~ † His Only Chance † ~
Umupo si Julia sa tabi ni DJ at walang sabi-sabi ay hinawi nya ang buhok nya, binuksan ang isang butones ng damit nya at ibinaba ang kuwelyo ng damit nya para mas malantad ang kanang bahagi ng leeg nya. Inilapit nya it okay DJ na nagulat naman sa ginawa nya.
“Anong ginagawa mo?” Gulat na tanong ni DJ na napatingin lang sa magandang leeg ni Julia.
“Alam ko para gumaling ka kaagad at di mo na maramdaman yung sakit kailangan mo ng dugo kaya ayan, kagatin mo na lang ako…p-pero wag masakit ha.” Kinakabahang sabi ni Julia sabay pikit at naghintay na sumayad ang pangil ni DJ sa leeg nya.
Hindi kumilos si DJ. Tinitigan nya ang leeg ni Julia na parang pinaglalabanan ang sarili.
“Nangangawit na ko!” Parang bata namang reklamo ni Julia at mejo ginalaw galaw ang ulo nya para hindi mangawit sa posisyon nya.
Naramdaman nyang lumapit si DJ sa kanya pero hindi nito ginawa ang gusto nya. Parang nagulat na kinilig pa si Julia nang maramdam nyang matunog na hinalikan ni DJ ang leeg nya sabay batok sa ulo nya.
“Aray!” Napahimas si Julia sa ulo nya habang umaayos ng upo para harapin si DJ.
“Baliw ka talaga.” Napapailing na sabi ni DJ kahit na hihingal hingal na ito at halatang nahihirapan nya.
“Ang laki na nang hirap ko sayo para maligtas ka sa mga bampira tapos ako pa gusto mong manakit sayo?” Tanong nito sa kanya. Napangiti si Julia. Inaasahan na nya na hindi gagawin ni DJ ang alok nya at hindi nga sya binigo nito. Pero nag-aalala pa rin sya sa kalagayan ni DJ.
“Bumalik ka na kaya sa bahay nyo. Makakauwi naman ako eh.” Mungkahi ni Julia. Sinilip nya ulit ang sugat ni DJ pero wala pa ring pagbabago.
“H-hindi ako pwedeng bumalik don…baka dumating sya…” Napakunot noo si Julia sa sinabi ni DJ. Sinong “sya”?
Parang nakuha naman ni DJ ang nalilitong expression ni Julia kaya bago pa makapagtanong sumagot na sya.
“Si Millenia…nararamdaman ko na malapit lang sya…at kung makikita nya na mahina ako baka samantalahin nya yung pagkakataon…kung malayo ako, at least walang madadamay na ibang bampira…o tao.” Paliwanag ni DJ. Napatingin si Julia sa paligid kung may ibang tao o nilalang na nagmamasid sa kanila.
“Wala naman siguro…” Kinakabahan pa nyang sabi. Mas lumapit pa sya kay DJ na parang batang nagsusumiksik sa taong magtatanggol sa kanya laban s akung anumang kinakatakutan nya.
“Ewan ko pero pakiramdam ko malapit lang sya kaya mainam na yung alerto ako. Alam ko gusto nya kong patayin.” Napalingon si Julia kay DJ na may pag-aalala. Parang natakot sya nang maisip na mamatay si DJ. Pakiramdam nya may mawawala sa kanya pag nangyari yon.
“Hindi ko hahayaan mangyari yun… Kapag dumating sya ngayon dito... wag ka nang magdalawang isip na kagatin ako at inumin yung dugo ko para lumakas ka…para malabanan mo sya…” Seryosong sabi ni Julia. Napakunot noo naman si DJ.
“Bakit mo sinasabi yan? Alam mo bang pwede kang maging bampira din? Okaya naman kung kakagatin kita bigla, mamatay ka.” Parang nananakot na nanunubok na tanong ni DJ. Pinipigil nyang mapangiti kahit na gusto nan yang ngumiti dahil sa ideyang naglalaro sa isip nya. Bakit nga ba gagawin ni Julia yun para sa kanya?
“Basta…ayokong mawala ka… M-magkaibigan tayo diba?” Nag-iwas ng tingin si Julia. Nagsisimula na syang magdudda sa sarili nya. Kaibigan nga lang ba? Dahil nga lang bas a pagkakaibigan o may higit pa dun ang dahilan nya?
BINABASA MO ANG
RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Genç KurguKayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo sa kanya. Ang problema lang, twing dadating ang tagapangalaga ni Kathryn na si Julia. Bakit nga ba sa tinagal tagal nang panahon, ngayon pa...