Kim's POV
"Babaeng hindi nagpapatalo, lumaki ng may takot sa Diyos, masunurin, mabait, masayahin, joker ng pamilya namin.."
"Nag iisang anak, pero mapakaraming kaibigan, matalino, lahat na ata ah, pinsan kong napakahilig sa libro at sa puzzles.."
"Ang nag iisang tagapagmana ng De Vera's Company.. Let us all welcome, Kenzee Indira Miyu Angeles De Vera." Sabay na sabi nila Ate. Nagpalakpakan ang mga bisita at siya ring pagtugtog ng musical instrument the rondalla, sa gilid sa baba. Dahan dahan akong bumaba sa hagdanan, nakakakaba nga talaga, Tama sila Kiara sa sinabi nila sa karanasan nila nung debut nila. Lahat ng tao nakatingin sa akin. Nakakahiya pag natapilok ako. Omg. Nakita ko ang table king nasaan ang mga kaibigan ko, kamag anak, kaeskwela noong elementary, highschool, at nitong sa L12U, mga pamilyang ka business partner namin. Nakita ko sila Gilbert nakaway sila Akyra at Misty. They're here.
Naka baba na ako sa katabi nila Ate Klaire at Ate Pia.
"Happy birthday, sweetie." Bulong nila sa akin habang inaabot ang microphone. Ngumiti ako sa kanila at humarap sa mga bisita, for an opening and thank you speech.
"H-hello! Magandang araw po sa inyong lahat! Thank you for coming here at my 18th birthday p-party. Salamat po sa inyong lahat na naging malaking parte ng buhay ko, sa tulong at dasal na tinulong niyo po sa akin. Sa mga kaibigan ko, kaklase, kalaro or naging kalaro, maraming salamat sa pag unawa niyo sa akin, kasi naman madali akong umiyak mahina kasi ako e. Maraming salamat sa mga kamag anak ko sa lahat lahat po, sa mga magulang ko Ma, Pa. Salamat po ng sobra sobra. Mahal na mahal ko po kayo. Sana po ay mag enjoy kayo ngayon, salamat po." Sabi ko.
"And now let us go forward to the 18 roses." Sabi ni Ate Pia.
1 minute lang ang bawat isasayaw ko, I know that.
Tumugtog na ang Dance With My Father, siyempre si Dad kasi first dance ko eh 😂 inabot niya na sa akin ang rosas. Tinanggap ko ito saka kami sumayaw.
"You're 18 now, darling. Ayaw mo pa ba mag boyfriend?" Mapang asar na sabi ni Dad.
"Yaw pa dad." Sabi ko habang nagsasayaw kami.
"Ayaw, o may ibang gusto or laman yang puso mo?" Sabi niya sa seryosong tono.
"Daddy naman, yan ang topic ah."
"Sundin mo lang yang puso mo, wag kang magtanim ng galit sa kanya, okay?" Sabi niya.
"May I?" Sabi naman ng nasa gilid ko. Si Tito Karlo pala. Ngumiti lang uli si Dad sakin. Saka ako inabot kay Tito, katulad kanina inabot ko uli ang rosas.
"Happy Birthday Kim!"
"Salamat po, Tito."
"Lahat ng pinsan mo, nagtatanong bakit di ka pa raw nagboboyfriend."
"Pati ba naman po ikaw Tito." Natatawang sambit ko.
"Hmm? Bakit? Tinanong rin ba ng Daddy mo kanina?"
"Yes po. Naguluhan ho ako big---"
"Bakit nga ba kasi?"
"Hindi ko po alam."
"Hindi mo alam, o may gusto ka na."
"May I dance with her?" Tanong ni Tito Kevin.
Napatingin ako kay Tito Karlo na pangiti ngiti lang sakin.
"Happy birthday!"
"Thanks Tito."
"Di ka kamukha ng Nanay mo."
"Hahaha, kay Dad po ako eh."
"Hahaha. Oo nga yang ilong mo Richard na Richard ee."
"Opo hahaha."
YOU ARE READING
True Until The End
RandomA story with conflicts, dying tricks of destiny, friends to lovers, I think so... and such as gang fights. There was a girl who is part of a gang, he had a crush on a boy that lives far away from her own town. The boy and the girl are not showy abou...