Chapter 60: Last 💖💪

23 3 0
                                    

Kim's POV

"Waaaaa. Ako nagbake niyan eh!" Sigaw ko kay Nikko.

"Nikko naman, para kang tanga." Sabi ni Ate LM.

"Hindi kasi ako maalam magbake buti ikaw marunong, ang sarap pa." Sagot ni Nikko.

"Edi sana sinabi mo sa akin ng pinag bake kita ng bukod, kasi amin yan."

"Pss! Pss! Quiet nanunuod kami!" Sigaw ni Ate Sey sa amin.

"Sorry." Sambit ni Nikko saka nilisan ang kitchen. He's upset, paalis na sila pero inaway ko pa siya.

"Talk to him, alam mo naman yun." Sabi ni Ate LM habang naghuhugas ng kamay.

Tinagkal ko ang apron ko, then sumunod kay Nikko na paakyat pala sa kwarto niya.

Ugh, sheez. Sakit ng binti ko, papahabulin pa ako ng bwiset na ito.

"Niks, wait!" Sigaw ko ng makalapit ako ngunit nahuli ako nagsara na siya ng pinto ng room nila.

Kaasar naman.

"Nikko naman!" Sigaw ko habang pinupukpok ang pinto.

Hindi pa rin niya binuksan, grabe talaga itong lalaking ito.

"Simpleng bagay pinapalaki mo!"

"Ano ba? Hindi mo talaga bubuksan?"

"Naman Nikko."

"Quiet!! Matutulog ako."

"Ugh, sabi mo magkwekwentuhan tayo, paalis na kayo eh." Malungkot na sambit ko.

Maya maya ay narinig ko ang yabag na papalapit sa pinto. Narinig ko rin ang pag bukas ng pinto kahit nakasubsob ako sa aking tuhod.

"Huy..." Bulong niya.

"Hmm?"

"Tumayo ka na diyan." Sabi niya.

Pero hindi ko siya sinunod.

"Hey, harapin mo ko." Utos niya.

Bigla ko siyang niyakap na alam ko ay ikinagulat niya. Hmm. I love his smell.

"Napakaarte mo." Sabi ko sa kanya.

"Eh, gusto mo lang ng yakap ko eh." Sabi niya.

"Hahaha. Hindi ah." Sabi ko sabay suntok sa braso niya ng mahina.

"Ouch." Pag inda niya.

"Ang hina lang nun." Sabi ko.

Tumayo na siya saka naglahad ng kamay sakin.

Inabot ko ang kamay niya kaya nakatayo na rin ako.

"Hindi naman talaga ako nagtampo e, nagpasuyo lang. Kasi mamimiss kita." Sabi niya.

"So sweet." Sabi ko habang tawa ng tawa.

"What's funny?" Naiiritang tanong niya.

"Wala, ang cute mo lang kasi." Sabi ko.

"Sus. Nainlove ka na naman sakin." Sabi niya.

"Asus, asa." Sabi ko bago siya tinalikuran.

"Hahahaha. Baba na tayo lilinisin pa natin yung sasakyan na gagamitin namin." Sabi niya saka ako hinila.

Nasa labas na sila ready na paglilinis ng sasakyan.

"Nasa labas na yung iba." Sambit pa ni Nathan.

"Ah okay."

Nauna ako maglakad, habang si Nikko at Nathan ay magkasabay.

"Sipag!" Ngirit ko kay Ate Sey na may hawak na foam na may bubbles. Habang si Jewelle at Jb may hawak ng hose. Yung maliliit na bata ay nagpupunas sa kabilang part.

True Until The EndWhere stories live. Discover now