~ † The Warriors † ~

12K 211 61
                                    

~ † The Warriors † ~

“Kuya Neil di ba tayo magdduty ngayon? Maggagabi na kasi.” Tanong ni Julia. Kanina pa sya nabibingi sa katahimikan. Tunog lang nang umaandar na sasakyan ang naririnig nya. Wala ring imik ang driver na si Ruben.

Gaya ng sabi ni Neil, sumama sya para pumunta sa bahay ng bestfriend nyang si Kathryn at makipagkita sa nanay nito na kung tawagin ng lahat ay Matriarch dahil para itong reyna sa lahat ng aspeto.

“Mas importante ‘to. Isa pa, gugustuhin mong magduty ngayon? Kahit Makita mo ulit si DJ?” Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Julia. Napalitan nanaman ito ng takot. Kanina lang muntik na syang mapatay ni DJ na naconfirm nyang isa pa lang bampira.

‘Kakagatin ka pa lang hindi papatayin.’ Sabi naman ng boses sa sulok ng isipan nya pero mabilis nyang inalis ang focus dito.

“Nakakakaba naman kasi kayo. Ayokong humaharap kay Matriarch pag mga seryosong bagay baka pagalitan ako.” Ninenerbyos na paliwanag ni Julia. Hindi naman kumibo si Neil kaya minabuti na lang nyang tumingin sa bintana at libangin ang sarili nya sa pagtingin ng daan.

Hindi nya maiwasang isipin na baka bigla na lang lumitaw si DJ sa kung saan twing may titignan sya kaya hindi rin nagtagal sumandal na lang sya sa upuan sabay takip ng panyo sa mukha nya.

“Ano bang nangyayari sayo?” Hindi na napigil ni Neil na mapansing hindi pa rin mapakali si Julia.

Matagal na silang magkakilala ni Julia at tinuturing sya nitong nakatatandang kapatid at alam nya kung may gumugulo sa isip nito.

Dahan dahang inangat ni Julia at mukha nya at ibinaba ang panyo hanggang sa ilong nya para lang hindi matakpan ang mata nya at makatingin sya kay Neil na katabi nya.

“Kuya natatakot ako sa kanya…” Kinilabutan si Julia nang maalala nya kung pano naging bampira si DJ kanina. Mula sa maamong mukha naging parang isang monster na napakalakas.

“Yikes!”Sabay takip ulit ng mukha nyang nang maalala nanaman nya yung pangyayari kanina.

“Ang tigas kasi ng ulo mo, sinabi ko na sayo noon wala kang nalalaman sa nangyayari kaya tumahimik ka na lang. Anong ginawa mo? Inakit mo si DJ kaya kasalanan mo din!” Napairap sa kanya si Neil at umiling iling pa na parang nawawalan ng pasensya.

Bigla namang napabalikwas si Julia at tumaas ang kilay sabay pamewang na parang spoiled brat na nagmamaldita.

“Inakit?!?! Excuse me kuya Neil hindi po ako marunong makipagflirt at never akong mang-aakit ng lalaki!” Proud pa nyang sabi nang bigalng…

“Aray naman!” Binatukan sya ni Neil pero nakangiti na ito.

“Hindi yun ibig kong sabihin!” Tatawa tawa si Neil habang inaayus ni Julia ang nagulung buhok nya kahit hindi naman halatang nagulo dahil natural na sa hairstyle nya na curly at messy looking naman talaga kahit suklayin nya.

“Oh eto ah, bampira si DJ, tama ka. Pero sukat ba namang pakitaan mo ng dugo ipagduldulan mo pa sa harap nya baka kung ako yung bampira pati lamang loob mo nilapa ko na!” Seryoso ulit si Neil. Natahimik si Julia at napasandal ulit sa upuan.

“Nandito na tayo.” Ilang sandali pang binasag ulit ni Neil ang katahimikan.

Tumuloy sila sa malaking bahay na pamilyar na pamilyar na kay Julia dahil araw-araw naman syang umuuwi dito at dito sya nakatira simula pa ng mamatay ang nanay nya. Buhay pa ang tatay nya pero hindi ito nakatira kasama nila. Malungkot man pero pinili nitong magpakadalubhasa sa mga gamot at technology na may kinalaman sa mga bampira. Sa tingin ni Julia naobssessed na ang tatay nya sa pagtuklas ng lahat ng bagay na may kinalaman sa mga bampira.

RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon