The Call

193 9 2
                                    

Pagdating nung dalawa ay kumain na kami.

Tinitingnan ni kim yung dalawang upuan sa tabi ko. Na inuupuan na ni mok at kianna. Good thing tumakbo kami kanina. May sasabihin sana siya pero syempre, major ko ata mag cut ng sasabihin niya.

"Kain na! Salamat Beautiful Cyd for the free meal!" Sabi ko while taking my share.

Wala na siyang nagawa kundi umupo sa tapat ko. Si carol kasi, sa tapat ni mok umupo.

"Salamat Marce. Hindi ko to ine-expect. Promise!" -carol

-___- "kain ka na carolina.. Naalala ko, may importante pa pala akong itatype na ipapasa bukas.." Sabi ko na lang.

Wala naman talaga akong gagawin. Gusto ko na lang munang iwasan siya. Though i know its impossible. Pero kahit konting distance lang. Kahit konti lang. Yung wala kami sa iisang lugar. Yung wala siya sa paningin ko.

I really think i need some distractions.

"Lalim naman ng iniisip mo, share naman Marce!" Rinig kong sabi ni carol.

Napatingin naman ako sa kanila. Medyo nagtagal kay kim. Sobra kasi siyang makatitig, like she's trying to figure out what's on my mind. Pero bumalik din kay carol. Dami talagang napapansin nito.

"Pus na ba kayo? Tara na?" Tanong ko.

Tumingin naman si kim sa relo nya. "Kakaupo lang natin 30mins ago Cyd. Madaling madali lang?" Tanong nya.

"May gagawin nga kase ako." Sagot ko while checking my phone. Nag beep kasi.

Curious naman si kianna and mok kung sino nagteks kaya sumilip sila sa phone ko.

'Who wants to go out of town this coming saturday?' -yan yung text. Mukhang pupunta dito sa manila si atingst. Wow! Im soooo egzoited!

Nagkatinginan kaming tatlo. "Sama!" -sabay na sabi ni kianna at mok. Napangiti naman ako. Agad agad akong nagreply kay atingst.

'G atingst! Sama daw si kianna and mok. Where to?' Reply ko at agad tinago ang phone ko. Maya ko na lang icheck yung reply nya.

"Sino nagtext?" Tanong ni kim.

"Si atingst!" Sagot ko. Nagi-guilty ako kasi hindi ko ipinaalam na nagyayaya ng out of town si atingst pero para to kay heart. Kaya heart, kalma ka lang. Im doing this for you. We got this.

"Sabi?" Tanong nya ulit.

"Wala naman.. Punta daw siya dito sa manila." Sagot ko.

"Eh di may sinabi siya Cyd. Sabi mo wala? Eh bakit sasama si Kianna at Mok?" -kim

Daming tanong.. Ngayon pa talaga siya nagpakadetective conan. -___-

"Ah.. Eh kase ano.. Nagpapasundo kasi siya sa airport!"

Idk kung nahalata nyang medyo tumaas yung boses ko sa last part. I hate lying. Pero parang nagiging major ko na din yan ngayon.

"Talaga? Sama din me!" Sabi nya.

Dear Life, Why u so hard to me? -love, thea

"Sige. Basta free ka." Hopefully not. Sana may lakad siya.

At dahil pinanindigan ko na na may gagawin pa ako, napilit ko silang umuwi na din agad. Kim is trying to get close to me pero my bodyguards are ready to cover.

"Clingy nyo naman kay Cyd, Kianna and Mok!" Sabi ni kim sa likod. Nauuna kasi kaming tatlo. Magkatabi sila ni carol pero di sila naguusap. Busy kasi si carol sa phone nya.

"Inggit ka lang boss. Sorry ka na lang. Pinagpalit ka na ni ate gurl!" Lumingon pa si kianna kay kim tapos nagbelat pa ang gaga.

Aray! Parang ako yung natamaan. Kung nasa twitter world lang kami, nagcomment sana ako ng, 'aray gurl! Bakit parang para sakin yung phrase na yan?'

Hindi ko natiis na lingunin siya. I want to see her reaction. Well, i want to see her. Every damn time.

At nakapout lang siya dun dahil sa sinabi ni kianna. Hindi na siya nagsalita. Bamalik din paharap yung tingin ko. Tama na yun. Kung patuloy pa akong lilingon, mawawala ang focus ko sa kung anong nasa harap ko. Baka mamaya, may pupu ng doggy, eh di jackpot? Psh. Sabaw guyths. Sorna. Nasasaktan lang..

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon