~ † The Counterpart † ~
“Kanina pa kita hinihintay…saan ka galing Julia?” bungad ni Titus pagpasok na pagpasok ni Julia sa living area ng mansion nila.
Marahang isinira ni Julia ang pinto at matamlay na umupo sa sofa para harapin si Titus. Pakiramdam niya hinang hina siya hindi lang sa pisikal pati sa emosyonal na aspeto ng pagkatao niya.
“Nakita ko po si Dad… wala sya sa sarili niya… gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede… itinulak ko pa siya palayo sakin nung lumapit siya… pakiramdam ko ang sama kong anak…” at tumulo na ang luha na kanina pa pinipigil ni Julia.
“Wag kang malungkot iha.. dapat nga magpasalamat ka na buhay pa ang tatay mo… matagal na siyang hinahanap nila Divya at Dorian…” mahinahong sabi ni Titus.
“Kasama ko sila DJ kanina. Alam na ng mga bampira kung nasaan si Dad…” pinunasan ni Julia ang luha niya at nagbuntung hininga para lumuwag ang dibdib at makahinga ng maayos.
“Kung ganon kailangan na nating kumilos… magsisimula na ang plano ng mga bampira kapag nakuha nila ang tatay mo. Bago pa matapos ang potion na ipapagawa nila dito, kailangan na nating pigilan ang mga bampira. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis ang lahat.” Kinabahan bigla si Titus at napahawak ng mahigpit sa hawak niyang panyo na dapat ay ibibigay kay Julia.
“Ha? Hindi ko maintindihan.. wala si Dad sa sarili pano nila magagawa ang plano nila? At anong plano ba talaga?” kunot noong tanong ni Julia.
“Posibleng gamitan nila ng hipnotismo si Franco.. Sa sitwasyon ngayon na nagkakawatak watak ang warriors at lumalakas ang mga bampira… halos wala nang imposible kay Dorian. Kung makukuha nila ang gusto nilang lunas na kayang gawin ni Franco, makakatagal na lahat ng bampira sa sikat ng araw..at kahit ang kapangyarihan mo maaring hindi na tumalab sa kanila…Yun ang dapat nating iwasang mangyari.” Paliwanag ni Titus. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Kung ganon anong dapat gawin para pigilan sila Dorian sa balak nila?” Sa narinig ni Julia, lalo syang nagkaroon ng kagustuhan na tapusin na lahat para sa ikatatahimik ng mga buhay nila. Hanggang kelan nga ba matatapos ang gulo na nagsimula ilang libong taon na ang nakakalipas? Ilang beses na bang sinubukan ng bawat henerasyon na ayusin ito pero bakit paulit ulit na nabibigo?
“Kung mamamatay si Dorian, manghihina din ang mga bampira. Pag nangyari yun wala silang magagawa kundi bumalik sa dating estado nila.. kailangan nilang magtago sa dilim at mag-ingat sa mga tao kung gusto nila ng tahimik ng buhay..” sa wakas ay sagot ni Titus.
“Di ba ilang beses nang pinipigilan ni Millenia na makabalik siya sa katawan niya? At sabi niyo ngayon lang nya nagawa.. Pano natin siya matatalo kung sa pagkakataong ito, natupad ang unang plano niya?” SUnud sunod na tanong ni Julia. Kung halos wala nang imposible kay Dorian, pano pa nila ito matatalo? Kahit macontrol nya ang kaparangyarihan ng liwanag, wala siyang kasiguraduhan sa tagumpay dahil hindi niya alam kung gaano kalakas ang kalaban niya.
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Novela JuvenilKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...