Tuesday 8:00 AM
"Ma! Alis na po ako." Paalam ni kuya Klaus habang inaayos pa ang necktie niya, yung iba naman ay kumakain pa kasi mamayang 9 pa daw ang klase nila.
Habang ako, naka upo lang dito sa sala at inaayos yung mga gamit ko sa training. Homeschooled kasi ako, bakit? Dahil baka daw may kung anong gawin yung mga studyante sakin.
16 pa kasi ako, so may chance na magkaroon pa ako. Dahil kung maging adult na ako, isa na ako sa mga sinumpa.
Sumpa ang tawag doon dahil sa sinaunang istorya na tungkol sa isang deity o dyosa na nakatira dito sa Veriola, she has the ability to erase the ability of others. At isang araw, ang kanyang minamahal ay iniwan siya, nasaktan siya ng sobra at nagawa niyang rumebelde sa kanyang sariling lugar.
Pilit niyang hinanap ang babaeng pinalit ng kanyang minamahal, at kung sino man ang humaharang sakanya, ginagamit niya ang kanyang abilidad sa mga ito.
Halos kalahati ng populasyon ng Veriola ay nawalan ng abilidad, at isa na doon ang tito ko. Ang kapatid ni mama.
At dahil nga natatawag itong sumpa, napapasa rin ito sa iba't ibang henerasyon. Hindi man ito mismong sinasabi nina mama, pero handa na akong tanggapin na isa ako sa mga sinumpa.
Labing anim na taon na akong ganito, at hindi naman ako ganoon ka tanga para mangarap parin na magkakaabilidad pa ako. Kaya hangga't wala pa akong 'non, hindi pa dapat ako lumabas labas sa bahay.
Nagulat ako nang biglang umupo sa tabi ko si kuya Henry. "Hey there li'l sis, musta yung training?" Tanong niya habang nagsusuot ng sapatos,
"Hmm, improving I think?" Sabi ko naman.
"Eh pano kaya kung mag-aral ka nalang sa school namin?" Napatingin ako sakanya.
"Psst! Henry, ano ka ba!" Suway ni ate Kerry sakanya, napayuko ako. That's what I want too, kuya.
"Uhm..I-I just wanted the best for her. At hindi ko naman hahayaang may manakit sa kapatid ko, I would make them fly until they reach mars." Napangiti ako, kahit ano talagang sabihin ni kuya Henry napapangiti ako.
"But it's not just our schoolmates who will hurt our sister, Henry. The councils will." Paliwanag ni ate Kerry.
She's right, kinukuha ng councils ang mga sinumpa at may gagawin sila sa mga ito at hindi na sila makakabalik pa sa kanilang pamilya.
"Okay lang ako dito kuya, 'wag kang mag-alala." Nakangiti kong sabi sakanya, napabuntong hininga nalang si kuya Henry sabay tapik ng balikat ko.
Hinalikan muna ako sa pisnge ni ate Kerry bago siya lumabas, nagpaalam lang naman saakin sina kuya Henry at baby Howard bago sila sumunod kay ate Kerry.
"Clara, my princess. Tara na?" Yaya sakin ni Papa, tumango naman ako at isa isang dinala yung mga armas ko. Ibang kagubatan nanaman yung pinuntahan namin, hindi ko pamilyar 'tong gubat na ito kaya baka mahirap ang mission namin ngayon.
"Try to find me again, okay? Ikalawa ulit ako magshishift ngayon kaya dapat mabilis ka nanaman." Tumango tango lang ako habang hinahanda yung palaso ko.
"You just have 10 minutes to find me, you ready?" Tumango ulit ako. Nagsimula nang tumakbo si papa kaya hinabol ko siya, nawala siya agad sa paningin ko kasi baka naging ahas siya or ibon.
Takbo lang ako ng takbo pero napatigil ako nang may marinig akong mga boses sa di kalayuan, pinakinggan ko muna ang paligid bago ako lumapit doon.
Boses ng babae at lalaki, parang nagaaway sila. Umakyat ako sa isa sa mga puno at nakita ko nga mula doon ang dalawang nilalang na naguusap.
"Sabi mo hiwalay na tayo, eh ba't mo nanaman ako dinala dito?" Galit na sabi nung babae, ang napansin ko sakanya ay ang mahaba niyang buhok. Ang sa lalaki naman ay yung metal niyang kamay.
"Hindi ko sinabing hiwalay na tayo, sabi ko COOL OFF." Galit rin na sagot nung lalaki, pero nagulat ako nang biglang tumingin siya sakin. Kapansin pansin pala ako dito?
"Hoy ikaw! Anong ginagawa mo dyan? Bumaba ka dito!" Sigaw nung lalaki sakin, napa buntong hininga naman ako at sumunod sa sinabi niya.
"Anong ginagawa mo sa taas, ha? Naninilip ka ba samin? Nakikinig ka ba sa pinaguusapan namin?" Kunot noo niyang tanong sabay lapit sakin.
Kasing tangkad ko lang siya at parang kasing edad ko lang rin, naka uniform siya na pareha kina kuya Henry pero wala siyang ID na suot. Ang babae naman ay mas maliit saakin at sobrang haba ng itim niyang buhok.
"Ang ingay ingay niyo kasi kaya hindi ko napigilang lumapit sa kinaroroonan niyo." Kalmado kong sagot, mas lalo naman siyang nainis sa sinagot ko.
Akmang sasampalin sana niya ako gamit ang metal niyang kamay pero sinagang yun ng babae gamit ang....buhok niya? Ah! Prehensile hair!
"Kung nananakit ka pala ng babae, mabuti pang maghiwalay na nga tayo." Sabi nito, gulat namang lumingon ang lalaki sakanya.
"Tsk! Edi sige! Maghiwalay na tayo, wala ka rin namang kwentang jowa." Nagtagpo agad ang kilay ko sa sinabi niya, humarap ako sa kanya at humalukipkip. Ang kapal rin naman pala ng mukha nito, e. Magsasalita na sana ako nung biglang naging parang kutsilyo ang kamay ko.
"Teka, p-paano mo nagawa yan?!" Hindi ako nakasagot sa tanong niya, nakatulala lang akong nakatitig sa kamay ko.
"Pero, h-hindi...ako lang ang..." Tumakbo ako papalayo sakanila hanggang sa umabot ako sa isang ilog, binasa ko ang kamay ko at hindi parin ito nawawala.
"Clara? Anak, lumipas na ang sampung minuto hindi mo parin ako--" Hindi natuloy ni papa ang sinabi niya nang makita niya akong umiiyak, agad siyang lumapit sakin at mas nagulat siya nung makita niya ang kamay ko.
"Pa...."
♛♛
Naghanda ng engrandeng hapunan si mama nung malaman niya ang nangyari, tinutulungan siya nina ate Kerry at kuya Klaus. Tutulong sana ako sakanila pero sabi nila 'wag nalang daw at magrelax nalang daw muna ako, kaya umakyat nalang ako sa taas at nagsimulang basahin ang handbook na naka patong sa side table ko.
Handbook yun ng papasukan ko na school, doon rin nag aaral si kuya Henry at ate Kerry kaya parang kampante pa ako.
4th year highschool na ako habang senior high naman silang dalawa, si baby Howard naman grade 3 kaya sa ibang school siya nagaaral, si kuya Klaus pa yung nagtatrabaho saamin.
'Hothorn Academy' ang pangalan ng eskwelahan. Sa nakikita ko dito sa handbook, malalaki yung mga buildings tas maraming mga bulaklak. Maganda naman siya, maganda din sana yung ugali ng mga studyante.
"Excited ka na ba pumasok next week?" Nakapasok na pala si kuya Klaus sa kwarto ko.
"Hmm, not really, to be honest." Nagtaka siya sa sinagot ko, umupo siya sa tabi ko sabay akbay saakin.
"Bakit naman? Nandoon naman sina Kerry at Henry para bantayan ka, at isa kang Dawson, no one would dare hurt a Dawson like you." Sabi niya, umiling ako.
"Eh pano kung hindi ko 'to mapigilan? Baka ako pa ang makasakit sakanila." Hindi ko nga namalayan na naging parang isang blade na ang isang daliri ko.
"Then let's control it, I know you're strong and witty Clara. You can do anything." Napatingin ako sakanya at napangiti, "I promise you, the 10 years of your training will be worth it." Habol niya pa sabay ngiti.
"Halika na, kain na tayo. Masarap yun dahil tumulong ako, hehe." Tumango lang ako at tinago ko ang handbook sa drawer.
Sana nga worth it yung sampung taon na pagsasanay ko.
Itutuloy....

BINABASA MO ANG
Am I Cursed?
Fantasyon December 31st A girl named Clara was born in an extramundane world called Veriola and the people living there are called Vighties. Being born in a family known for being one of the most powerful vighties made Clara confused as to why she seems to...