Chapter 53: I saw him

26 1 0
                                        

Kim's POV

Kasama ko si Brix ngayon papunta kaming KDV, binili ng merienda naming magkakagrupo sa isang group project.

"Ngayon yung birthday ni..."

"Hmm?"

"N-nikko."

"Yup. May 30." Sabi niya ng walang pag aalinlangan.

"Gusto mo pa rin siya ano?"

"I don't know, Brix." Sabi ko saka nag kibit balikat.

"Ah, sorry for asking that."

"Ayos lang. Ano bang bibilhin nga pala natin?"

"Awan ko ba. Ikaw na bahala treat mo naman ay." Natatawang sabi niya.

"Hahaha. Baliw."

Nag ring bigla ang phone niya.

"Sagutin mo nga!" Mariing sabi sa akin ni Brix.

"Hala?! Bakit?" Nagtataka Kong tanong.

"Basta, sabihin mo nagdradrive ako." Sabi niya. Kinuha ko ang phone niya at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Brix?"

"No.. Ugh. It's Kim."

"Ayy, mag kasama kayo ha."

"Yap, group mates kami." Paliwanag ko.

"Ah sige sabihin mo later na lang ako tatawag." Sabi niya.

"Bye."

"Bye!"

"Sino nagtawag?"

"Si Shaun, yung kasama mong player sa basketball."

"Ah oo. Eh ano raw?"

"Tatawag daw siya basta mamaya." Sabi ko.

"Okay."

Papasok na kami sa parking lot ng KDV.

"Grabe ang lago na ng negosyo mo, Idol." Pang aasar niya sakin.

"Baliw, mas idol kita, company na hawak mo." Sabi ko saka sinara ang pintuan ng sasakyan.

"Hahaha, parang hindi siya. Ikaw na rin naman ang magpapatakbo sa De Vera company ay, sa Angeles naman kayong magpipinsan yaman niyo ay." Sabi niya saka nilagay ang kamay sa kanyang bulsa.

"Tss, bale." Sabi ko. Saka nauna nang maglakad.

Napatingin ako sa dalawang pamilyar na taong nakaupo sa gilid na kita sa labas dahil glass lang ito.

Napatingin sa akin si Brix at nagtatanong kung okay lang ako? With the okay sign.

Tumango ako, at may lakas ng loob na pumasok sa KDV.

"Hi Madam." Bati sa akin ng mga waiter at ibang staffs. Pinagtitinginan na naman kami.

"3 box ng pizza 2 order ng spaghetti at isang order ng carbonara, then bread." Sabi ko kay Aila, isa sa cashier dito.

"Pawait na lang po Madam." Sabi niya. Humanap muna kami ng upuan na pangdalwamg tao napadaan kami sa gilid nila.

"Hi Kim!" Masiglang bati ni Cheska sa akin.

Nginitian ko lamang siya. Nakita ang pag awang ng bibig ni Nikko na parang may nais sabihin, pero hindi ko na hinintay pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.

"Ayos ka lang? Mamimigay pa tayo nga palang invitation later sa mga kaklase natin na invited mo, tapos sa mga teachers and others." Sabi niya.

"Lahat naman ng kaklase natin ay invited ko." Sabi ko.

True Until The EndWhere stories live. Discover now