Sent

165 7 2
                                    

"Guys? Anong gagawin ko?" Lumapit ako sa kanila. Dinala ko ang phone ko. "Nakatanggap din ba kayo ng mga messages galing sa kanya?"

"Not 'mga'. I only received a text from ate kim." Kianna answered habang inaabot sakin phone nya.

True enough. Ang recent text lang doon ay, 'kasama nyo si cyd? San kayo? May binili ako pizza.' Sumakit bigla ang ulo ko.

"Isa lang din yung sakin." Pinakita din sakin ni Tin yung phone nya at magkaiba ang msg nya kay kianna at tin.

'San twinnie mo, ting ting? Uuwi ba kayo dito sa dorm? Sana makauwi kayo ngayon.' At mas lalong sumakit ang ulo ko. Actually hindi lang ulo, pati puso.

Tumingin ako kay mok. Inabot nya sakin phone nya. And as i read the msg, it broke my broken heart.

'Mok, nag-aalala na ako. Bakit walang text galing sa inyong apat? Kayo ang magkakasama kanina. Hindi nagrereply si cyd. Pati si kianna at tin. Ano bang nangyari? Please, magreply kayo. Kahit isa lang. Para lang malaman ko na okay kayo, na ligtas kayo. Nag-aalala na kami dito.'  Text nya kay Mok around 5:05pm.

Nakita ko na may reply si mok. 'Sorry Kimmy, kakagising lang namin. Yes, magkakasama kaming apat. Sorry kung di kami nakatext agad. Dito lang kami sa batangas. Dont worry, uwi din kami monday. Bawi pagbalik. Sorry kimmy! Labyu!' Reply ni mok nung 7:20pm.

"Yan agad namulatan ko kanina. Hindi ko pa alam irereply ko nung una pero kailangan kong magreply agad. Napatagal ang tulog naming tatlo. At for sure talagang nag-aalala na sila don." Sabi ni mok. Napasubsob naman ako sa balikat nya. Biglang bumigat pakiramdam ko.

"Sorry guys. Dapat talaga, sinabi na lang natin sa kanila tong trip na to!" Sabi ko sa kanila. Sising sisi na ako ngayon.

"Dont be, cydie. We knew how much you needed this vacation. Kailangan nyo to ni Kimmy. Para masanay na kayo na hindi laging magkasama. Let's just look at the brighter side okay?" Mok's word lifts me up somehow. Nalulungkot pa din ako kasi halatang ang lungkot niya sa mga text nya.

"Tama si Ate mowky, Ate gurl. Kailangang masanay ni ate Kim na hindi ka na palaging available para sa kanya. Dahil din naman sa kanya kaya nangyari to kaya wag ka ng malungkot." Their comforting words are lifting me up.

"Twinnie, kaya pala wala kang boyfriend. May girlfriend ka pala." Tin said out of nowhere. And that made us all laugh. All this time, yun pala ang nasa isip nya. -___-

Ang dami nya pang naging tanong nang may maalala si mok.

"Ano bang text nya pala sayo? Patingin!" At kinuha nya phone ko at binasa nilang tatlo yung mga msg niya sakin kanina.

After nila basahin, nganga sila.

"Tsk tsk. Kaya pala ganyan mukha mo. Ang hard ng mga text sayo." Mok said while shaking her head. Bumigat tuloy ulit yung puso ko.

"Daya! Samin isa lang text. Sayo, flood! Bias! Hmp!" Sabi naman ni kianna. Ay ambot.. Natawa naman daw ako sa reaksyon nya.

"Ay! Hala nasend achi cyd!" Tarantang sigaw ni tin. Napatingin naman daw kami sa phone ko at napa face palm ako.

May naka-type kasi akong message don na hindi pa tapos nung lumapit ako sa kanila. Dinouble check ko kung nagsend nga ba, at pag tingin ko..

'Sorry late reps. Naaliw lang sa sunset kanina. C u monday. I mis'
Sent:9:47pm

"TING TIIIIIIIIING!!" Sigaw ko sabay abot kuha ng phone. I typed the "I miss you" then binubura ko na kasi alam nyo na.. Part of the "moving on char" ko pero si ting ting..

"Okay lang naman achi cyd, medyo slow naman si ate kim, hindi nya maiisip na i miss you yung tinatype mo sa dulo." Sabi ni tin. Very comforting ting ting.. Super! -____- Eh pano pag hindi na siya slow?

"Gawan mo na lang ng paraan. Magaling ka namang mag-alibi eh!" Sabi naman ni Mok.

"Wow Mok ha. Medyo nadouble dead ako dyan ha." Biro ko.

"Kidding aside Cyd, anong plano mo? After this trip?" Seryosong tanong ni mok sakin. Bigla namang parang nag-shift bigla yung mood naming apat.

And like kay atingst kanina, hindi ko din sasabihin muna sa kanila. Whatever happens na lang. And sa totoo lang wala pa din naman akong concrete plan. Draft pa lang kumbaga.

"Well... You see, this will take time. Whatever happens, happens. And I'll just crossed the bridge when i get there. One step at a time." Sagot ko.

"Dami mong motto ate gurl. Pengeng isa. Gusto ko yung 'One step at a time'.. Rihanna feels te!" Sabi ni kianna. There's really no time to be sad with these girls. After the drama eto agad. Hahaha

"Loko mo!" Sabay hampas sa braso nya. My turn guyths.. My turn.. "Basta, let's just forget muna tomorrow. Balik manila na tayo ng monday morning kaya sulitin na natin. G?"

"G!" Sabay sabay nilang sabi after that, we decided na sleep na. Before ako tuluyang magapi ng antok, i looked at the message that tin accidentally sent to her. I deleted it. The whole convo. There is no holding back now. The memories will stay but i need to avoid every chance and every thing that could make me look back.

'Goodnight Kim..'

Otors Nowt: Heto na guyths. Sorna po at super late update. Kung may naghihintay man.. Hahaha I'll try to  update again tomorla. 😊 Happy Reading!

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon