Tin's POV
6:00 a.m.*kriiiiing*
Lintek talaga na alarm yan. Since day one ikinamumudhi ko na yan.
I woke up with a massive headache. Saket ng ulo ko mga besh. Dinilat ko na ang aking nga tsinitang mga mata and only to find myself in my room. Sa bahay . I'm home. Sino nagdala saken dito? Ang kasama ko lang naman kahapon si....... okay I'm sure si Andrei naguwi saken.
I fished my cellphone in my bag para mag thankyou kay Caracute. Okay I admit, he's cute.
Dukot.....
Dukot.....
Dukot......
Puta wala cellphone ko. Hayaan na. Baka naiwan ko naman kay Andrei. May passcode naman yon.
Bumangon na ako and I checked my mom's room. It seems like nakaalis na si mama pero bukas paren naman aircon kase andon si baby Andy. He's still sleeping. Ang cute naman ng anak ko huhu. Cutie! Worth it pag-iri ko sa kanya na 100x yung saket. Sayang lang wala phone ko. Pinabantay ko yung yaya namen dito habang natutulog si Andy. Habang ako naman, magchichill muna. It's Sunday at mamaya na kami magsisimba.
Pumunta na ako sa kwarto ko. I opened the curtain and grabbed a chair para dito ako maupo to see the surroundings. Asa likod kase ng bahay nakapwesto kwarto, kaya puro damo at puno lang ang makikita sa kwarto ko. Ang ganda nga ng view eh. It's very relaxing.
Atleast sa moment na to, di ko iniisip na I'm an athlete, or a mom, or being anyone at all. Imagine, I'm just watching the sunrise with a cup of coffee to sip on. My blanket pang nakajacket saken. I just closed my eyes for a moment and realized how stress I was. Hayst. Hirap maging student-athlete-teen mom. I just hope na sana kayanin ko pa to. Charot. Basta para sa taong mahal mo, gagawin mo lahat at titiisin mo lahat. Kase mahal mo siya eh. You'd do anything for that person. And that person for me is Andy. Eto ma mga siguro yung simasabi nilang "motherly love". Immeasurable love ng isang nanay para sa anak niya. I finally understood what that means.
Natigil ang pag-eemote ko dito ng biglang pumasok si ate Sally sa kwarto ko.
Sally: Mom Tin! Breakfast na po kayo. Masama paghintayin ang pagkain!
Tin: Opo yaya!
*fast forward pagkatapos ng misa*
Dumiretso kami sa Mall kase andon yung playhouse for babies at difo ren nageenjoy si Andy. Hays. Watching him play there really makes the pain I've been through really worth it. I thank God every day for giving the gift of motherhood. Hays. Mahal na mahal ko talaga anak ko. I am really loving this day kase I am just a mom for today! hihi
-----------
Drei's POV
Sabihin niyo na gusto niyong sabihin, pero sinundan ko talaga for the whole day si Tin. At siyempre kasama ko MontCarMel.
Kib: So let me get this straight. Asa iyo phone ni Tin, nakita mo lockscreen niya na siya yung andon sa hospital bed na may baby, camera roll na puro baby, tinignan mo calendar niya at nakita mo mga check ups ng bata, at inaakala mong..... nanay si Tin?