Chapter 38: Last for a Gang Fight

6 1 0
                                        

IU's POV

May laban kami mamaya at sure ng magpapakita siya. Alam na naman nila. Kasali na sa RG si Pauline at Rhizze, the more the marrier. Hahaha.

"Kim?"

"Ha??" Tanong sa kawalan ni Kim.

"Ready ka na?"

"Oo! Readyng ready!" Sigaw niya, parang ang layo ng kausap eh.

Mas matapang na si Kim ngayon, ibang iba sa dati, hindi na nagpapaapi sa mga nanlalait sa kanya. Mas lalo siyang tumapang dahil kay Cheska. Mula ng mawala at hindi nagparamdam si Nikko sa kanya nag bago siya, hindi na siya katulad ng dati. Hindi man lang nagpaalam si Nikko, wala man lang paramdam nahihirapan rin naman kami para kay Kim e.

"Andiyan na ata." Sambit ni Brix.

Nung minsan pa nagpaparamdam ang aming mga kalaban. Nung mababangga sana si Ailee, nanakawan si Chelle, nawala ang mga gamit sa loob ng locker ni Alexa.

"Andiyan na!" Bulong ni Kiara mula sa likudan ko.

"Nandito na kami Royalty!" Sigaw ng isa sa kanila.

Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanila.

Nakatayo na kaming lahat at kaharap sila, mga lalaki sila.

Kim's POV

Inatake agad ni IU ang nasa harap niya, ganun din kaming lahat. Namiss ko ito hahaha.

Sadya sana akong susuntukin ng nasa harap ko ngunit nakailag payuko ako saka ko siya sinikmuraan at sinapak sa ulo, bago tinadyakan napaupo naman siya, biglang may paparating pang isa sinipa ko siya ngunit nahawakan niya ang paa ko, nagtalon ako upang bwumelo, saka ko siya sinipa at napadapa siya saka ko tinapakan ang likod niya.

"Don't you dare hurt the princess, boy."

"P-princess a-a-aray!"

"Get up and run!" Sigaw ko.

Nakita ko namang nahihirapan na si Alexa sa di kalayuan sa kalaban niya. Tumakbo ako papalapit ngunit napatigil ako ng may hindi ako inaasahang makita na nanunuod sa aming laban. Nakita rin naman nila akong nakatingin sa kanila at dali dali silang pumasok sa likuran ng kotse.

"Brix, Chelle, Pauline! Habulin niyo yun si Dache at Adams."

Sumakay sila sa kotse ko, at nagdrive si Brix.

Bakit magkasama si Adams at Dache? Bakit sila nandito?

Naisip ko iyon bago may humila at magtakip sa bibig ko ng panyo. Hindi ko na maaninag lahat madilim na.

.........

IU's POV

Nagising ako dahil sa sakit sa hita na nararamdaman ko, may pasa ako, my gosh. Paano ako napapunta dito.

"Gising na pala ang Prinsesa ah." sabi ng isang lalaki na nasa kabila.

Napansin kong nakabilog kami habang magkatalikuran na nakatali ang aming kamay at paa sa aming kinauupuan.

"What do you want ugly freaking demon?" sigaw ni Dara ( Code name niya sa Gang )

"It's simple." saad ng lalaki sa mahinang boses.

"What is it?" pasigaw na sambit ni Dara.

"I want all of you to die." nakangirit na sabi.

"Do it, if you can. Watch me boy." sabi ni Dara saka nagsmirk.

"Gising na rin pala si Lightning Queen." sabi ng isang babae habang itinataas ang baba ko para mapantay ang tingin ko sa kanya.

"Kanina ka pa gising?" tanong ng isa pang lalaki.

True Until The EndWhere stories live. Discover now