Chapter 47: Sports Fest

9 1 0
                                    

Nikko's POV

"Sasama ba talaga ako?" Tanong ko kay Jb na nagtatalon talon. Pwede raw kasi ang outsiders sa Sports Fest sa University nila Chelii.

"Siyempre Kuya, maaari kang maglaro dun ng basketball, sama mo sila Kuya Nathan at Kuya Jb." Sabi ni Martha.

Tumango lang ako at tinahak ang kotse.

"Dad, sama ako kila Nikko." Pagpapaalam ni Ate LM.

"Sige, text ko kayo sabay sabay tayong kumain ng lunch later. Tingnan mo phone mo ha." Sabi ni Dad.

"Hindi mo gagamitin ang kotse mo?" Tanong ni Mommy habang nakatingin kay Ate.

"Nope, I'll ride with them." Nakangiting sambit ni Ate.

Pinauna naming umalis si Dad at Mom na nakasakay sa kotse ni Daddy papunta sila sa company ang tagal nanraw nilang hindi nakakapunta at bisita dun. Mommy ni Martha ang namamahala dun pero kami ang tunay na may ari nun. Ka business partner pa rin namin ang company ng Angeles, malakas ang pwersa nito.

"Front seat." Sigaw ni Louie. Agad ko namang nakita ang inis sa ekspresyon ni Martha, lagi itong dalawang ito.

Pumasok na lang ako sa sasakyan at nagdrive papuntang L12U. Tahimik ang naging biyahe namin. Pagkadating namin sa parking lot ay labis na nakikita mong kilalang kilala itong University na ito ang daming tao. Nagsibabaan na sila at nagsunod na lamang ako hindi ako pamilyar dito at baka maligaw ako.

Palingon lingon ako sa paligid puro mga naka yellow shirt sila na may nakatatak na L12U at logo ng magkakahawak na tao na may bilang 12 may 2 lalaki bigla ko tuloy silang naalala.

"Eto ang CR dito Kuya." Sambit ni Chelii sa akin.

"Ah okay." Sabi ko.

Patuloy kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa covered court. Ang daming tao. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang shades ko, ang init ang sakit sa mata lalo pa mamaya uuli kami sa may field dahil tatakbo si Louie mamaya sa 100 meter sprint pati si Andi pareho silang maliksing tumakbo.

"Di kita makilala." Kantyaw ni Jb sa akin ginulo ko ang buhok niya at umupo sa bleachers sa may gilid namin.

Kim's POV

Kaya naman pala inatasan kami ni Tita na kami ang mag abyad dahil wala siya hahaha. Grabe.

"Paabot nung box na yun." Utos ko kay Jeremy.

"Aalis na kami." Sabi ni Xei at Alexa.

"Huy, tulungan niyo ako later ha." Sabi ko kay Ailee, Naomi at Kiara.

"Di kasi nalaro na lang ayy, di ka sana ganto ka haggarda." Sabi ni Ailee habang natigis ng tubig.

"Wala sa mood." Sabi ko saka pinagpatuloy uli ang pagpapack ng sandwich.

"Tulungan niyo yan ha." Sabi ni Brix sa kanila habang patuloy ang pagpapagulong ng bola sa palad.

"Lumabas na nga kayo, naguguluhan na ako dito pagbibilang eh." Pagsusungit ko.

Lumabas na sila habang nagkakantahan ng friends song namin. Ampuh ano?

"Miss Kim, yung iba po sa mga scholar niyo ay nagvolunteer na tutulong sa inyo." Sabi ni Erika, isa sa mga staff sa cafeteria dito, working student siya pero hindi siya dito nag aaral.

"Ah sige thanks Ate Erika."

"Walang anuman yun." Sabi niya saka hinakot pababa ng lamesa ang kahon na may laman ng malamig na tubig.

Napagkasunduan namin na babalik na lamang uli kami sa office pag patapos na ang bawat laro. Pagbaba pa lang namin ay kinig na ang hiyawan sa gymnasium. Nagtungo kami at diretsong naglakad papunta kung nasaan ang ingay na iyon.

True Until The EndWhere stories live. Discover now