Chapter 56: Debut Part 1

15 2 0
                                    

Kim's POV

Nagising ako dahil sa liwanag na nakikita ko sa napakalaking bintana na kita ang mataas na building sa paligid nito.

"Ang baliw mo talaga, edi masisilaw si Ate." Narinig kong pasigaw na sabi ni Camilla kung hindi ako nagkakamali.

"Happy Birthday Ate."
"Happy Birthday Couz."
"Happy Birthday Kimmy."
"Happy 18th Birthday Yu."
"Pibertdeyyyy!" Masiglang simula nila at pagbati sa akin. Kinusot ko muna ang mata ko at hinahawakan ang pisngi baka may panis na laway pa eh hahaha.

"Thank youuuuu... Group hugggg." Masiglang sigaw ko at sinalubong na nila ako.

"Wait wait I can't breathe." Sabi ko sa gitna ng pag eemote at yakap yakap na yun.

"We love you too." Sigaw nila at sabay sabay kaming nagtawanan. (SDTG THING 💖💝💕💓💘💜😂😭😍)

Nawala ang yakap nila sa akin ng bigla naming narinig ang pag bukas ng pintuan at nakita ko sila Mommy at Daddy.

"Naunahan na nila kaming bumati sayo, anak." Natatawang sabi ni Daddy.

Niyakap ko agad silang dalawa.

"Happy birthday sweetie/sweetheart." Sabay nilang bati sa akin. Nakayakap pa rin ako sa kanila.

"Thank you." Namamaos na sabi ko.

"Don't cry." Sabi ni Kuya Elton sa likod.

"I'm not." Pagdedefend ko.

"Hala magsibabaan na ha, almusal muna." Sabi ni Mommy.

Tumango lang kami. Ang iba ay nagsunod na sa paglabas ni Mommy at Daddy, naiwan sa kwarto ko si Coby, Benedict, Ashley, Tristan, Ephicus, Camilla, Marshant, Quien, Margareth, IU, Naomi, Alexa, Xei at Yana.

Nagsuot ako ng jacket ko dahil medyo nilalamig ako at nagtooth brush rin muna bago bumaba
Sabay sabay kaming bumaba at dumalo sa mga kamag anak kong nakain na ng almusal. Pagpasok ko pa lang sa kainan ay binati na ako ng staffs ng 'Happy Birthday' nagpathank you naman ako sa kanila.

"Happy Birthday Ken." Bati ni Tito Andy sa akin.

"Thank you po." Sabi ko ng may ngiti sa labi.

"Picture." Sigaw ni Tita May at inabot ang camera at mga phone pa ng ibang Tita at Tito ko sa waiter para picturan kami kasama si Ama, Lolo, Nanay at Tatay. Dali daling nagsilapit ang mga nakain kong pinsan sa kabilang table sa amin para makapagpapicture. Todo ngiti at wacky kami ganun rin sila Tatay.

"Happy Birthday." Bati ni Dustin sa akin. Alam kong may konting pagtingin sa akin si Dustin naikwento sa akin ni Ate Klaire.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya saka dumiretso sa upuan ko kasama ang mga kaibigan ko.

"Ang sarap talaga ng carbonara dito." Sabi ni Xei habang ninanamnam ang pagsubo sa carbonara.

"Specialty yan dito, favorite ni Kimmy e." Sabi ni Chelle.

Ngumiti lang ako saka sumubo ng carbonara at tasty na aking kinuha.

"Yieeee. 18 na siya." Pangungulit ni Amber at Ella sa akin pagkadaan nila sa likod ko.

Tiningnan ko lamang sila at nginisian.

Pagkatapos nito ay maliligo na ako, pagsapit ng alas dos ng hapon ay mag iistart na akong ayusan nila Tita Queen bakla siya. Siya ang laging nag aayos sa akin kapag may aatendan akong party or something. Lumipas ang apat na oras na nagkwekwentuhan kami ng mga pinsan ko at best friend ko.

1:30 na.

"Tara na sa room mo." Sabi ni Shane sa akin.

Tumango ako saka siya sinabayan sa paglakad. Nakasalubong ko si Jeremy at Brix kasama sila Justin at Kuya Darwin na dala dala ang mga suot nila later, mamayang 5 ng hapon ang start ng programme nginitian lang nila ako, kasunod naming nakasalubong si Calix na nakipag apir pa sa akin.

True Until The EndWhere stories live. Discover now