~ † A Warrior's Death † ~

9K 206 71
                                    

~ † A Warrior’s Death † ~

Sa paglakas ng mga bampira, lalong dumalas ang mga taong nabibiktima ng mga ito. Lalong naging mahirap para sa mga warriors na ipagtanggol ang mga tao at kahit na sinasabing ganap na ang kapangyarihan ni Kathryn hindi pa rin nila alam kung ano nga ba talaga ang taglay niya na pwedeng ipanglaban sa pinakamalakas.

Hirap na hirap naman ang kalooban ni Julia sa tuwing makakaengkwentro ng mga warriors and Vampire Cult. Kitang kita niya kung gaano kalakas si DJ sa puntong nawawala ito sa sarili niya at hindi talaga nila matalo. Naguguilty tuloy siya dahil alam nyang sya ang pinagmumulan ng kakaibang kapangyarihan nito. Gayun pa man tuwing iniisip nya na lumayo, hindi niya rin matiis si DJ…kung dati, takot siyang lumapit dito…ngayon naman takot na takot siyang mawala ito.

Naiintindihan niya na hindi rin gusto ni DJ na mahibang sa dugo niya at sa mga pagkakataong wala ito sa sarili niya, dahil yun sa kaluluwa ni Dorian na lumalakas habang lumalapit ang full moon na hinihintay ng mga bampira. Malapit nang sumapit ito at isasagawa na nila ang seremonya. Kahit alam niyang lalong lalakas ang pwersa ng mga bampira, naisip ni Julia na sa oras na humiwalay si Dorian sa katawan ni DJ, pwede na niyang labanan si Dorian…pano niya gagawin? Sa tulong ng isa pang malakas na nilalang na nakasapi sa kanya….si Millenia. Kailan lang niya lubos na naunawaan ang nangyayari kung bakit nawawala rin siya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit o kung paano nangyari na sumapi sa kanya si Millenia.. ang importante napag-aralan na niya kung paano ito macontrol at yun ang sandata nya at nagpapalakas ng loob niya na lumaban kahit gaano pa karami ang makaengkwentro nila. Pero yun din ang sikretong hindi niya sinasabi kay DJ dahil hindi nya alam kung anong magiging resulta kung sakaling malaman ng iba ang tungkol sa pagkatao ni Julia.

“Dad…” namumutla at nanghihina si Julia nang buksan ni Franco ang pinto.

Halatang galing sa isang mahigpit na laban si Julia katulad ng mga nakaraang araw. Ilang beses na umaatake ang mga bampira na parang ginagawang fiesta ang gabi sa dami ng mga nabibiktima nila. Kahit ang gobyerno ay nababahala na pero wala silang magagawa kundi magrely sa kakayahan ng mga warriors.

“Kailangan ko po ng gamot…” Hindi makatingin ng diretso si Julia. Lagi niyang dinadahilan na nakakagat siya ng bampira at lagi namang nanjan ang tatay nya para masolusyunan ang problema at maiwasan na maging bampira siya.

Ang hindi alam ng lahat, lihim na nakikipagkita si Julia kay DJ tuwing manghihina ito at mauubos ang kapangyarihan ng roseblood na nagmumula kay Julia. Hindi basta basta ang paginom ng dugo ng isang roseblood. Kailangang konektado ang kaluluwa ng roseblood at nang bampirang kakagat sa kanya dahil kung basta basta na lamang siya kakagatin, mamatay siya. Kailangan nilang ikundisyon ang sarili at kapag parang iisa na lang sila, tsaka pa lang tatalab ang kapangyarihan sa bampira.

“Nakagat ka nanaman?” tanong ni Franco sa anak habang inaalalayan ito para umupo sa sofa. TUmango lang si Julia at ibinagsak ang sarili sa sofa dahil sa panghihina.

Parang inihahanda na niya ang sarili sa sakit na mararamdaman niya sa oras na iinject sa kanya ang gamot para sa lason ng bampira. Hindi niya sinasabi kay DJ kung anong hirap ang pinagdadaanan niya dahil alam  niyang tatanggi ito at kung hindi ito makakainom ng dugo niya mamatay si DJ…mas hindi niya kakayanin yon.

RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon