~ † When Right Choice Is Not Always The Best † ~
“Will you marry me?” Binuksan ni Neil ang maliit na velvet box na naglalaman ng gintong singsing para ipakita kay Kathryn.
“Kidding aside.. ano gimik toh?” hindi alam ni Kath kung ano ang magiging reaction nya. Hindi niya inaasahan ang pangyayaring ito. Umagang umaga, inaya siya ni Neil na pumunta sa park dahil may importante itong sasabihin pero hindi niya alam na tungkol pala dito ang sasabihin niyang yon.
“Alam ko masyado pang maaga… pero I want to take this opportunity… alam mo kung anong klaseng panganib ang pwede nating harapin…anytime.” Seryosong sagot ni Neil.
Matagal na silang magkakilala ni Kath at matagal na rin silang magkasintahan pero alam niyang mas nakafocus sila parehas sa pagiging warriors nila at bihira na niyang maiparamdam dito ang mga normal na bagay na ginagawa ng isang kasintahang lalaki sa kasintahang babae.
“I’m 19..-” nagsasalita pa si Kath pero sumagot na si Neil.
“You’re turning 20 in a few months.” Simpleng ngiti ang ginawa niya. Napabuntong hininga naman si Kath at napatingin ulit sa singsing.
“Sabagay, tama ka.. Hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa hinaharap…lalo na ngayon masyado nang malakas ang pwersa ng kalaban natin… Kaya..Neil.. yes. I will marry you.” Parang may kinang pa sa mga matang sinabi ni Kathryn. All this time, sigurado naman siya talaga sa nararamdaman para sa boyfriend niya kaya bakit pa niya pahihirapan ang mga sarili nila kung pwede namang maging masaya?
“I love you…” Excited na sinuot ni Neil ang singsing sa daliri ni Kath at niyakap ito ng mahigpit.
“I love you too..” halos bulong na lang na nasabi ni Kath. Hindi na niya napigilan ang mga luha sa sobrang saya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ng Mama niya pero alam niyang masaya siya sa desisyon niya kahit na masyado pang maaga para sa kanila.
“Ehem..” bigla namang nasira ang moment ng dalawa nang may marinig silang boses na nagmumula sa likod ni Neil.
Mabilis na kumawala ang dalawa sa mahigpit na yakap at napalingon sa nagsalita. Magkahalong pagkapahiya at pagkagulat nang Makita nila si Julia.
“Congratulations. Masaya ko para sa inyong dalawa.” Pormal pa rin ang pagsasalita ni Julia.
“K-kanina ka pa ba jan? Sinusundan mo ba kami?” May pagdududang tanong ni Kath.
“Hindi naman. Just in time when you accepted the proposal.” Sagot naman ni Julia. Nagkatinginan sina Neil at Kath na parang nag-uusap sa mga mata.
“Pwede ko ba kayong makausap?” tanong ni Julia nang hindi kumibo ang dalawa.
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Teen FictionKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...