~ † Blue Moon † ~
“Ayoko…” mariing sagot ni Julia matapos makapag-isip.Umatras siya ng ilang hakbang kay DJ.
“Ayokong maging katulad nyo. Ayokong maging halimaw!” Diretso ang tingin niya sa mga mata ni DJ na parang sinusubukang basahin kung ano ang nasa isip nito.
“Halimaw ang tingin mo samin? …. Sakin?” Parang nasaktan namang sabi ni DJ pero hindi naapektuhan si Julia.
“Nasaan si DJ?” tanong niya. Napatingin ulit sa kanya ang kausap.
“Alam kong hindi ikaw si DJ. Nasan sya?” Kalmadong tanong ni Julia pero may pagbabanta na sa tono ng pananalita niya.
“Ako at si DJ… ay iisa.” Isang misteryosong ngiti ang namuo sa mga labi ng kaharap ni Julia. Nag-iba rin ang boses nito at ang dating magandang boses ay napalitan ng nakakakilabot na tinig…parang nanggaling sa ilalim ng lupa. Parang pinagsasama ang isang daang boses at sabay sabay na nagsalita.
“Sinasabi ko na nga ba!” Napaatras si Julia at akmang tatakbo palayo pero napahinto siya nang mapansin na napapaligiran siya ng mga bampira na tahimik nang nakatingin lang sa kanila.
Nakapaikot ang mga ito sa kanila at mahihirapang siyang makalusot kung susubukan man niya. Sa itsura nila mukhang malalakas silang lahat…marahil sa dami ng dugong nainom nila at sa sinag ng buwan na sapilitang itinaboy ang araw at hinayaang mabalot ng dilim ang paligid.
“Nangako ako na ikaw ang gagawin kong reyna sa palasyong itatayo ko. Tutuparin ko yun, sa ayaw at sa gusto mo Millenia.” Muling nagsalita ang nagppanggap na si DJ at nang lumingon si Julia, ipinakita na nito ang tunay niyang itsura. Siya na si Dorian.
Naagnas na ang balat nito, mapupula ang mga mata… nakakapandiri… nakakatakot… nakakapangilabot ang itsura nito…
“JULIA!” Mula sa di kalayuan, nakarinig si Julia ng boses na nagpalakas ng loob niya.. si DJ!
Napatingin ang mga bampira sa gawi ni DJ. Nagkaroon ng maliit na puwang sa pabilog na posisyon nila..parang nagbibigay daan sa pagdating ng isang makapangyarihang nilalang.
Kahit si DJ ay namangha sa ginawa ng mga bampira. Lumuhod ang mga ito na parang naghihintay na lumakad siya papasok sa ‘circle cult’ na binuo nila.
Napangiti naman si Julia dahil parang prinsipe na may kasunod pang warriors si DJ sa likod niya.
“Neil…” napahawak si Kathryn sa kamay ng kasintahan nang makita ang itsura ni Dorian.
“DJ!” Mabilis na nagtatakbo si Julia palapit kay DJ at sa mga warriors nang biglang..
“WAGGG!!!” Malakas na napasigaw si DJ nang hablutin ni Dorian ang buhok ni Julia, dahilan para mapaatras ito, at pagtama ng likod niya sa dibdib ni Dorian, mariing kinagat nito si Julia sa leeg na parang uhaw na uhaw sa dugo nito.
“Bilis! Pigilan niyo siya! Kapag naubos niya ang dugo ng roseblood wala nang makakatalo kay Dorian!” Alerto namang sabi ni Quen.
“Walang makakapasok sa cult circle nang walang permiso ni Dorian.” Nag-aalalang paliwanag ni DJ.
“Tama…at hindi rin namin kayo hahayaang guluhin ang seremonya na matagal na naming hinihintay.” Biglang nagsilitawan ang Vampire Cult sa pangunguna ni Diego.
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Teen FictionKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...