At natapos ang buong araw ng linggo na wala kaming ginawa kundi maglangoy, magpicture at mag-enjoy. Sulit na sulit. Sinamahan kami ni vhernie na siyang naging official naming photographer.
Mabilis lumipas ang mga oras at eto na, back to reality na. Monday na ulit at kailangan na naming umalis.
Speaking of umalis, umalis sina ate kahapon para mag-site ng possible place para sa branch ng cydelicious. Gabi na din sila nakauwi.
Tamad na tamad pa kaming bumangon pero kailangan dahil may pasok pa kami mamayang tanghali at kung hindi pa kami kikilos ay maaabutan pa kami ng traffic jam. Monday pa naman ngayon.
Bago pumasok sa star toll, nagpa-full tank na muna ako. Kaya nauna na sina ate. Nagtext naman ako na sa manila na lang kami magkita.
Pagdating sa manila, wala na kaming naabutan sa bahay. Nagsipasukan na siguro. Naligo lang ulit tapos diretso na kami sa school. Sabay sabay na din kaming umalis.
Pagdating sa school, dumaan kami sa may henry sy hall at nakitang nakatambay doon ang mga team mates namin. Agad kaming lumapit sa kanila.
"Oh, nandito na pala ang mga bakasyonista. Musta batangas guys?" Bati agad samin ni carol.
Owkaaaay. Something's off. I can feel it.
Tiningnan ko si Kim, nagiwas siya ng tingin at tiningnan ang hawak na papel. Then si Ara sa tabi nya and she mouthed, 'tampururot..' gets ko na agad.
None of us answered carol. Isang maling salita lang ay baka may sumabog dito.
Wala din naman ng nagsalita sa iba pang naroroon.
"Achi Cyd, kunin na natin yung order natin na damit sa retikano. Nagtext sakin si Al, pwede na daw kunin." Sabi ni kianna. Buti naman at may ganito. Hindi ko na kayang magtagal pa sa napakatahimik na ambiance dito.
"Umorder din ako!" Excited na sabi ni tin.
"May bagong design ba? Sama ko, titingin ako." Sabi naman ni mok.
Kaya nagpaalam kami sa kanila. For sure naman, alam na din nila na may halong alibi na din to kasi wala sa mood yung isa. Mas magandang umiwas na agad.
"Uy bakit kayong apat na naman magkakasama? Anong monkey business nyo? Shaaaare!" Puna ni carol samin. Lumingon naman kami sa kanila at nakita kong tiningnan kami ni Kim bago nagiwas ulit ng tingin.
SRSLY? Carol? Hindi nakakatulong.. Pano ba mapipigilan tong si carolina?
"Gusto mo sumama Marcé?" Sana magandang plano to. Isama na lang siya kesa kung ano ano pang mapansin nya at lalong mag-alburuto ang maitim na bulkan sa tabi nya.
"Wag na. Baka makaistorbo pa ko sa MONKEY BUSINESS nyo! Sige lang. Alis na kayo. Pero sama ko sa next out of town ha!" Pagkasabi nun ay hinila na ako agad ni Mok at hindi na lumingon pa.
CAROL CERVEZA! Kakalbuhin kita mamaya!
"Si ate carol talaga. Minsan off yung banat nya ng mga lines. Kita ko mukha ni ate Kim, malala to." Sabi ni Tin habang naglalakad kami.
"Sus! Onting lambing lang ni Ate gurl, tiklop agad si boss nyan." Kianna teased me sabay pindot sa braso ko.
"Iba na ngayon gurl. Nasa moving on stage na ako. Char!" Namiss ko magsabi nun. Ng char..
"Char daw. If i know.." Biro ni Mok. Oo na. Ako na nagmo-move on.. Ako na sawi..
At natapos ang school hours ng hindi kami nagkikibuan ni Kim. Kahit sa bahay. Ayaw ko namang paabutin ng ilang araw to kaya minabuti ko ng kausapin siya kinagabihan.
Pagpunta ko sa room nila andun sina kianna, nakikipagkulitan sa kanya. Bakit ganon? Ako lang di nya pinapansin?
Tawang tawa siya sa kung anong ginagawa ni kianna pero ng makita niya ako, nakita ko naman kung paanong nawala ang gilagid nya dahil sa pagsimangot nya. Okay.. This will be a veeeerrrryyyy loooooong night..
Patience Thealee..
Espirito ng pasensya, please, saniban mo ako! Ngayon din!
And siguro, alam na nila na gusto kong makausap si Creature kaya isa isa na silang nawala sa eksena.
Buti naman at hindi siya lumabas. Nagpapalambing nga to!
"Kiiimmy.. Sorna." Sabi ko as i move closer to her.
"........." No response.
"Biglaan lang talaga yung trip." Sabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Bigla nyang nilabas ang phone nya at nakita kong inopen nya ang gallery nya.
And then she opened a very familliar picture.
Picture ng apat na babaeng nakatalikod habang nakaupo sa sand at nakaharap sa dagat.
Iniharap nya sakin ang phone nya.
"Biglaan?" Tanong nya.
"Oo. Biglang nagyaya sina atingst nung sabado." Sagot ko agad.
"Biglaan pero suot nyo ang paborito nyong bikini? Really Cyd? Biglaan?"
Ay shunga.
Anune? Speechless ang lowla nyo.
Eh bakit ba naman kasi yun yung suot namin.
Eh bakit ba siya may picture nito? San nya nakuha to? Nagpost na ba sila? Ang usapan sa isang araw pa magpopost eh..
"Oh, bakit di ka makasalita?" Then she smirked. I hate it everytime she smirk. Bakit? Wala lang. Basta hate ko lang.
"Bakit ang gwapo mo today kahit nagsusungit ka?" Hindi madaan sa magandang usapan pwes daanin sa lambingan.
"Not working Cyd." Ayy. Pahiya ako onti. Di na pala gumagana yun. Sorry naman. Wa epek na nga pala ang beauty ko. Psh. "Kung hindi pa nagpost si vhernie at kung di pa nagreply sakin si Mok hindi ko malalaman na nasa batangas kayo." So si vhernie pala ang salarin.
Pero medyo naiinis na din ako. Ano bang ipinuputok ng butse nya? Eh hindi naman talaga siya makakasama in the first place kasi nga di ba magkikita sila ni mela ung umalis kami..
Kaya sa inis hindi ko na napigilang magtaas ng boses..
"You want the truth? Fine! Atingst set that trip. She asked me if i want to go out of town last friday, kianna and mok read the text and they want to come so G lang. Tin came also coz i told her about the trip. Happy?" Yan na. Sinabi ko na. Sana naman wala na yung tampo echoz nya.
"So you lied to me? Sabi mo nagpapasundo lang si Ate cyd sa airport? Ano pa? Ano pang hindi mo sinasabi? Ano pa cyd?"
Ano bang pinaglalaban nya talaga?
"Am i obligued to tell you everything? Do i need to? Kasi if i remember it right, ikaw itong unang naglihim." Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi nya siguro inaasahan. Ako din eh, hindi ko din inaasahan na masasabi ko yun. Bugso ng damdamin i guess.
"Know what? Let's stop this nonsense fight. Sorry if i lied about the trip. Sorry kung hindi ko sinabi na pupunta kaming batangas. I needed that trip. At pagod na ako. Pagod ka na din. Magpahinga na tayo. Goodnight Kim." Hindi ko na siya hinayaang magsalita at lumabas na ako agad ng kwarto.
We had a row. Ilan pa ba ang susunod? Hindi ito maganda lalo at palapit na ulit ang training day. I need to keep my shit together again.
What now Didit?
Otors Nowt : patawad kahapon. Nagkabisita sa bahay. 😅 happy reading!

BINABASA MO ANG
Everything I Own
FanfictionNow serving: Another Hopia Mani Popcorn aka KimCy fanfic. Damay damay na to! Kaya natin to Hukbo! Our hopes are high din. Patawarin nyo na ako agad sa mga typo and gramatical errors.. Tao lang po.. Salamat! Happy reading! PS: salamat sa pix thealee...