Chapter 29- SLAY DAY

718 20 0
                                    

Georgina's POV

SLAY DAY.

One of the reasons why The Elite Academy is the best, because we train students to become fighters. Every two gradings ay may tinatawag na slay days. Ang slay days ay ang mga araw na kung saan ay maglalaban ang Grades 7-12. At isa ang araw na ito sa slay day. Nagtitipon ngayon ang mga estudyante sa auditorium para sa instructions ko.

"Good morning Elites, maaring bago lang sa pandinig ng Grade 7 students ang ating event na Slay Days. Ang Slay Days ay ang mga araw na kailangan nating mag laban, ang grade 7, grade 8, grade 9, grade 10, grade 11 at ang mga grade 12."

Bawat banggit ko sa mga grade ay tinatapunan ko sila ng tingin. Sa likod ko ay ang mga kaibigan ko naka suot kami ng black straps, may kulay black na helmet kami at may hawak hawak na baril, isang electron gun.

"Your color defines what grade you are or what team you are. Color Maroon for the Grade 7, Turqouise for Grade 8, Grey for Grade 9, White for Grade 10, Silver for Grade 11, at Gold para sa Grade 12. My gang would be black, hindi kami kakampi sa kahit anong grade. Maglalaban laban tayo ngayong araw, hawak hawak niyo ang mga baril na dinisenyo para sa SLAY DAY na tinatawag na electron gun, it has a magazine for the ammo, electron bullets, it would be able to paralyze you for atleast 24 hours. Simple lang ang laro, the goal is to capture us, me and my gang or to capture the other groups flag. Gagamit kayo ng electron gun instead of real guns. Bawat group ay mamimili ng leader,so please choose your leaders now."

Nag usap usap ang mga estudyante, naging maingay ang buong auditorium, the atmosphere was heavy, I can sense that some were nervous, some are excited, and some are scared. They were holding their phones, gamit ang isang app sa cellphone na ginawa ni Joshua para sa slay days, bumoboto dito ang mga estudyante kung sino ang pipiliin nilang leader. Amazing right? Pwede kang mag nominate ng gusto mong maging leader. The list of nominees would be seen and it's upto the students to vote. Ang bawat grade ay binubuo ng 150 students, hindi namin isinasali ang mga estudyanteng walang permit na galing sa magulang o di kaya ay may sakit sa puso o ano pa man, we would be responsible for the well being of our students here in my school. May college students ang T.E.A pero hindi ko sila pinasali, dahil na rin sa mas magiging malaki ang advantage nila at gusto kong mag focus sila sa kanilang pag-aaral. I ordered the professors to give them a thesis ng sa ganon ay madivert ang atensyon nila dito.

Amazing, 10 against almost 900 students? Cool, really cool.
Matapos ang ilang minuto ay pinatahimik ko ng muli ang mga estudyante.

"To the chosen leaders. Please step forward."

I scanned through the auditorium, nahawi ang daan ng bawat grupo. Sa Grade 7, ang leader nila ay isang lalake na matangkad, gwapo, moreno, malakas ang sex appeal, his identity was oozing with confidence and his face looks serious. Sa unang tingin aakalain mong Grade 8 o 9 ang lalaking ito.
Sa Grade 8 ay isang lalaki din na hindi medyo katangkaran pero nakikisabay sa height ng pang Grade 8, may puting buhok na bumabagay sa kanya and he was smiling widely, he was wearing a smiling face while walking towards the stage. Isa siya sa mga carefree na tao, makikilala mo sa unang tingin.

Sa Grade 9 ay nagulat ako ng makita ko ang isang babaeng naglalakad patungo dito sa Stage, her long black hair was tied by a pony tail, maiitim ang mga mata, hindi petite pero hindi rin matangkad masyado, may angas ang paraan ng paglalakad at may nginunguyang chewing gum na maya't maya ay pinapa lobo.

Siniko ko si Jasper na nasa aking tabi at nginisian, binalik niya rin ang ngisi sa akin at itinuro ang babaeng iyon. Bestfriend codes.

This would be fun.

Sa Grade 10 naman ay ang lalaking ayaw kong makita, walang iba undi si Sean. Hawak hawak niya ang helmet niya sa isang kamay habang nakasabit sa likuran niya ang baril. Kinindatan niya ako pero nanatili akong naka poker face.

I cant wait to wipe that smirk out of his face.

Sa Grade 11 ay isang lalaking naka salamin, mestiso, medyo may kasingkitan, maayos ang ayos sa sarili, maganda ang tindig ng katawan, matalim ang titig sa daan at para bang guro din na strikto.

Ang pinaka huli sa lahat ay ang babaeng leader ng Grade 12. Naka yuko siya habang naglalakad. Ang kaniyang mukha ay natatakpan ng kanyang buhok, ang baril niya ay hawak niya sa isang kamay at ang kaniyang helmet ay nasa kaniyang ulo.
Dumating ang anim na leader sa stage kasama namin. Sinenyasan ko ang aking mga kaibigan at nakuha naman nila agad ang nais ko.
"Here are your leaders, malalaman niyong sila ang leaders kapag nakita niyo ang damit nila ay kung ano ang color ng group niyo."

Iniabot sa kanila nina Jasper ang bago nilang uniform, isa itong vest na kakulay ng kanilang grupo.
"If you have your mission, we have ours also. Kami ang kukuha ng flag ng kahit anong grupo, sa oras na makuha namin ang flag ng grupo niyo, the game is over. It's similar sa game na capture the flag. Ang mga matatalong grupo ay ang maglilinis ng buong campus, the prize for the winning team would be a trip to any of your desired country, a week vacation there and a perfect grade for defense- kung makukuha niyo kami. If you get the other team's flag, you'll only have a perfect grade and a 3 day trip in any city here in the country. So Elites, good luck and try to win."

Bumaba kami sa stage at sinuot ko na ang baril sa aking likuran. Ang screen sa may stage ay bumukas at nagsimula na ang countdown.

"10 minutes before the game starts."

Nagsi alisan ang mga estudyante sa auditorium. Nanatili kami sa auditorium at nag usap.

"San tayo" sabi ni King habang inaayos ang baril

"San ba maganda?" sagot naman ni Eduard sa kanya

"Greenhouse."

napalingon kami kay L.A. Tumayo si L.A mula sa pagkakaupo at nagsalita muli.

"Dun tayo sa greenhouse, maliit ang space kaya hindi maiisipan ng mga bata na dun magtago, malapit yung greenhouse sa pinakamataas na building ng campus, sakaling matunton tayo dun makakaalis agad tayo."

Tumango kami agad at nagtungo sa back entrance ng auditorium.

Let the games begins.

When Ms. Gangster Falls In Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon