Chapter 45- Nightmares

464 14 0
                                    

Georgina's POV

"Mama..."

Ilang katok na ang ginawa ko pero parang ayaw talagang buksan ni Mama ang pinto, aalis na sana ako kaso narinig ko ang unti unting pagbukas ng pinto ng kwarto at ang click ng door knob.

"P-Pasok ka... "

Kinuha ko ang tray sa table at pumasok na sa kwarto ni Mama. Malakas ang aircon at nakakalat ang tissue sa sahig. Nakabukas ang plasma TV at naka mute ito, light was dim because the only sources were the TV and the Lamp beside the bed.Patong patong na mga comforter ang nasa higaan at madaming unan.

"Wow."

ang tanging nasabi ko matapos kong inspeksyunin ang paligid. Narinig kong isinarado ni Mama ang pinto, tinignan ko si Mama mula ulo hanggang paa. Her hair is like a bird's nest because it was bundled to look like a bun, Malaki ang eyebags sa ilalim ng mga mata, namumula ang ilong at tila hirap huminga, nanunuyo ang labi, maputla ang mukha, nakasuot ng T-shirt ng kanyang ama at ang pajama na gamit din ng ama. Ang fashionista niyang ina ay ganito?

"You look sick, have you looked at yourself? Bakit bigla na lang nawalan ka ng style at sense of fashion?"

Mom climbed to their bed and snuggled under the comforters, she placed 3 pillows behind her and a pillow at each of her side.

"If youre here to lecture me, youre free to go. That is the exact reason why I wont let the maids in."

Napailing ito, matigas nga ang ulo ng ina. Sabi ng kaniyang mga kamag anak lalo na ng kaniyang ama na minana niya ang katigasan ng ulo sa nanay at hindi sa tatay niya. She put the tray at the bedside table. Hinalo niya ang soup at inilapit iyon sa ina.

"Eat, after that drink your medicine."

Third Person's POV

Tumungo ang kaniyang ina, pinipigilan ang mga luhang nagbabadiyang tumulo. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ng kaniyang ina. Natutuwa ito dahil kahit papaano pala ay nagmamalasakit pa rin sa kaniya ang anak, nalulungkot siya dahil sa malamig na pakiki tungo nito sa kanya, natatakot din ito, natatakot siya na baka hanap hanapin niya ang kalinga ng anak. Humarap ang nanay ni Georgina sa kaniya.

End of Third Person's POV back to Georgina's POV

"O-Okay."

I fed my mother the soup. I know I'm a bit harsh and cold towards her pero hindi ko pa rin naalis sa isipan ko na ang nanay ko ang unang lumayo sa akin, naaalala ko pa nuon ang iba't ibang paraan na ginawa ko para lang muling pansinin ni Mama.

Mom stopped eating until the 10th spoon I gave her, umiling ito

"I might throw up all the foods I just ate if I eat too much."

Umayos sa pagkakahiga si Mama, tinulungan ko siya, I tucked the blankets under her body. Inabot ko ang remote ng aircon at hininaan ko iyon. I busied myself inside the room. Pinulot ko ang mga nakakalat na tissue. Binuksan ko ang TV at inilipat ito sa Cartoon Network, nilakasan ko ng kaunti ang volume at nanuod ng tahimik. Maya maya ay tumunog ang aking cellphone, sinagot ko ito ng hindi inaalis ang tingin sa TV.

"Bakit?"

"Babe, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin marunong gumamit ng hi o hello?"

natatawang sabi ni Jasper sa kabilang linya.

"Hala sorry. Hehehe."

"Nah, it's okay. Sanay na ako. Hahaha, what're you doing?"

"Nanunuod ng cartoon network."

"Wow, lakas talaga ni Destiny oh. "

"Bakit nanunuod ka din, ano nga ginagawa ni Spongebob ngayon?"

"Hmmm, may butas pa rin naman yung mukha at katawan niya, mag pinsan pa rin sila ng keso at ginagamit pa rin naman siya ng mga katulong sa lababo."

"Ha-ha-ha. Funny, mga ten na tawa para sayo."

"De, joke lang. Ikaw naman, parang di pa nasanay."

"K dot."

"Hindi kita matanaw dito sa terrace ng kwarto ko, sarado ang ilaw ng kwarto mo. Asan ka?"

"Sa kwarto nina Mama, I'm taking care of my mom since Dad's not here."

"That's good news! How is she?"

Tumingin ako sa aking likuran at nakitang natutulog na si Mama. Lumabas ako papunta sa terrace at sinarado ang sliding door.

"She's sleeping, I'm here outside the room, by the terrace."

"You okay?"

"Mhmm, Im good never been better."

"Just keep going G, I know you and your mother would be better soon."

Matagal kaming nag usap ni Jasper sa cellphone, ako na ang unang nagpaalam alam ko kasing hanggang hindi ko pinuputol ang usapan ay tuloy tuloy ito hanggang sa anong oras. Napatingin ako sa gilid ng terrace. Nakita ko ang isang halaman sa may paso. Pilit kong inaalala kung saan ko nakita ang paso ng bigla kong maalala ay tinignan ko ito muli. May maliit na laminated na papel na nakadikit dito.

'Georgina's first flower'

Naalala ko ito, ito ay isang project nung ako ay nasa Grade 2 pa lang. Pinapili kami ng aming guro kung ano ang gusto naming itanim na bulaklak. Pinili ko ang rose dahil ito ang paborito ni Mama, kahit hindi maganda ang panahong iyon para pagtamnan ng rose ay pinilit ko pa rin iyong itanim, ang balak ko ay kapag lumaki ito ay ibibigay ko ang unang rose kay Mama, ang pangalawa ay kay Papa, ang pangatlo ay kay Pops at ang iba ay itatanim ko sa aming bakuran. Yes, I was that sweet when I was just a kid. Pero napabayaan ko ito ng lumayo ang loob ko kay Mama. I thought the rose died, but sa nakikita ko ngayon, it's more than alive. The flowers were blooming ang scattered around, sinundan ko iyon at nakita ko ang isang lugar sa mansion na hindi ko pa nakikita.

A secret garden, covered with white flowers... white roses.

Bumalik ako sa kwarto at lumapit sa tabi ng higaan ni Mama, kumuha ako ng upuan at matungo ay hinalikan ko ang pisngi ni Mama. Nakatulog ako pero nagising ako ng maramdaman kong gumalaw si Mama.

"No... don't her... don't hurt my baby... N-No! Don't hurt my daughter! Stop! Hurt me! Just don't hurt my daughter... Please... No... No... D-Don't!"

Sunod sunod na sabi ni Mama, she's having a nightmare. Sinubukan ko siyang gisingin. Tinapik tapik ko ang kaniyang mga braso, nakikita ko ang tuloy tuloy na pag bagsak ng mga luha sa kaniyang pisngi. Umaalog na ang kaniyang mga balikat dahil sa mga malalakas na hagulgol.

Natakot ako, hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Mama at inalog ko iyon.

"M-Mom! Wake up! Youre having a nightmare! Wake up please!"

Bumukas ang mga mata ni Mama at tinignan ako. Natataranta siya habang hinahawakan niya ang aking mga pisngi at ininspeksyon ang buong mukha niya na tila ba kinakabisa niya ang bawat sulok ng aking mukha. Marahan niyang hinimas ang aking pisngi. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya at niyakap niya ako.

"Mommy's here. The bad guys not gonna hurt you. I wont let anyone hurt my daughter."

Yakap Yakap ako ni Mama ng mga sandaling iyon. Humahagulgol siya sa aking balikat. Slowly, I lifted my hands and placed it on my mother's back. Patting and rubbing it gently.

When Ms. Gangster Falls In Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon