at grande rin ang debut na ito ni Kiara.
Kirsten's debut
"Hahaha, babaeng babae ka Bess ngayon." Pang aasar ni IU at Pauline kay Kirsten.
"Lagot kayo sakin, pagkatapos ng birthday ko." Pagbabanta ni Kirsten, na ikinatawa namin ni Naomi.
"Hala matakot na tayo, Pauline." Sabi ni IU.
"Lagot!" Sigaw ni Kiara.
Hinintay naming matapos makeup an si Kirsten. Ang damit niya ay sky blue na makinang then may white lining sa baywang.
Dumating na si Tita at Tito, sinalubong si Kirsten. Ngayon ay 18 balloons ako. Ang daming pagkain hahaha. Ang saya nung party, si Tito ang last dance then si Matteo ang 17th dance. 💓😂💚
Yana's Debut
Nandito kami ngayon sa table namin. Kasama si Kuya Rhizze at Dunhill, power nga eh, 17th dance si Dunhill 😂
Maaga nagstart ang debut party. As usual 18 presents ako, hahaha.
Kasali sa 18 roses si Jeremy at Brix. Sa birthday ko rin siguro, sa 18 roses rin yung dalawang yun. Ang daming foods.
Silver with blue na light ang gown niya, match sa dress ko na blue with white hahaha.
End of flashback
So ayun, ang gaganda ng debut nila.
"Bessy, ano yung sinend mo sa GC yesterday? About sa sinabi ni Celestee at Nina." Panimula ni Yana.
"Ay, oo nga pala. I almost forgot." Sabi ko.
Lumapit sila sakin. Kwinento ko yung sinabi nila Celestee at Nina.
At pagkatapos ko ikwento, iba iba sila ng ekspresyon.
"What the?"
"Ayieeee, kilig naman siya."
"Naks, naman."
"Baliw yun!"
"Kaasar ah!"
Napaface palm na lamang ako. Tumawa naman sa gilid ko si Brix.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Sorry. Hahaha." Sabi niya.
YOU ARE READING
True Until The End
RandomA story with conflicts, dying tricks of destiny, friends to lovers, I think so... and such as gang fights. There was a girl who is part of a gang, he had a crush on a boy that lives far away from her own town. The boy and the girl are not showy abou...
