More Lies Ahead

208 7 1
                                    

Pagbalik namin sa dorm, nandun na sila halos lahat at nagkukwentuhan sa may sala. Ang ingay talaga kapag andito lahat. Pinagtitripan nila si ara. Nilalagyan ng kung ano ano sa mukha. Syempre, ang mastermind, hulaan nyo guyths..

Yes, si Mikang nga. Bully eh!

Tawang tawa ko sa look ni Ara. Parang tinapay na yung mukha nya. I sat beside Tin, tumabi naman agad sakin si kianna tapos si mok. Si carol, mia, bf problems. Si kim, ayun, may kausap sa phone, nagpunta sa kusina. Naingayan siguro.

Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Si kianna..

"Gwapo no ate gurl?"

"Ha?" Nagulat naman ako sa sinabi nya. Huli pala ko.

"Tsk. Okay lang yan. We got you covered! Leave it to us ate gurl." At kumindat pa siya. Crazy gurl talaga. May we got you covered pa siyang nalalaman. Let's see. What happens, happens.

More tawa, kwento at walang katapusang basagan pa ang nagaganap. Wala ata silang balak pa matulog. May training kaya bukas! Pero parang wala naman silang pake. Hahaha

May kumalabit naman sa likod ko. Si superfriend pala.

"Kala ko ba may gagawin kang papers?"

Shit.

Nakalimutan ko.

"Ah, oo nga pala. Hehe." Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Sinabihan pa akong kj ni mika. Sabi ko naman, ngayon lang to. Kaya naman umakyat na ako sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto, hindi ko alam kung ano tuloy ang gagawin ko.

What now?

Matulog na kaya ako?

Di pa ko antok.

Magbasa ng book?

Wala pa akong bago. Hassle umulit ng basa.

Quick shower na lang muna. Para fresh.

After ko mag quick shower, paglabas ko, andun si kim. Sine-set up yung laptop ko.

-____-

Ano na thealee? Ano na plano mo? Wala ka naman talagang gagawin, pero ayan at naka set up na ang lappy toppy.

"Hinanda ko na para matapos mo agad at ng makatulog ka ng maaga tonight." Sabi nya sabay smile. What an innocent smile.

"Salamat Kimang! U da best!" At umupo na ako sa kama at hinarap ang laptop sa ibabaw ng maliit na table.

"Pwede bang dito muna ako tambay?" Tanong nya.

"Sige lang." Sabi ko habang binubuksan yung folder ng mga series ko na palabas. GoT night na this!

Naramdaman kong gumalaw ang kama. Shit! Alt-tab agad sa desktop! Pagtingin ko, dun naman pala siya pumwesto sa paanan ko. At busy naman siya sa phone nya. Hmmmn, may ka teks. K.

I plugged my earphone tapos play na. Medyo di ako maka-concentrate kasi syempre dapat aware ako sa nangyayari sa paligid. Baka kasi mamaya biglang sumilip tong negra na to at mahuli akong nag mamarathon sa GoT.

After 3 episodes, medyo inantok na ako. Hindi pa din umaakyat yung mga girls sa baba. Quarter to nine na. Sinilip ko si kim. Tulog na pala siya. Nakapatong pa sa noo nya yung phone nya. Psh.

Pinatay ko na yung lappy at inayos yung table. Then ginising ko na siya.

"Oi Kim.. Lipat ka na sa kwarto nyo.. Matutulog na kami.." At inalog ko pa balikat nya.

NR siya mga bes.

"Huy kim!" Ayan medyo sumisigaw na ako.

Aba wala pa din.

No mercy na ako. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga nya and whisper in a very seductive tone.

"Kim, get up.. Please? Get up ka na dyan. Antok na si the-" And hindi pa ako natatapos magsalita ay bumangon na siya habang hawak hawak tenga nya na hindi ko alam kung mapula kasi hindi makita dahil sa skin tone nya.

Epic mukha nya guyths. Lam nyo yung nanlalaki pa mata kasi syempre kakagising lang tapos magulo ang buhok. Tapos yung gigising sayo ay walang iba kundi ang aking sweet voice? Hahaha I am enjoying this! *evil laugh*

"Oh ayan, gising ka na. Chupii! Lipat ka na sa kwarto nyo. Paakyatin mo na din sila, may training pa bukas." Sabi ko habang inaayos yung kama.

Walang imik naman siyang lumabas ng kwarto. Bagong gising mood eh? Hmpstkk.

Maya maya ay nakarinig na ako ng mga dagundong mula sa hagdan. Parating na sila mayang, cj at ting ting. My roomies..

"Achi Cyd, nyare kay ate kim? Away kayo?" Tanong ni Cj habang nagliligpit.

"Hindi ah! Bagong gising lang kasi siguro. Dito kasi siya nakatulog." Sagot ko.

And with that, my worst day ever ended.

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon