Prologue
Roseblood…
Yan ang tawag ng mga bampira sa taong nagtataglay ng dugong may kakaibang halimuyak. Iilan lang sa isang henerasyon ang may ganitong katangian.
Para sa mga ordinaryong tao, wala itong halaga…ni hindi nila ito nalalaman…
Pero para sa mga bampira, isang ginto… isang kayaman…isang kapangyarihan… isang napakasarap na hapunan na minsan sa isang henerasyon lang matitikman.
Ilang taon nang namumuhay ng tahimik ang tao at bampira dahil sa isang kasunduan ngunit mayroon pa ding iilan na sadyang lumalabag sa batas na ito. Hanggang kalian nga ba mananatili ang kapayapaan?
Sa isang mamahalin at magandang eskwelahan ay nahahati sa dalawa ang grupo ng mga estudyante.
Day Class…tawag sa mga studyanteng sa umaga lang ang pasok sa school. Nakapagtataka lang na mahigpit na ipinagbabawal ng skwelahan ang pananatili sa paaralan ng isang Day Class student pagkagat ng dilim.
Night Class… tawag sa mga studyanteng sa gabi ang pasok sa school. Hindi sila nakikisalamuha sa mga Day class student kahit na nagkakandarapa ang mga ito sa kanila dahil sa mga katangiang kahanga-hanga. Anong misteryo ang bumabalot sa mga studyanteng ito?
Upang maiwasan ang paglabag sa batas ng paaralan, nagtayo ng Committee ang may-ari ng school na si Mr. Perreira. Binubuo ito ng mga studyante na sisigurong walang makakalusot na Day Class student ang nasa school pagkagat ng dilim.
Dahil sa curiosity, lalong humihirap ang pagpapatupad nito sa mga studyante. Ito ang naging sanhi ng pagkakaroon ng pagkakataon ni Julia Mara Schnittka, isang Day Class student, na sumali bilang volunteer sa Committee.
Paano nga ba nya magagampanan ang tungkulin kung ang best friend nya na si Kathryn Chandria Fuentebella, isang Day Class student rin, ang nagpupumilit lumabag sa batas na itinakda ng school nila?
Ano ba ang gagawin ni Kathryn para mapansin ng campus heartthrob na si Daniel John Perreira, anak ng may-ari ng school at isang Night Class Student.
Paano mahihigitan ni Diego Narcisus Verdillo, pangalawa sa pinakamahusay na Night Class student, ang atensyon at katanyagan ni Daniel?
Paano nila matutuklasan ang misteryo sa sari-sarili nilang pagkatao?
Pinakamalakas na bampira laban sa taong nakatakdang talunin sya… Paano kung hindi umaayon sa propesiyang ito ang pangyayari sa paligid nila? Ibig sabihin ba ay mananatili ang kapayapaan…. O pagmumulan ito ng mas malaking kaguluhan?
This is not a twilight saga….. this is a lot more than that.
~~~
Let’s put JulNiel fan fics into a new level….
(sorry hindi polished yung book cover ko pero inumaga ko kakaedit nung pic na yan hehe)
~Marikit
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Teen FictionKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...