Georgina's POV
1 year later...
Im currently on my way to Jasper's condo. It's our 1 anniversary and I'm planning to suprise him. Hawak hawak ko ang cake na ako pa mismo ang nag bake, nag patulong ako kay Mama para lang dito.
I parked my car on the parking lot, wearing a Black sheer chiffon Chanel vintage for my blouse, a pink Nine West tight fitting skirt, and a pair of Jimmy Choo Zen Suede black shoes, (which pinili ng aking mahal na Ina) I gracefully got off of my car.
Pagka apak ko pa lang sa sementadong sahig ng parking lot, may hindi ako narmdamang tama. Something's not right. I clutched my fist and brought it into my chest. My instincts are telling me to go home, but I pushed those thoughts out of my mind. Siguro ay dala lang ito ng kaba at matinding pagod.
Pumunta na ako sa elevator, still trying hard to maintain my poise. I pushed 43, Jasper's condo is on the 43rd floor.
Habang nasa elevator ako, panay ang hila ko pababa sa aking skirt
"Aish! Nakakainis naman si Mama, oh!"
Patuloy pa rin ako sa pag aayos ng damit ko na hindi ko naisip kailanman na masusuot ko, ng biglang bumukas ang pinto ng elevator sa ika 10. Ang bumungad sa harapan ko ay 4 na kalalakihan na sa tingin ko ay kasing edaran ko lang. Amoy alak ang dalawa at akay akay naman sila ng mga kasama nila.
Pumasok sila at ako naman ay umurong sa gilid, just enough to give them way and space. Sa kanilang apat ay may nakilala akong isa. He is a student of my school. Nakita niya siguro ang pag tingin ko sa kanya kaya napatingin rin siya sa akin. Kumunot ang noo niya at tinignan akong maigi, nagbawi ako ng tingin at piniling sumandal sa gilid ng elevator.
Tinitignan ko lang ang screen sa taas ng elevator para malaman kung anong floor ko na.
’12... 13... 14..’
Naputol ang pagbibilang ko sa isip ko ng lumapit sa akin ang isa sa kanila na lasing na.“Hi miss.. looking good.” at inamoy niya ang buhok kong nakalugay. Ngayon lang ako naglugay ng buhok sa labas ng bahay ko makalipas ang 10 taon.
Umatras pa ako kahit alam kong wala na akong aatrasan, siniksik ko ang katawan ko sa pinakagilid ng elevator para lang maiwasan siya. Pero ano ang ginawa ng hinayupak? Mas lumapit pa siya sa akin. Damn this boy.
“Miss, I think youre hot... sizzling hot... Wanna make my night hot too?”Pumikit ako ng mariin ng maramdaman kong pinaglalaruan ng lalaki ang ilang hibla ng buhok ko. Nang gigigil na kong manapak pero pinipigilan ko ang sarili ko. I don’t wanna let this boy ruin my night. Nag ngingitngit ang mga ngipin ko bago ko binuksan ang mga mata ko at hinarap ang iba niyang mga kasama. Hinawakan ko ng mahigpit ang ribbon na nakatali sa box ng cake bago magsalita.
“Please give me space, take your friend’s hands away from me. “
Tumango ang lalaking naka salamin na mukha namang matinong tao, hindi naman siya mukhang lasing at siya ang umaakay sa lalaking lumalandi sa akin.
“Hands off her dude, youre drunk. Malapit na tayo sa unit mo James. So shut up.”
Hinila niya ang lalaking malandi na nagngangalang James mula sa akin. The good guy looked at me and flashed an apologetic smile. I smiled a bit and mouthed the word thank you to him. Akala ko ay ayos na ang lahat , pumalag si James duon sa “good guy” at lumapit pa rin sa akin.
“None of your business Vince, you shut up.”
sabi ni James kay good guy na ang pangalan pala ay VinceHinihila pa rin ni Vince si James upang ilayo sa akin, hindi naman ganuon kalaki ang elevator kaya palagi akong nagigitgit, I tried protecting the cake I was holding pero,
nabagsak ito sa kakagalaw masyado ng James na iyon, hindi ko nabalanse ang aking katawan dahil sa 5 inch heels na pinasuot sa akin ni Mama kaya nahulog ang cake.
“Fuck.”Agad kong pinulot ang box ng cake, at tinignan ng masama ang lalaking lasing. Ang kaninang maamong mukha ay pinalitan ko ng isang walang emosyon napagkatao. I put up my poker face, afterwards I heard someone cursed.
“Freaking shit... Q-Queen?”
So, nakilala na pala ako ng lalaking nag aaral sa school ko. I turned my head to face him at mas lalo lang namutla ang kanyang mukha, siya na mismo ang humatak sa kaibigan niyang si James at humingi ng tawad habang nanginginig ang mga labi.
I can smell fear... I love it.
“Vex, who the fuck is she? Bakit mo siyang tinatawag na Queen? C’mere babe, I’m gonna make you my queen.”
Pilit na pinipigilan siya nina Vince at ang lalaking school mate ko na pangalan ay Vex. Napatingin sa gawi ko si Vex at sinenyasan ko siyang hayaan si James na lumapit sa akin. Iniabot ko sa kanya ang box ng cake ko at binigyan ng titig na parang nagsasabing ‘Try to ruin my cake, I’ll kill you.’ Napalunok si Vex at tumango naman. Binitawan nila si James at agad naman itong lumapit sa akin.
Dahan dahang inilagay ni James ang kamay niya sa may bandang bewang ko, pababa ng pababa papunta sa may bandang puwetan ko. Bago mangyari iyon ay kinuha ko an kamay niya at pinilipit iyon. Gamit ang taking ng sapatos ko ay inapakan ko ang paa niya at tinuhod ko siya sa kanyang sikmura. Kinuha ko ang tenga ni James na parang pinipingot at inilapit ko iyon sa bibig ko.
“Next time, know who you’ll flirt with, fucker.”
Saktong pagtunog naman ng elevator para ipahiwatig na andun na ako sa aking tamang destination. Kinuha ko ang box ng cake sa kamay ni Vex at lumabas na ako sa elevator na yun.
“Assholes.”
Huling salita ko bago magsimulang maglakad paalis. Kasunod nito ay ang unti unting pag sara ng elevator.
BINABASA MO ANG
When Ms. Gangster Falls In Love #Wattys2017
Action*Tagalog and English Georgina Sapphire Earnhart. A lady in her name, but a boyish girl in heart. A Gangster Queen of Black Tetta gang, one of the most powerful gangs in the world. A girl that would fall for someone that will break her heart. What h...