Friends

208 9 0
                                    

Tapos na finals. Musta kaya magiging grades ko? Sana okay naman sila. -___-



Kastress ang acads. Kaya eto, lumabas muna kami ng lungga. And please dont be surprised guyths.


We're hanging out with mela today.



Yes. And close na kami. Walang char. She's super nice. Talagang bagay sila ni Kimang. They complement each other. Si Kim bad, si Mela, nice. Hahaha



And we are now , well, what 's the right term for this? Uhmmm, licking ice cream?




Basta, nasa ice cream parlor kami ngayon. Im with the  usual gang.




"San tayo after?" Tanong ni Mika. Aba? May plano ata silang late umuwi ah? Bakit di ako nainform tungkol dito?




"May pupuntahan pa?" I looked at my watch. "Quarter to eight na."




"Wow. Kelan ka pa naging time concious Cydie?" Si mok. Nagsisimula na namang mang asar.




"Kanina lang Mok." Sakay na lang tayo guyths.




"Mukhang may lakad ka bukas ate gurl ha." Isa pa itong si kianna. Tandem talaga sila sa pang-aasar.




"Date?" Aba may bagong recruit. Si Kim.




"Hala? Hindi. Issue kayo!" Tanggi ko. Mga to talaga..




"Itago na lamang ba natin sa pangalang James guyths?" This is dangerous. Pinagtutulungan nila ako. Sumali na din sa kanila si Ara.




"What? Vikings again?" At si Mika. Ano to may kanya kanya silang line?




"May lovelife ka na Cyd?" Tanong naman ni mela.




"Wala no!"



"OO!"



Ayan. Member ata kami ng sabayang pagbigkas. At sila laban sakin.


-____-



Pinopollute nila ang isip ni mela. Mamaya nyan maniwala to!




"Nako, wala talaga Mel. Issue lang yang mga yan!" Sabi ko agad kay Mela. "Wag nga kayo guyths, mamaya maniwala si Mel nyan.." At hinarap ko ang mga mapang-asar kong kaibigan..



At nahuli ko si Ara habang iiling iling na nakaharap kay mela. Parang sinasabing wag siyang maniwala sa sinasabi ko..



Aba't.. Talaga naman to!



"ARA!" At kinurot ko siya sa pisngi.


Cute cute Ara..


"hharay hachi shiid. Shama na po.. Chi na po uulit.." Sabi nya habang hawak ko pa din ang pisngi nya. Binitawan ko din naman agad. Baka may humambalos sakin dito dahil sinasaktan ko siya. Hehehe





"Wala daw sparks guyths. Wala daw.." Ayaw talaga tumigil ng mga to. At ang leader nila ay walang iba kundi si Mowkie.




"May hitsura naman din. Pwede na.." Tumatango tango pa si Mika habang nagsasalita.





Napatingin ako kay mela, at nakikita ko sa mga mata nya na naniniwala siya sa pinagsasabi ng mga halimaw nato. Umiling naman ako sa kanya. Sabi ko pa na wag siyang maniwala. Issue lang talaga sila.





"Secret relationship ba Cyd?" Tanong nya.




Nagtawanan naman sila maliban samin ni Mela. Ayan! Naniwala na talaga siya.




"Di joke lang beb. Inaasar lang namin si Cyd." Buti naman at nagpaliwanag na si kim kay mela.




"Eh san ka ba kasi pupunta bukas?" Tanong ni Mika sakin.




Bakit ba ako ang nasa hot seat ngayon? Ganun ba sila kaatat sa lablayp ko? Chillax.




"May sinabi ba akong may pupuntahan ako bukas?" Time for me to bully them. Hahaha




"Boom! Basag!" Duet si Ara at Kim nyan.




"Bad Achi Cyd.." At nagpout siya. Sorna miks.




"De joke lang Miks. Aalis talaga ako bukas ng umaga." Sabi ko. Eh may pupuntahan ako bukas ng umaga. Bawal malate kaya bawal mapuyat.




"San punta? Date nga?" Kulit din nito ni Kimmy paminsan.




"Isa pa, kokotongan na kita sa bilbil.. Wala nga akong date bukas. 1st term is done! Uwi akong cebu." Yezerou! Uuwi si cydthealee. Una kong ihahug is ampiperns.. Wheeee!





"Wow. Uuwi pala siya di nagsasabi.. Walang balak magpaalam gurl?" Tanong ni mok. Well, biglaan to. Nagkausap kami ni mader and ayun bigla na lang pumasok sa isip ko na umuwi saglit kaya nagpabook ako ng flight kaninang umaga.





"Wag ka na galit mowkie.." Tapos hinug ko siya. "Biglaan lang. Kakapabook ko lang kanina. As in bigla na lang pumasok sa mind ko na umuwi nung magkausap kami ni Mama." Paliwanag ko. And busy kami lahat for the finals kaya hindi ko naopen sa kanila kanina. And balak ko sana paguwi ko na lang sasabihin eh ayun..




"Sama.." Sabi ni kianna. Nagulat ako. Weh?





"Char ka dzaii! Aalis ka din di ba? With your family?" Nakalimutan lang kianna bibe?





"Ay oo nga pala." Bigla nyang naalala.




"Maganda ba sa cebu Cyd?" Tanong ni Mela.





Bago pa ako makasagot, naunahan na ako ni Kim.




"Sobra!" Sabay thumbs up pa.



"Talaga? Nakapunta ka na?" Tanong ji mela kay kim.




"Oo. The best yung cydelicious!" Sabi nya pa.




"Char ka Kimmy!" Sabi ko sa kanya.


"Totoo naman. Dba guys? Sarap ng cydelicious?" Tanong nya kuna mok.



Sumang-ayon naman sila. Touch naman me.


"Buti naman at nagustuhan nyo. Well, ayun na nga guyths. Since nalaman nyo na, uwi muna ako. 3days lang naman." Paalam ko sa kanila. I know not enough yung 3 days nanyun but i need to attend the practice. Pa-Start na ulit ng season and we need to prepare. We need to regain our loss last season.


"Dubong!!!" Kianna said. Hindi ko naman makakalimutan yun..



And after a lil more chit chat, we decided to go home. Wala na kami pinuntahan after dahil nga maaga ang flight ko. Sabi ko naman okay lang na sila na lang kaso sabi nila pagod na din daw sila so yun.



Si mowkie and kianna ang kasama ko sa kotse. Nauna kaming nakauwi kasi for sure hinatid nila si mela. And pagkatapos ko maghalf bath, tulog agad..

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon