And now, I am home. Yan ang nasa isip ko habang hinahanap ko sina ate. Can't believe pa din na i made such decisions. But then, andito na ko so might as well, enjoy di ba?
"Gomst!" Ayan na. Naririnig ko na sila. After ng ilang lingon, sa wakas, namataan ko na ang buong pamilya ko.
Yakap dito. Yakap doon. Sina ate naman, parang di ako nakita noong nakaraan. Hahaha
"Grabi lang mga atingst. Mas mahigpit pa yakap nyo kesa kay Mama eh siya ang matagal kong hindi nakita." Biro ko na ikinatawa naman namin.
"Eh syempre, palagi ka naming namimiss." Si ate tish na niyakap ulit ako. Talaga naman..
"Tara na sa bahay. Alam naman naming si ampi ang pinaka-miss mo." Yaya ni mama samin. Isang bag lang ang dala ko since may mga damit naman ako dito. Epic kung may maleta pa ako di ba?
Pagkasakay sa kotse tinanong agad ni mama kung anong plano kong gawin dito sa cebu. Siyempre una na don ang pagbisita kay papa. Pero after nun, wala pa akong naiisip pa ulit. Siguro, sa plantation bay. Bahala na nga lang. For sure marami naman akong magagawa dito sa cebu. This is my reward to my self. Kaya naman self, halika na!
Pagdating sa bahay, naka-abang na agad si ampi sa may pintuan. Agad ko siyang niyakap. "Oh ampi! You're so fluffy, im gonna die.." At nagpagulong gulong kami dun sa living room. Tawa naman ng tawa sila ate at mama na pinipiktyuran pala kami. 😂
"Bakit ka umuwi gomst?" Tanong bigla ni ate tish. Nakaupo na silang tatlo sa sofa. Napatigil naman ako sa panggigigil kay ampi sa tanong ni ate.
"Mag-unwind lang atingst. Katapos lang ng finals eh." At hininto ko na ang pagharot kay ampi. Mukhang may talk show na namang magaganap.
Pag-upo ko, nakita ko ang mapanuring mata nang dalawa kong sisteret. Alam kong hindi PA sila magsasalita o magkokomento sa sagot ko dahil andito pa si mama. Pero alam kong once naiwan ako sa kamay nilang dalawa, wala ng kawala ang beauty ko. Huhuhu
"Kumusta naman ang pag-aaral anak?" Tanong ni mama. Lumipat ako sa tabi nya, humiga sa sofa at pinatong ang ulo ko sa lap nya.
"Okay naman Ma. Kinakaya. Kayo? Kumusta dito? Di ka naman ba ini-stress ng dalawa kong kapatid?" Mama chuckled at nakita ko ang trademark naming dimples.
"Oyy Gomst, di kami pasaway no! Ikaw lang kaya ang pasaway dito." Sabi naman ni ate eshemee. Ha? Good gurl kaya ako.
"Good gurl kaya ako. Di ba Ma, good gurl ako?" Tiningnan ko si mama at tawa ng tawa.
"Good girl naman kayong tatlo." Ngiting tagumpay kaming tatlo sa sinabi ni mama. Wow! Good girl ang tatlong Cyd!!! "Pag tulog!" 😖
Nyew nyew nyew. Bully talaga tong si mama. May kasunod pa pala. Psh
"MA NAMAN!" Ayan, sigaw tuloy kaming tatlo.
Namiss ko to. At tingin ko, tama lang ang desisyon kong umuwi muna. It's refreshing. Yung ganitong set up. Me with my atingsts and mama. How i wish andito pa si papa though i know naman na he's in a good place na. Pero syempre, nakakamiss talaga.
Kwento to the max kaming apat sa living room. Inabot na ata kami ng lunch sa pagchichikahan. Napagusapan yung pagtatayo ng branch ng cydelicious, tapos biglang shift sa weekend getaway namin tapos biglang napunta na sa kung saan saang lugar sa philippines tapos biglang SG at iba pang lugar around the world tapos foods tapos volleyball at marami pang iba.
Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan namin, nagpaalam si mama at nagpunta sa kusina para magluto ng lunch. Namiss ko luto ni mama. Sa manila madalas puro sa fast food ang punta namin para kumain since kada kanto ata don ay meron. 😂
At nung naiwan kami dito ni mama, nakita ko ang mga evil grin nilang dalawa. 😰
Maaaa! Isama mo ako sa kusina!!!!
Tatayo sana ako para tumakas pero hindi ko keri ang powers nilang dalawa. Mabilis silang lumapit sa akin at they pinned me down sa sofa.
"At saan ka pupunta ha?" Tanong ni ate eshemee habang hawak hawak ang kamay ko.
Tiningnan ko si ate tish na nakahawak sa paa ko. "Kung nagbabalak kang tumakas, wag mo nang ituloy. Dahil pag ginawa mo yun.." Binitawan nya ang mga paa ko at pinakita ang mga daliri nya. "One hour kang tatawa dahil sa mga kiliti namin.." At tumawa silang dalawa. -___-
"Okay. Hindi na. Hindi na ako aalis." At niluwagan na nila ang hawak sa akin at naupo sa sahig habang ako ay sa sofa.
"Ayy taray. Film showing lang? Ako ang bida ganern? Kuha ako popcorn you like mga atingst?"
"Kwento na dali. Daming echoz." Okay.. Sabi ko nga eh. Magkukwento na nga eh.
"Ano bang gusto nyong ikwento ko mga atingst?" Tho alam ko namang tungkol sa lovelife ko ang gusto nilang ipakwento pero syempre baka nag-iba ang ihip ng hangin..
Teka. Ganun ba talaga ka-exciting ang lovelife ko at parang halos lahat sila ay nais malaman ito? Dahil ba eversince wala akong pinakilala? Sheeez. Eh wala naman talaga akong ipapakilala. Hindi pa naman ako nagkaboyfriend talaga.
Meron sana kaso naudlot. At hindi siya boyfriend. Hehehe
"Nyare sa inyo ni Kimmy? Bakit nakita ko may kasama na siyang iba?" Ayan na. Sinimulan na ni ate tish ang pagtatanong. Anong oras kaya matatapos magluto si mama?
"Alam nyo mga atingst, hindi ko din alam nung una kung anong nangyari at nagkaganun ang lahat. Basta ang alam ko lang dati, may something kami. Na may unawaan kami na we're more than friends. But then, i got busy sa acads. Siguro nawalan ako ng time sa kanya. I dont know. Feeling ko naman, okay kami that time at naiintindihan nya since naging busy din naman siya. Yun nga lang, hindi lang sa acads siya naging busy.." I laughed. That was supposed to be a joke pero seryoso lang silang dalawa na nakatingin sa akin. I laughed again. Sorna guyths. Ang kulit kasi ng itsura nila eh.. Hahahaha
"Tapos? Anyare?" Okay. Sabi ko nga eh, very attentive sila ngayon.
"So ayun, biglang nagkaroon ng mini get together sa condo ni mika-"
"Mini get together means..?" Putol ni ate tish sa kwento ko. Hehehe pinaganda ko na nga yung tawag napansin pa din. Lagot ako neto.
"Alam nyo na yun atingst. Tap--"
"Ano nga? Anong mini get together?" -___- si ate esh naman. Ayaw talaga palagpasin.
"Mini get together.. May mga pagkain.. Tapos inumin.. Ganun.. Mga lady spikers lang naman andun.." At nagsisimula na akong mapakamot.
"Inumin? Anong inumin? Juice?" -___- si ate tish naman parang di dumaan sa ganitong stage..
"May juice din naman.. Pero mas marami yung mga labels and the likes, ganun.." Cornered mga bes! CODE RED!
"So in short, inuman Dit? Inuman yung mini get together na yun?" Sabi ni ate tish at tumatango -tango pa siya. 😞
"E-eh parang ganun na nga atingst. Hehehehe" ✌✌✌
"Ayan. Malinaw na yung mini get together. Tuloy ang kwento!" -ate esh. -___-
"So ayun na nga, ang sungit sungit nya nung gabing yun--"
"Siya? You mean, si kim?" -ate esh
"Yep atingst. Sinungitan nya ako tapos nung nakausap ko sina ara at mika ang weird nila tapos si mok, nakausap ko at yun nga, kinuwento nya sakin yung nangyari. Kung bakit biglang nawala ako sa eksena. Kung bakit may Mela na.."
Otors Nowt: Sobrang daghang salamat sa pagbabasa ant pagvote guyths. Lash u all! Mwa
BINABASA MO ANG
Everything I Own
FanfictionNow serving: Another Hopia Mani Popcorn aka KimCy fanfic. Damay damay na to! Kaya natin to Hukbo! Our hopes are high din. Patawarin nyo na ako agad sa mga typo and gramatical errors.. Tao lang po.. Salamat! Happy reading! PS: salamat sa pix thealee...