~ † A Lover's Sacrifice † ~
“Nagawa niya… napasunod niya ang liwanag… nagamit niya ng buong buo ang pgging dagitab…” namamanghang sabi ni QUen habang dahan dahang tumatayo at pinagmamasdan ang mga nanghihinang bampira.
“Tapos na ba? Panalo na ba tayo?” Tanong naman ni Neil na inaalalayan si Kath.
“Hindi pa… kailangan nating makuha ang punyal na ginamit nila para isakripisyo si Julia noon… na kay Dorian yun.” Paalala ni Kathryn.
Nasira ang cult circle at unti-unting humihina ang pagdaloy ng kapangyarihan ng blue moon sa kanya. Kahit hindi nararamdamn ni DJ, ramdam na ramdam naman ni Dorian na nanlalaban ang kaluluwa nito sa kanya.
Iminulat ni DJ ang mga mata niya nang mapansin na madilim na ulit ang paligid. Marahan niyang inilayo ang labi niya sa leeg ni Julia para tignan kung maayos pa ang kalagayan nito. Napanatag siya nang gantihan siya ni Julia ng matamlay na ngiti.
“Konti na lang…” Nanghihinang sabi niya sabay haplos sa pisngi ni DJ.
“Konti na lang…” sagot naman ni DJ at hinalikan ang kamay ni Julia.
Malungkot na ngiti ang namutawi sa labi ni Julia bago ito napapikit at nawalan ng malay. Natakot si DJ sa nangyari…
“Wag kang mag-alala, naubos ang lakas niya kaya nawalan siya ng malay pero ligtas siya.” Inunahan na ni Quen si Dj bago pa ito makapagtanong sa kanila.
Bumalik sa realidad ang lahat ng sumigaw si Dorian sa galit.
“ARRRGH!!! HINDI PWEDENG MASIRA ANG PLANO KO! MATAGAL KO NA ‘TONG HINIHINTAY! HINDI ITO PWEDE! MGA BAMPIRA, SALAKAYIN ANG DAGITAB!” Galit na galit na sigaw ni Dorian.
Alertong nagsikilos ang mga bampira para hanapin ang may gawa ng liwanag. Iniaayos ni DJ ang walang malay na si Julia at isinandal ito sa malaking puno na malapit lang sa kanila. Napangiti pa siya nang mapansin na sa lilim ng punong yun din sila unang nagkalapit.
Pinaligiran naman ng mga bampira ang puno para makuha si Julia pero umambang aatake si DJ sa kung sino mang lumapit sa mahal niya.
“Mamamatay muna ko bago niyo sya makuha!” matapang na banta ni DJ.
Humaba at tumulis ang mga kuko at kumalat ang itim sa mata niya… may kakaibang kinang din sa balat niya tuwing tatamaan ng malamlam na liwanag galing sa bughaw na buwan. Nagbago ang aura niya… nagmukhang mas malakas.
“Wag! Wag nyong papatayin si Daniel.” Babala ni Dorian. Kapag may masamang nangyari kay DJ habang konektado pa sila, mapupuruhan din siya.
Nilusob ng mga tao ang mga bampira para tulungan sina DJ at Julia. Ganun pa man, mas marami pa din ang bilang ng mga bampira at marami pa ding nakaabang sa dalawa habang nagkakagulo nanaman. Kabilang na sa mga nakaabang ay ang pinamumunuan ni DJ na vampire cult.
“Kahit kailan talaga traydor ka sa lahi natin! Hindi ka karapat dapat na maging pinuno! Nakakahiya ka!” Pang-iinsulto ni Diego habang nakamasid kay DJ.
“Ayokong gawin ‘toh.. ayaw ka naming kalabanin DJ…pinuno ka namin…ibigay mo na lang si Julia nang maayos para hindi ka na mahirapan…patatawarin ka ni Dorian kung-” Sinubukang makiusap ni Alexa pero hindi pa man nakakatapos sa sinasabi niya, sinagot na siya ni DJ.
“Tumahimik ka, hindi kita kinakausap!” Galit na sagot ni DJ.
“Nakakalungkot naman isipin pero wala kaming magagawa… tinalikuran mo kami… kalaban ka na rin namin ngayon DJ.” inihanda ng vampire cult ang kani-kanilang armas para pagtulung-tulungan si DJ.
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Novela JuvenilKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...