~ † Kiss from a Rose † ~

10.1K 249 68
                                    

~ † Kiss from a Rose † ~

“Julia anak…gising na..” Nagising si Julia ng marinig ang boses ng tatay nya. Naramdaman din nyang may tumatapik sa braso nya.

Dahan dahang nagmulat ng mata si Julia at una nyang nakita ang mukha ng tatay nya. Napabalikwas si Julia at naramdaman nyang masakit ang buong katawan nya na parang pagod na pagod sya.

“Anong nangyari? Yung mga bampira po? Nandito sila!” Kinakabahang sabi ni Julia pero kinalma sya ng tatay nya.

“Shhh… anak wala na. Napigilan sila ng warriors kanina.” Sabi nito at kinwento sa kanya kung paano napaalis ang mga bampira.

Nakwento din ng tatay nya na may isang misteryosong babae ang tumulong  at kinalaban ang pinakamalakas na bampira.

“Ibig sabihin sugatan si D-….yung pinakamalakas na bampira?” Nag-aalalang tanong ni Julia.

Muntik na nyang masabi ang pangalan ni DJ pero minabuti nyang wag nang banggitin ito dahil baka matanong pa sya ng tatay nya kung bakit mukhang close sila.

“Oo…sa tinamo nyang pinsala mukhang matatagalan ng konti ang paghilom ng sugat nya.” Lalong nag-alala si Julia sa sinabi ng tatay nya. Hindi nya alam kung bakit pero parang ayaw nyang isipin na nasugatan ng husto si DJ kahit kung tutuusin wala naman sya dapat pakialam dito.

“Nasan po yung libro?” Tanong ulit nya. Sa pagkakatanda kasi nya isinuot nya yung damit ng nanay nya noon at yakap pa nya yung libro bago nya pinakialaman ang kwintas nya at nakaranig ng nakakakilabot na tili ng isang babae na parang tinotorture sabay nawalan sya ng malay at paggising nya, nakahiga na sya sa kama nya, suot na nya ang dating damit nya at wala na sa mga kamay nya ang libro.

“Nag-alala nga ako kanina pero nakatulog ka lang pala sa pagtatago mo sa basement. Nakita kitang nakaupo sa gilid at nakadukdok. Yakap mo yung libro. Naisoli ko na sa safety box.” Kwento ng tatay nya.

Natahimik si Julia. Hindi nya alam kung sasabihin ba nya sa tatay nya na ginalaw nya yung damit ng nanay nya kanina pero hindi nya alam kung panong ngyaring naibalik ito sa glass display. Hindi nya rin maintindihan kung bakit paggsing nya sumasakit ang mga kasu-kasuhan at muscles nya. Dahil bas a nangawit sya sa pagtulog ng nakalaungko sa sulok ng basement? Wala syang matandaan sa mga nangyari pagkatapos nyang mawalan ng malay.

~~~

Kinabukasan, pagpasok sa school parang walang nangyari kagabi. Normal ang mga studyante at alam ni Julia na nahipnotismo na ng mga bampira ang mga ito para mapaniwala na walang masamang nangyari kagabi.

Alam nya na kaya namatay ang ilaw kagabi sa party ay para mambiktima ang mga bampira, kasabay nang pagkuha sa atensyon ng warriors para makalusob sila sa laboratory ng walang magtatanggol sa kung sino man ang bantay dito.

‘Kung nakita ni DJ na ako yung nagbabantay sa libro….sasaktan nya kaya ako?’ Hindi maiwasan ni Julia na hindi ito isipin.

Kagabi sinabi ni DJ na mahal sya nito pero hindi nya alam kung paniniwalaan nya. Alam nyang mapanlinlang ang mga bampira…pero hindi nya rin maiwasang wag isipin ang mga bagay na ginagawa ni DJ para sa kanya.

‘Kaya ka nya siguro dinala sa puno kagabi dahil alam nyang magkakagulo sa loob ng school.’ Sabin g isang boses sa isip ni Julia na parang nakikipagtalo sa kanya.

Sa puso ni Julia nararamdaman nya na gusto nyang maniwala na mahal nga sya ni DJ pero sa isip nya, pinipilit nya na panlilinlang lang lahat at gagamitin lang sya nito para sa sariling kapakanan.

RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon