Dahil sa naging paguusap namin na iyon, civil na kami ni Kim sa isa't isa. Hindi pa din tulad dati and i dont think maibabalik pa yun. The clin-gee-ness and all.
Days passed , weeks and month. Yes , a month had quickly passed. Ber season na next month. And lapit na exams. Cram dito. Cram doon. Gulay.. Sakit sa bangs!
"Achi cyd, peram laptop! Naiwan ko sa locker yung akin." Sabi ni Ara nung pumasok ako sa bahay. Kakadating ko lang galing school.
"Dapat kinuha mo na sa cabinet, hinintay mo pa ako." Sagot ko as i rest on the sofa. Kapoy jud!
"Eh baka kasi may tinatago ka don na kailangan mo pang idelete. Something that could make me scream in surp.. Ouch!" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at binato ko na siya ng pillow ni dawn na nasa sofa.
"Loko ka! Wala noh! Gaya mo ako sayo!" Sabi ko. Baliw talaga to. Kinuha nya yung pillow at binato sakin. Nasalo ko naman ito.
"Ay, malinis laptop ko achi. Tanungin mo pa si Kim!" Sagot niya at biglang bumukas ang pintuan.
Speaking of the devil.
"Bakit naririnig ko ang pangalan ko? Ano na naman Galang?" She sound so tired. Inayos ko na ang gamit ko na basta ko na lang pinatong sa mesa.
"Wala Fajardo! Wala ka na dun! Salamat achi cyd!" Sabay takbo paakyat ng hagdan.
Nakatayo lang si kim doon sa likod ng pintuan. May kailangan ba siya? So i looked at her. Para siyang nagulat na ewan kaya natawa naman ako.
"May kailangan ka?" Tanong ko. Ito sa tingin ko ang unang pagkakataon sa loob ng isang buwan na maguusap kami ng kaming dalawa lang. Salamat sa aking mga angel in disguise. And if ever na maiiwan o nagkakasabay kami ako na lang yung umiiwas. But not now. Hindi na siguro kailangan.
And if you're wondering kung kumsta mga trainings namin nitong mga nakaraan, doon walang ilangan. Walang iwasan. Hindi dapat isali sa training ang personal feelings.
"Ah wala. Pwede bang dito muna din ako? Mainit kasi sa taas." Tanong niya. Para kaming bagong magkakilala na nagpapakiramdaman sa isat isa.
"Sure. Dito ka na sa mahabang sofa. Lipat na lang ako para makatulog ka." Sabi ko at lumipat sa katabing single sofa.
Nahiga naman siya agad. Hindi pa nya tinangal ang sapatos nya.
"Sapatos mo oy! Makita ka ni Mother Mowky, lagot ka dun!" Babala ko sa kanya. Agad naman siyang umupo at nagtanggal ng sapatos.
Nagsimula na akong magbasa ng reviewers ko. Kalurkey. Ano bang uunahin ko..
"May biogesic ka ba?" Kumunot ang noo ko sa kanya. May sakit pala hindi nagsasabi kanina pa.
"Meron ata sa Medicine cabinet." Nang akmang tatayo siya ay tumayo na ako. "Ako na. Mahiga ka na lang diyan." Sabi ko at nagpunta sa kusina kung saan nakasabit ang medicine cabinet. Iba na talaga pag may doctor sa tropa.
Nagsalin na din ako ng tubig sa baso. Alangan namang laway laway lang di ba?
Pagdating ko sa sala nakaupo na siya at nakatulala. Binuksan ko na ang biogesic bago ko inabot sa kanya. Nang maisubo nya ang gamot, inabot ko ang baso ng tubig.
At nung kinukuha na niya ang baso, siya namang pagbukas ng pinto. Siyempre lumingon kaming dalawa para tingnan kung sinong dumating. At complete attendance ata ang lady spikers sa labas. Minus kaming dalawa at si ara na nasa taas.
Naramdaman kong nawala ang baso sa kamay ko. Pagtingin ko, umiinom na siya. Lumingon ulit ako sa kanila.
Hindi pa din sila pumapasok. Nakatingin lang sila samin ni kim.
BINABASA MO ANG
Everything I Own
FanfictionNow serving: Another Hopia Mani Popcorn aka KimCy fanfic. Damay damay na to! Kaya natin to Hukbo! Our hopes are high din. Patawarin nyo na ako agad sa mga typo and gramatical errors.. Tao lang po.. Salamat! Happy reading! PS: salamat sa pix thealee...