~ † First Encounter † ~

16.5K 330 71
                                    

~ † First Encounter † ~

5:30PM

“All Day class students are mandated to leave the school premises within 30 minutes. Prefects, you are now on duty.”

Dinig sa buong school ang announcement ng Principal gamit ang digital announcing machine. Isang mahigpit na batas sa Moon Angels Academy na walang dapat na makitang Day Class student sa school pagkagat ng dilim maliban sa mga Prefects na nagsisigurong walang makakalusot at lalabag ng batas na ito.

Kahit may ginagawa pa ang ibang students, wala silang choice kundi itigil ito at ipagpatuloy kinabukasan dahil ang 6PM onwards na time slot ay para lang sa mga Night Class. Nakakatukso talagang tumakas at sumilip sa mga Night Class students. Para sa mga Day Class students para na silang nanalo ng jackpot kung may Makita or makausap sila na mula sa Night Class dahil bihira lang ang mga studyante sa Day Class na nagagawa ito. Mga magaganda at gwapo, matalino at mahuhusay na students ang nasa Night Class. Nakikita lang ng mga Day Class students ang achievement ng mga Night Class students sa bulletin board ng academy kung saan nakapost ang pictures nila with credentials.

Dahil dito, lalong nahihirapan sa pagbabawal ang mga school prefects na binubuo ng mga students na nagchcheck kung may naiwang Day Class student sa school pagpatak ng 6:00PM. Kapag nahuli ka, irereport ka at ipapatawag ang parents mo at maaring maexpell ka pa depende sa rason mo. Kahapon lang may isang makulit na Day student ang nahuling lumapit sa anak ng may –ari ng school na kabilang sa night class. Kaninang umaga, expelled sya.

“Ano sa tingin mo Julia? Sandali lang naman ako eh.” Isiningit nanaman ni Kathryn ang pinag-uusapan nila kanina ng kanyang kaibigan at parang kapatid na rin na si Julia.

“Kath, pangatlong araw ko pa lang bilang school prefect, kung mahuhuli tayo lagot tayo parehas.” Nakasimangot na bulong ni Julia habang nagliligpit ng mga libro para iayos sa backpack nya.

Naramdaman nyang kumapit si Kath sa braso nya at nakangiti nang pagkatamis tamis. Alam na nya ang susunod na mangyayari, papaya na sya kaya bago pa makapangulit si Kath sumagot na sya. “Okay, pero sandali ka lang at susundin mo lahat ng sasabihin ko ha? As.In.Lahat!” mahina nyang sabi para walang makapansin na may pinaplano silang kalokohan.

‘Sige Julia, kapag kayo nahuli hindi lang kayo expelled kinabukasan, mananagot ka pa kay Matriarch.’ Napalunok si Julia nang maisip nya kung ano ang pwedeng maging consequences ng pagpayag nya pero huli na ang lahat, tuwang tuwa na hinalikan pa sya ni Kath sa pisngi sabay yakap ng mahigpit.

“I love you talaga! The best ka! Wag kang mag-alala isang picture lang ni Daniel uuwi na ko kagad!” Bulong nito habang mahigpit na yakap si Julia na halos hindi na makahinga.

“Oo, sige, sige, magtago ka sa storage room sa ilalim ng hagdan sa second floor wag kang lalabas don hanggat di kita tinatawag ha. Magpromise ka!” utos ni Julia.

“I promise!” Tinaas pa ni Kath ang kanang kamay na parang manunumpa sa watawap. Nag-rolled eyes na lang si Julia at napailing.

Paglabas ng pintuan ng classroom, naghiwalay ng destinasyon ang magkaibigan. Si Kath ay nagmamadaling nagtago sa sinabing lugar ni Julia at si Julia naman ay diretso sa Prefects room para umpisahan ang duty nya na kasama sa mga kailangan nyang gawin bilang scholar ng Moon Angels Academy.

Hindi pa din maintindihan ni Julia kung bakit napakahigpit naman ng rule sa school na nila tungkol sa separation ng Day at Night Class. Wala pang eskwelahan sa bansa na may katulad na rule dito kaya habang nagchcheck sila ng mga rooms bago magsimula ang klase ng mga night students, hindi maiwasan ni Julia na magtanong sa mga kasama nya kung bakit nga ba nila ginagawa ito.

RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon