Chapter 27- Gone back home

673 20 0
                                    

Jasper's POV

Natapos ang bakasyon namin sa Elvarie at agad naman kaming naka uwi dahil sa private plane ni Uncle Damon.

May business meeting daw kasi siya at kailangang mag isip ng bagong designs ng damit si Aunt Aph kaya imbes na 2 linggo at kalahati kami dun ay naging 2 linggo lang.

Dumating ang pasukan at halata naman na ang lahat ay may hang over pa mula sa bakasyon.

"Josh, may teacher ba tayo?"

"Ewan ko lang bro."

Kainis, bad trip.

"Hays!" Sabi ni Hayram habang nag iinat

Tumayo si Aison at kinuha ang bag.

"Nakakatamad, dun muna kami ni Hayram sa special room." Sabi ni Aison na siya din namang sinundan ni Hayram.

Kinuha ni Hayram ang bag niya at isinukbit ito sa kanang balikat. Itong magbestfriend na to, parehong may sayad.

"Chao." Sabi ni Hayram sabay kindat sa iba aming kaklase

Palabas na sana sila ng matahimik ang lahat dahil sa nagsalita si G.

"Bumalik kayo sa upuan niyo. Ngayon din."

Ang kaninang maingay na classroom ay tumahimik. Ang akala kasi ng lahat, natutulog si G, kanina pa kasi siya nakatungo. Kaya naman malakas ang loob ng lahat na gumawa ng katarantaduhan.

Wala pang limang segundo, bumalik sa upuan nila ang dalawang kengkoy na si Aison at Hayram.

Umangat ang ulo ni G mula sa pagkakatungo at umayos ng upo. Ang ginawa ko naman ay inayos ang buhok niya. Hinawi ko ang ilang baby bangs na nakaharang sa mukha niya.

"AYIEEEEEEE!!!"

"OMEGESH!"

"SILA BA?"

"ANG LANDEEEE!"

"NO!!!"

"AKIN LANG SI JASPER!"

"AKIN LANG SI GEORGINA!"

Nakarinig kami ng iba't ibang klase ng kantsyawan. Natutuwa ako sa mga sinasabi nila pwera lang dun sa huli.

Tumahimik ang klase ng sabay kami natayo ni G at sabay ding nag sabi ng

"Sino yon?"

Nagkatinginan kami ni G, pero nag iwas siya ng tingin. Napangisi na lang ako. Hmmm.

Bumalik sa pagkakaupo si G, pero nanatili akong nakatayo.

"Inuulit ko. Sino. Ang. Nagsabi. Na. Sa. Kanya. Lang. Si. Georgina?"

Tahimik ang lahat at itinuro nila ang isa naming kaklase. Sa pangangatawan pa lang. Olats na to saken.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kwelyo.

"Paki ulit nga sinabi mo. Medyo hindi ko naintindihan eh. Medyo lang." Sabi ko habang nakangisi.

"P-Pre, biro lang. H-Ha ha ha. Ik-Ikaw naman h-hindi ka mabiro." Sabi nitong lalaking toh.

"Huwag mo ko ma pre pre. Hindi tayo talo. Ayos mukha. Anong sinabi mo? Ulitin mo." Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya habang sinasabi ko iyon

"Bakit la nagagalit? Hindi naman kayo? Diba?" May nagsalita sa bandang unahan ng room

Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino iyon. Syempre walang iba kundi si Sean. Epal amp.

"Aba, buhay ka pa pala. Akala ko kasi hindi na eh. Pano ba naman, hindi mo na ginugulo si Georgina." Binitiwan ko yung kaklase kong lalaki at hinarap si Sean.

Nilakihan ko lalo ang ngisi ko ng nakita kong kumunot ang kanyang noo.

"Patawa ka. Ayos lang ako, buhay na buhay pa rin. Balak ko na ngang ligawan si Georgina, eh ikaw? Hanggang bestfriends na lang ba ito? Hahahaha." Sabi ni Sean

Tahimik ang paligid. Kada may nagsasalita na isa sa amin ay duon nakatutok ang atensyon ng klase. Palipat lipat ang ulo kung kanino magsasalita.

"Woah, aba gumaganyan ka na. Sa ringin mo naman magpapaligaw sayo si Georgina? Asa ka pa. Ge lang, mangarap ka. Pero hanggang pangarap ka lang kasi---"

Naputol ang pagsasalita ko ng makita ang isang notebook na lumipad sa gitna namin ni Sean.

Narinig namin na tumunog ang whiteboard na nasa unahan ng aming classroom. Kawawang notebook.

"Both of you shut up. Kanina pa ako naiirita sa pagtawag niyo sa pangalan ko. Did I gave you permission to call my first name?"

"Sorry G." Sabi ni Sean

"Tss." Napa tss na lang ako sa inaasal ngayon ni Sean. There he goes again playing the good boy image.

"Oh bakit, inaano kita? Wala akong ginagawa sa iyo ah." Sabi ni Sean sa akin

Nainis ako. At sa sobrang inis ko, kwinelyuhan ko siya at agad na umamba ng suntok. Wala siyang ginawa, hindi niya man lang pinagtanngol ang sarili niya.

Ang mga kaklase naming babae ay nagtilian. Some gasped in horror. Ang mga lalaki naming kaklase ay napatayo, tila ba nag aabang ng susunod na mangyayari.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang aking mga kaibigan na naka alerto na. I even saw Joshua in the middle of the classroom, 3 meters away from me.

Nakabitin sa ere ang aking kamao. Nanginginig ang laman ko, gustong gusto ko siyang sapakin. Gustong gusto ko siyang saktan.

Gustong gusto kong gumanti.

Liningon ko si G, nakita ko siyang nakatayo, nakatingin sa amin. I saw her, here face that's been void with emotions. Walang emosyon. Walang kahit ano.

Gusto kong marinig na "Sige Jasper! Sapakin mo!" or even "Huwag Jas, masasaktan ka lang. Huwag mong ituloy."

I may be stupid to feel this shit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. May part sa akin na naghihintay ng go signal niya, at may part din sa akin na gusto kong pigilan niya ako.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata, pagkabukas ko ng mga iyon ay itinulak ko si Sean at ibinaba ang kamao ko. I shot him a glare and then walked back at the back of the classroom to get my bag.

"I'm leaving."

Wala, wala man lang pumigil sa akin.

Lumabas ako ng classroom at agad na pumunta sa parking lot para kunin ang motor ko.

Agad kong binuhay ang makina nito at tinungo ang daan papunta sa aking bahay.

--------------------
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Mama na nasa sala at nag aarrange ng mga bulaklak sa flower vase.

Hindi na akong nag abalang batiin si Mama, tumakbo agad ako papunta sa grand staircase para makarating sa kwarto ko. Narinig kong tinawag ako ni Mama pero hindi ko na lamang iyong pinansin.

Ini-lock ko ang pinto at isinarado ko ang mga bintana. Kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa at nakitang may ilang texts at messages dun ang aking mga kaibigan, mostly ay mula kay Joshua.

I turned off my phone and tossed it on my bed. Nahiga din ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata.

"Fuck it, Sean. Fuck you. Hindi ako papayag na mapasayo si G. She's mine. At hindi ako papayag na hanggang bestfriends lang kami. No fucking way."

When Ms. Gangster Falls In Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon