Chapter 16- Partnership

985 37 0
                                    

Georgina's POV

Tinignan ko ang gang ko at sumunod sa akin sina Jasper, King, Joshua, Eduard at L.A.

Sinenyasan ko sina Yuan na mag libang pero maging alerto.

Tumango si Yuan na may ngisi sa labi.
Sumunod sa kanya sina Hayram, Aison at si Marc.

Sumunod naman kami sa mga tauhan ni Mr. Mordwick.

Pumasok kami sa isang kwarto, umupo si Mr. Mordwick at sa likod niya naman ay ang mga tauhan niya.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa isang Earnheart?" Sabi ni Mr. Mordwick habang naka ngisi.

"Gusto ko ng contrata, a partnership. Between Wicked Incorporation and Black Tetta Gang." Seryoso kong sabi kay Mr. Mordwick habang nakatingin sa mga mata niya.

Tumawa si Mr. Mordwick sa sinabi ko.

"Hahahaha, hindi ko kailangan ng pera ng gang mo Ms. Earnheart. Sabihin mo sa akin kung bakit ko tatanggapin ang offer mo?" mapang asar niyang sinabi.

Minamaliit niya ba ang gang ko? =_=

"Joshua." Tawag ko sa gangmate ko.

Tumango si Joshua at may mga pinindot sa tablet niya.

"Jasper." Tawag ko sa bestfriend ko, sinenyasan ko siyang tawagan sina Yuan.

"L.A" tinignan ko siya at para bang alam niya na ang gagawin.

"Pwede bang makahiram ng isang laptop, desktop or computer?" Sabi ni L.A

Sumenyas si Mr. Mordwick sa kanyang tauhan at inabutan si L.A ng isang Laptop. Tumango si L.A at nag simula ng kalikutin ang Laptop na ibinigay

Makalipas lang ng 5 minuto, inabot ni Joshua ang tablet niya sa akin.

Ngumisi muna ako bago ko ipinakita kay Mr. Mordwick ang tablet.

Plinay ni Mr. Mordwick ang video, makikita sa video kung paano ko niligtas ang anak niyang si Adrienne.

Umangat ang tingin ni Mr. Mordwick sa akin. Nawala na ang ngisi niya sa mukha, napalitan na ito ng seryosong mga titig.

"Paano? What happened?" tanong ni Mr. Mordwick sa akin.

"Nakita ko siyang pagala gala, sumakay siya sa escalator pero masyadong mahaba ang gown niya kaya muntikan ng kainin iyon ng makina ng escalator. Niligtas ko ang anak niyo Mr. Mordwick." Sagot ko sa kanya

"Niligtas mo ba siya dahil alam mong isa siyang Mordwick?"tanong pa sa akin ni Mr. Mordwick

"Hindi, tsyaka ko lang nalaman na isa pala siyang Mordwick ng makita ko ang bracelet ng bata." sagot ko pa.

Totoo naman eh. Hindi ko alam na Mordwick pala yung bata.

"Paano niyo naman nakuha ang CCTV Footage ng mall na ito?" Tanong ni Mr. Mordwick

"Kina Joshua ang mall na ito, John Joshua Lobrino, third top in the Elite Society. Ang hacker, scientist for short ang genious ng Black Tetta. Hi-nack niya ang CCTV Footage imbes na tawagan pa ang Security para sa footage." sabi ko habang tinuturo si Joshua

"Wh-" naputol ang sasabihin ni Mr. Mordwick dahil sa katok ng pinto

Binuksan naman ito ni Jasper habang may ngiti sa labi.

Tumambad ang mukha ni Yuan habang sa kanang kamay niya ay ang pinaka iingatang kayamanan ni Mr. Mordwick. Ang kanyang anak, si Adrienne.

Inabot ng kamay ko si Adrienne Mordwick, lumapit naman ang bata sa akin.

"Pwede mo bang sabihin sa Papa mo ang nangyari kanina?" Sabi ko sa isang malambing na tono habang pinapalambing ko din ang features ng mukha ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na vivideohan san

a ako ni Jasper pero iniharang ko na ang bata para hindi ako makuhanan sa ganitong anggulo.

Tumango si Adrienne.

Tumakbo si Adrienne at may binulong sa Papa niya, I think nag uusap sila sa wikang German.

Ilang sandali pa ang lumipas. Tumingin sa akin si Mr. Mordwick.

Bumaba sa kandungan ni Mr. Mordwick si Adrienne at lumapit sa akin.

Sumenyas siya sa akin na lumapit sa kanya kaya lumuhod ako ng bahagya para maging magka level na kami

Kinuha niya ang isang bulaklak sa kanyang tenga at inilagay ito sa may tenga ko.

"You're so pretty." Sabi ni Adrienne sabay ngiti ng pagkatamis tamis

"Danke schön (Thank you)" sabi ko naman sa kanya.

Nagulat si Adrienne at ngumiti ulit.

"Können Sie deutsch sprechen? (Can you speak German?) " tanong ni Mr. Mordwick

"Ich spreche ein bisschen Deutsch. (I can speak a little German) "sagot ko naman kay Mr. Mordwick

Bumaling ako sa batang nasa tabi ko.

"Herzlichen Glückwunsch zum Geburststag (Happy Birthday)"sabi ko kay Adrienne habang iaabot ko ang aking regalo sa kanya.

Isang swiss knife na maliit lang naman at kayang kayang hawakan ng isang bata. Swiss knife na may magandang handle, kulay ginto at pula at may carvings na rosas ang disenyo.

Inabot niya ito at tinignan. Kung nasa anime or cartoon lang kami ay sigurado akong may hugis puso o kumikinang na ang mga mata niya.

Tumalon talon ang bata at iwinawagayway ang hawak na kutsilyo

"Papa! I got a knife for my birthday!! Kyahhhh!!!" Tuwang tuwang sigaw ni Adrienne

Ngumiti si Mr. Mordwick dahil sa nakitang reaction ng anak.

Kinalabit ako ni Adrienne at niyakap ng mahigpit.

"Vielen Dank Ate!!!!(Thanks a lot)" sabi ni Adrienne habang yakap yakap ako.

Natutuwa ako sa batang ito. Napaka hyper.

"Danke schön Ms. Earnheart. You made my daughter happy on her birthday. She was kinda bored at the party kaya siguro nagliwaliw siya sa labas ng venue."sabi ni Mr. Mordwick

"No worries Sir." Sabi ko

Sinenyasan ko sina Yuan na ilabas na si Adrienne. Gagalaw na sana ang mga tauhan ni Mr. Mordwick pero inunahan ko na sila

"Yuan Sy, fifth top of the Elite Society. Isa sa mga tributes ko. He wont hurt your heiress, unless he wants to die today? Right Yuan?" Sabi ko sa kanila at bumaling kay Yuan

"Yep." Cool na sagot ng mokong

Lumabas sina Adrienne kasama ulit sina Yuan, Hayram, Aison at Marc.

"L.A." tawag ko ulit kay L.A

Tumayo siya at inilapag sa harap ni Mr. Mordwick ang laptop.

"That is the contract for the partnership. You can change some details if you want but our conditions cannot be changed. Unless, we could discuss it again in a more formal meeting." Sabi ni King

"Si Eduard ang mamimili ng mga baril at equipments na kukunin mula sa kanila G. He's the gun maniac afterall." Sabi ni L.A

Tumango si Eduard habang nakangisi. Sa aming lahat siya ang pinakamahilig sa mga baril. Alam niya ang pinakalatest na baril sa black market.

Tumayo si Mr. Mordwick at iniabot ang kanyang kamay sa harap ko.

"Well, Ms. Earnheart. I accept the partnership. Im looking forward to get intact with your gang." Sabi ni Mr. Mordwick habang nakangiti.

Tinanggap ko naman ang kamay ni Mr. Mordwick at ngumisi at sinabing

"My pleasure Mr. Mordwick"

When Ms. Gangster Falls In Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon