~ † Starting Over † ~
“Gising ka na pala.” Napalingon si Julia sa gawi ng pinto ng kwarto nya nang marinig ang boses ni Titus.
Sinubukan niyang bumangon nang mapansin na maliwanag na at wala na siya sa lugar nila Dorian.
“ouch!” bumagsak ulit ang katawan ni Julia nang maramdaman niyang masakit ang buong katawan at hindi pa niya kayang kumilos ng maayos. Inangat niya ang kanang kamay niya kung saan nya nararamdaman ang pinakamasakit. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang sugatan ito.
“Epekto yan ng ginawa mo kamakalawa.” Lumapit si Titus at naupo sa gilid ng higaan ni Julia. Dahan dahan namang umupo si Julia para magkaharap sila.
“Kamakalawa?” tanong ni Julia na parang gulat na gulat pa rin. Pakiramdam niya kasi parang kanina lang lahat ang pangyayari sa party.
“Dalawang araw ka nang walang malay. Yan ang mangyayari kapag pinilit mong hawakan ang kapangyarihan ng liwanag kahit hindi mo pa kayang macontrol ng lubusan. Wag mo nang uulitin yon. Hindi mo kailangang isakripisyo ang sarili mo para sakin. Nandito ka para sa katahimikan ng lahat, hindi para sa iisa lang.” Paalala ni Titus. Hinintay nitong sumagot si Julia pero nanatili lang na nakatitig si Julia sa puro galos nyang kamay.
“Kung kamakalawa pa toh bakit sariwang sariwa pa din mga sugat ko?” nagtatakang tanong ni Julia.
“Hindi naman kasi ordinaryong sugat yan. Wag kang mag-alala gagaling din yan mejo matagal nga lang.” paniniguro naman ni Titus sa kanya nang mapansin na nag-aalala siya.
“Sya nga pala, may bisita ka. Papapasukin ko ba dito?” napakunot noo si Julia sa sinabini Titus. Sino naman ang bibisita sa kanya?
“S-sige.” Sagot pa rin ni Julia. Naisip nya na baka kilala ni Titus ang sinasabing bisita niya dahil kung hindi, bakit naman papayag ito na papasukin hanggang sa kwarto niya? At dahil hindi rin naman siya makakababa para humarap sa kung sinumang bisita, mainam pa ngang dito na lang.
“Julia, wala kang natatandaan ok?” paalala ni Titus bago ito lumabas ng kwarto ni Julia para tawagin ang bisita nya.
Tinignan ulit ni Julia ang paligid niya at napansin na may nakahanda na palang tsaa sa side table niya tulad ng nakagawian nang ginagawa ng mga tagasilbi sa bahay nila. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw kaya nagsalin siya ng kaunti sa tasa at uminom muna.
“Kumusta ka na?” Biglang may nagsalitang pamilyar na boses.
Sa gulat ni Julia muntik na niyang maibuga ang iniinom. Nagmamadali namang lumapit sa kanya ang may-ari ng boses at inalalayan siya dahil mabibitawan nya ang hawak na tasa. Pag-angat ng mukha ni Julia lalo siyang hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Ilang inches lang layo ng mukha niya sa mukha ni DJ.
“Bitawan mo nga ako! Anong ginagawa mo dito?!” magkahalong gulat at pagsusungit ang nasa boses ni Julia. Mabilis namang inalis ni DJ ang pagkakahawak kay Julia. Itinaas pa niya ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis na nakahuli sa kanya. Hawak niya sa isang kamay ang isang boquet ng pink tulips.
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Novela JuvenilKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...