Soria: World's Guardian (Review #2)

105 2 0
                                    

Link of story: http://www.wattpad.com/story/8440089-soria-world%27s-guardians-volume-1

Author: http://www.wattpad.com/user/Ryuukage

Brief summary: Pitong kabataan ang hinirang para maging kapalit ng mga kasalukuyang guardians upang protektahan ang mundo sa kasamaang nagbabalak na maghasik. 

Author's description of his story: Enjoyable and nice

Reviews: 

Mixed version ulit,

Skills on punctuating is kinda low. Maglagay ka ng comma, at period sa tamang place. Nakakapagod kasi siyang basahin kapag wala nito or misplace sila.

I like the narration. Magaling kang mag describe ng maraming bagay which are part of your story. I can clearly imagine the images you are trying to portray. The usage of tagalog with some English language is also good for me. Gusto ko rin ang mga tagalog words mo, hindi sila mababaw. Meron kasing writers na ang pangit ng dating ng story kapag mixed language ang kanilang ginagamit. Fortunately, hindi ka kasama sa kanila.

In some way, nakikita ko ang aking writing style sa iyo. Medyo magkaparehas tayo yun nga lang, there is something which you lack…hindi ko dama ang action. Parang medyo hindi lively ang dating sa akin ng pagkasabi mo ng mga sentences. Try mo kayang gumamit ng exclamatory sentences kung minsan, hindi palaging declarative. Siguro, ito ang dahilan kung bakit although obvious na may action scenes.

Kung ako ang tatanungin, cliché sya. Although pwede rin itong mali dahil ‘fantasy’ and ‘adventure’ ang theme mo. Para sa akin kasi, ang dami mong pwedeng gawin sa genres na yan. Favorite genres ko rin yan kaya supported ko itong story mo. Obvious rin na may romance na magaganap dito, but I suggest na observe mo itong mabuti lalo kung fantasy at adventure ang pinaka focus mo. Huwag mong hayaan na matabunan sila ng romance kapag dumating na siya sa story. Ganyan ang nangyari sa SAO, and also the main reason kung bakit ako nadisappoint sa anime na iyon. Sana hindi iyon mangyari sa story mo. Kung may romance man eh make sure it will fit. Wag mo rin aalisin sa isip mo ang main goal ng story dahil mawawala ka for sure kapag nakaligtaan mo yun.

Importante rin na i-maintain ang character personality. Huwag mong kalimutan yan dahil jan uusbong ang character development (na medyo nakaligtaan ko in one of my stories). Keep your character’s personality unique from each other. This way, magiging unpredictable ang future events at mas maganda rin silang subaybayan.

Wag kang mapagod mag narrate, although relate ako na nakakapagod rin minsan na i-type ang iniisip mong description. Importante kasi iyan para mas maging realistic ang dating ng story mo.

Story? Interesting for fantasy and adventure lovers. Although hinahanap ko pa rin yung buhay. Medyo matamlay ang dating sa akin. Figure it out yourself kung paano mo gagawin yon. Tuloy mo lang ang pagsulat. Promote mo rin ito sa ibang promoters para makakuha ka pa ng readers.

- Hihyo Sejuru

Promote Your Stories || Recommended Stories [BUSY]Where stories live. Discover now