Soria: World's Guardians

142 3 0
                                    

Title of the Story: Soria: World's Guardians

Link of the Story: http://www.wattpad.com/story/8440089-soria-world%27s-guardians-volume-1 [external link available]

Profile link of the author: http://www.wattpad.com/user/Ryuukage

Brief Summary: Pitong kabataan ang hinirang upang protektahan ang mundo sa kasamaang nagbabalak na maghasik.

Reviews:

I'll go first with the negative, then positive comments. :)

First of all, sa way ng pagkakalahad ng story. Yung flow ng events, medyo nakakalito. Since adventure nga siya, sana naipakita sa umpisa kung sino si Rafael, I mean yung personality niya, bakit siya pinili ni Flamma, at ano yung mismong problema, kung ano yung pinag-ugatan nung lahat para kailanganin si Rafael doon. Mas magiging exciting siya kung unang ipinakita yung mga masasama (na sinabi dun sa brief summary) at kung ano ang intensyon nila, kasi with this mas maiintindihan ng readers kung paano tatakbo ang istorya.

One more thing, merong mga scenes I think na nawala. I mean, katulad nung sa Chapter 3, I think. May sinabi siya doon na nakapasok daw siya sa ibang bahay or something imbis na yung library eh hindi naman nangyari yun nung previous chapters. Nakakalito din tuloy. Sana mas detailed din yung mga scenes para mas ma-imagine yung mismong nangyayari. 

Sa tingin ko kasi, medyo masyadong fast-paced yung mga pangyayari, bigla na lang naging ganoon without explaining how it happened. Like for example, napunta pala sa ibang world si Rafael pero hindi man lang nasabi kung paano siya napunta doon, o kung nasabi man, hindi na-explain nang mabuti. Siguro hinahanap ko yung mga part na "N-nasaan ako?" Tapos i-eexplain na nung other character.

Furthermore, iwasan mo din yung mga paragraphs na mahahaba. Nagiging boring kasi yung mga long explanations. Pwede naman silang pagputul-putulin, or better yet, pwede namang gumamit ng mga flashback scenes, etc.

Sa mechanical correctness, nakakalimutan mong gumamit ng periods and commas, o kaya naman yung capitalization. Mahalaga yun kasi dun din nakasalalay yung takbo ng story. I mean, imagine this: kapag walang period, parang may sasabihin pa siya di ba, pero wala na pala. Nakakabitin yun ng mga readers. Else kung may tuldok, definite yun na ibig sabihin, tapos na yung gusto niyang iparating.

Tapos di ba may isa pang katauhan sa loob ni Rafael. Sana yung mga sinasabi niya naka-italicize para seperate dun sa mismong sinasabi ni Rafael at ng iba pang characters.

Sa positive comments naman, although cliche na yung ganyang adventure, naiiba naman yung mismong plot. Ang cute din ng mga names.

You also have a potential to be a writer. Okay lang naman ang mga errors dahil nagsisimula ka pa lang naman. And there is always a room for improvement.

Sana nakatulong ako. Hintayin mo na lang din yung review nung isa mo pang Hihyo. I'm sure malaki din ang maitutulong niya sa iyo.

Thank you for choosing me! Enjoy writing! :D

Sincerely,

Hihyo_chickenj0yZ



P.S. Bakit naman naka-capslock yung umpisang part nung story? Parang galit ka tuloy. XD

Promote Your Stories || Recommended Stories [BUSY]Where stories live. Discover now