Brix's POV
Papunta ako ngayon sa L12U nahuli na nga ako ng gising eh. Baka nagalit na iyong mga iyon.
Dadaan muna akong Red Ribbon bibili akong cake, hahahaha. Para hindi sila magalit na late ako, ihaharap ko agad sa kanila ang cake. Hihihi.
"Kuya, yun na lang oh, favorite ni Ate Ja." sabi ng isang babae.
"Iba naman yung favorite ko alangang siya ang masunod?" tanong ng lalaki, na hindi ko makita ang itsura.
"Hayaan mo na, Kuya. Eh sa gutom na gutom na kami." pagmamaktol ng lalaki.
"Sige, ito na lang po."
Nalimutan ko pala yung wallet sa kotse, hay nako. Bumalik ako sa kotse at kinuha ang wallet ko, sakto nalabas na rin yung nabili.
Ha? Siya ba talaga ito? Ang tagal ko siyang hindi nakita ah. Grabe, alam na kaya ni Kim. Saan kaya siya nagpunta?
Tumago ako sa may likod ng sasakyan ko. Siya nga ito, si Nikko Perez na laging nananakit ng damdamin ni Kim.
Nang makaalis sila pumasok na ako ng red ribbon. Alam na kaya ng iba na nandito si Nikko? Hindi ko na lang muna sasabihin kay Kim.
Bumili na ako ng dalawang cake para madala sa office.
Tinext ko si Jeremy.
To: Jem
I'm coming, malapit na. On the way, dude. 😂😆😝
Nagdrive na ako, habang nagdadrive ako ay nagvibrate ang phone ko at nakita kong natawag pala si Jeremy nag pop yung face niya sa screen ng phone ko.
Dali dali kong inabot ang phone ko at niloud speak.
"Dude."
"What? Nasan ka na ba Brix. Ikaw na lang wala." Sabi niya.
"Wait, may dala naman akong cake eh hahahaha. Para sa inyo." Natatawang sabi ko.
Maya Maya ay nakarating na ako sa office, kay Jeremy ko na nga lang ikwekwento na nakita ko si Nikko, he will not tell this to Kim. I know that.
Nagtatawanan sila pagdating ko at ang sama ng tingin ni Yana sa akin, alam ko ang dahilan dahil late ako nagkaroon ng usap usap bago ko mailapag at maipakita yung cake.
Nakita ko sa salas si Kim na pangiti ngiti habang hawak ang phone. Tinanong ko siya kung nagugutom siya pero sabi niya hindi, I assumed na dahil siya naka ngiti kanina dahil alam niyang nandito si Nikko, pero parang Hindi hay ang labo, walang araw na hindi niya nakalimutan si Nikko, it's always Nikko she's thinking about kahit iniwan siya ayan iniisip pa rin niya, she's crying every night because of that boy, wala siyang alam na dahilan kung bakit wala man lang siyang maging contact dun ang mga pinsan ni Nikko ay walang sinasabi tungkol dun. Lahat ginawa na niya. Maya Maya ay dumating na si Tita kasama si Kiara. Unang nagtanong si Kim kung anong dahilan kung bakit kami nandito.
Sabi ni Tita about the Sports Fest raw and kami daw maglead? The F? Hahahaha. Nganga yan.
"Uwian na!" Sigaw ni Naomi habang nagtatatalon papunta sa parking lot.
"Kila Kim muna kami." Sabi ni Alexa sa aming dalawa ni Jeremy. Tumango lang kami.
"Hindi kayo sasama?" Tanong ni Xei.
"Nope." Sabi ko saka binuksan ang pinto ng kotse.
"Okay!" Sabi ni Xei habang papasok sa sasakyan ni Kim, si Kim magdadrive.
"Bye!" Sigaw ni Kim habang pinapaikot ang susi sa kanyang mga daliri.
Kumaway lang ako.
"Kiara! Bilis!" Sigaw ni Chelle kay Kiara na nakatingin pa sa phone habang nagtetext.
YOU ARE READING
True Until The End
AcakA story with conflicts, dying tricks of destiny, friends to lovers, I think so... and such as gang fights. There was a girl who is part of a gang, he had a crush on a boy that lives far away from her own town. The boy and the girl are not showy abou...
