~ † The Power of a Rose † ~
“Lalaban ka sa pinakamalakas na bampira, kapalit ng kalayaan ni. Dr. Franco.” Paulit ulit na naririnig pa rin ni Julia sa isip nya ang sinabi ni Matriarch. Hindi sya pinipilit nito pero sinabing pag-isipan nya dahil sa tingin daw nya ay kaya naman ni Julia. Nakita nya kung paano nakikipaglaban sa mga bampira si Julia at kahanga-hanga daw ang pinapakita nyang galing.
“Masugatan mo lang sya ibabalik nila si Tito Franco… hanggang ngayon kasi di namin matunton kung saan nila tinatago ang tatay mo Juls.” Nagulat pa si Julia nang magsalita si Kath at tinapik sya sa balikat. Nawala sa loob nya na nakatulala na pala sya sa bintana ng kwarto ni Kath.
“Malakas sya di ba…kung ikaw na may kakayahang tumalo sa kanya hindi pa rin makalaban, pano pa ko?” tanong ni Julia sa kaibigan. Umupo ulit sya sa gilid ng kama ni Kath.
“Sa ibang paraan ko naman sya matatalo…pero kung natatakot ka, ako ang lalaban.” Matapang na sabi ni Kath sabay hawak sa kamay ng kaibigan. Hindi rin nya kayang tiisin na ilagay sa panganib ang buhay ni Julia.
“T-talaga?” nagulat pa si Julia sa narinig at napatingin kay Kath. Mukhang hindi ito nagbibiro.
“Ayoko namang malagay ka din sa delikado Juls. Hindi rin natin masabi kung tutupad sa usapan ang mga bampira. Baka mamaya kaya ka nila gustong palabanin kay DJ dahil nagalingan sila sayo at pag napatay ka, malalagasan tayo ng magaling na warrior.” Sa wakas sinabi na rin ni Kath ang kanina pa gumugulo sa isip nya.
‘Hindi ganun si DJ…tutupad sya sa usapan.’ Gustong sabihin ni Julia pero hindi nya dapat ipaalam sa lahat ang totoong koneksyon nila ni DJ. Walang dapat makaalam…kahit pa ang tatay nya.
‘Mahal ka ni DJ. Siguro di nya alam na ikaw ang nakapatay sa kaibigan nya.’ Pilit na kinukumbinsi ni Julia ang sarili.
Napatulala nanaman sya sa sahig at unti-unting lumalim ang iniisip nya. Binalikan nya ang lahat ng pangyayari. Wala syang pinatay…hindi sya ang pumatay sa bampirang si Norris. May nagcocontrol ng katawan nya nung mga oras na yun at wala syang magawa para magising ang diwa nya at makuha ang full control sa sarili nya ulit. Nakita lang nya ang mga nangyayari pero wala syang magawa. Hindi siya ang pumatay kay Norris at hindi rin sya ang dapat lumaban kay DJ…kung meron mang dapat managot at humarap sa galit na mga bampira, walang iba kundi ang nilalang na sumasanib sa kanya!
Pero paano ba nya mapapalabas ulit ito? Noong una akala nya dahil sa kwintas nya pero nung nakaraang laban nakasarado itong mabuti pero bakit parang lumakas lalo ang sumasanib sa kanya. Kung mapapalabas lang nya ulit ang nilalang nay un at mapaghahandaan nya ang pagkuha nito sa sarili nya baka sakaling sa susunod, sya na ang magccontrol sa knilang dalawa…Kung magagawa nya yun mababawi nya ang tatay nya.
“Juls…” napasimangot si Kath nang mapansin na na wala nanamang kibo ang kaibigan.
“Ha? Ano yon? Sorry-” Di pa man nakakatapos magsalita pinigil na sya ni Kath.
“Sige na magpahinga ka na muna para mapag-isipan mong mabuti.” Tumango si Kath sa kanya sabay pisil sa kamay nya.
“Pasensya na ha…dami kasing iniisip…tska…ayokong labanan si DJ…” Sagot ni Julia at tumayo na para pumunta sa kwarto nya.
~~~
Hindi makuha ni Julia kung ano ang dapat nyang maramdaman. Kinakabahan ba sya o natatakot na? Nanlalamig na ang buong katawan nya habang papasok sila sa isang madilim na animoy tunnel papunta sa paikot na arena. Pakiramdam nya ito yung napapanood nya sa cartoons kung saan naglalaban ang Ghost Fighter na sina Eugene..pero sa ngayon hindi sya dapat mamangha at marami pang mas importanteng dapat isipin.
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Teen FictionKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...