~ † Dark Intentions † ~
“Pano nangyaring napigil ka ng isang tao?! Babae pa! at hindi pa myembro ng warriors!” Galit na sigaw ng pinuno ng mga bampira, si Dimitri Pirreira na ama ng pinakamalakas na bampirang si DJ. Halos mayanig ang buong bahay sa lakas ng pagsara nya ng pinto.
Nakapaikot sa kanila ang myembro ng Konseho ng mga Bampira. Mga maimpluwensya sa lipunan na nagpprotekta sa kanila.
Mula sa ikalawang palapag ng bahay, tumalon papunta sa lobby ang isang magandang bampira. Matangkad, kulot at kulay golden brown ang buhok, parang ginto rin ang kulay ng mga mata nito at parang kumikinang ang balat kapag tinatamaan ng sinag ng buwan. Mabilis itong lumapit sa naiinis na si Dimitri para kalmahin.
“Relax… ntyempuhan lang ang anak mo…hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari yan. Di ba minsan na din syang nasugatan ng leader ng Warriors?” Hinawakan nya sa balikat ang asawa na parang inaakit ito.
Tahimik na nakatayo lang sa harap nila ang limang bampira at si DJ lang ang hindi nakikinig sa sinasabi ni Dimitri. Hindi nya rin alam kung pano nya ipapaliwanag ang nagyari kanina at isang malaking kahihiyan para sa kanya ang nangyari.
“Oo nga pero si Neil yun! Mahusay na warrior.. pero yung nangyari kanina? Ordinaryong tao…laban sa pinakamalakas na bampira! Tapos anong nangyari?” Lumapit si Dimitri sa anak nya at pinagdiinan pa ang salitang ‘pinakamalakas’. Nainis naman si DJ. Pakiramdam nya sobrang naiinsulto na sya.
“Si Kathryn ang kalaban ko kanina, kaya hindi ko na pinansin yung babaeng nakahuli sakin. At hindi ko rin naman kasi inaasahan na maglalakas loob yun na pigilan ako.” Pangangatwiran nya. Makkumbinsi na sana si Dimitri pero pinalala pa ni Diego.
“Hindi mo pinansin? Kaya pala pinaalis mo yung tatlong bampira sa likod nya? Makukuha mo sana yung bata kay Kathryn pero iniwan mo kasi nakita mo makakagat nung tatlo yung sinasabi mong hindi mo pinapansin?” Nakangiting iiling iling pa si Diego. Tinignan ito ni DJ ng masama at kung pwede lang gusto nyang sakalin ito.
“Totoo ba yun?” tanong ng ama ni DJ. Sa halip na galit ang Makita nya, napansin nyang parang naging interesado itong marinig ang sagot nya. Bagay na ikinatakot nya.
“H-hindi po. N-nakita ko kasing makikialam sa laban naming yung tatlo at ayokong may ibang bampira na madamay pa. Nakaabang ang buong pwersa ng warriors sa labas at malaking gulo kung sumama sa laban ang mga ordinaryong bampira.” Napatitig si Dimitri sa anak nya na parang tinatantya kung totoong yun talaga ang dahilan.
Nagkatingin sila ng asawa nyang si Marishka. Hindi alam ni DJ kung anong ibig sabihin ng mga makahulugang tinginan na yun pero ang imporatante, mapaniwala nya ang tatay nya sa rason nya. Pero hindi pa din paawat si Diego. Gusto nya talagang ipinapahiya si DJ.
“Gusto ko lang din pong malaman nyo na sinusundan ni DJ ang babaeng yon sa school. Kaya madalas na syang umaalis dito kahit umaga pa lang. Nagtataka nga din po ako kung bakit minamatyagan ni DJ yun?” Lumingon si Diego kay DJ na alam nyang nagpipigil lang ng galit sa kanya. Para lalong masubukan ngumiti sya na lalong kinainis ni DJ. Unti-unti nanamang nagiging pula ang mga mata nito, tanda ng galit.
“Hindi ka ba nag-iisip Diego? Lagi nyang kasama si Kathryn at sa iisang bahay lang sila nakatira. Malaki ang tiwala ni Matriarch Divya kay Julia. Takot sya sa mga bampira, at kung may gusto tayong malaman tungkol sa sikreto ng Warriors, sa tingin ko magagamit natin sya.” Buti na lang mabilis na gumana ang reasoning ni DJ. Ayaw nyang malaman ng mga kasama nya kung ano talaga ang dahilan at kahit sya hindi nya din maintindihan kung bakit nga ba ganun ang epekto ni Julia sa kanya.
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Teen FictionKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...