Cursed 5

83 7 0
                                    

10:00 AM

Sunod sunod ang tanong nila tungkol sa pamilya namin at parang hindi sila nauubusan, tinanong nila ako simula taga saan ako, ilang taon na si ate Kerry, at kung may jowa ba si ate Kerry, hindi ko nga rin alam kung bakit tinanong yun ni Magnus.

"But here's the real question, ilang taon ka na nung nalaman mo ang ability mo?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong na iyon ni Magnus at nakayuko lang ako habang nilalaro ang kamay ko.

"Why do you want to know that?" Naguluhan naman sila sa tinanong ko.

"Uhm, dahil baka magkapareho tayo ng edad nun at baka soulmate pala tayo, diba?" Nakangisi nitong sabi kay Ezekiel sabay siko nito, kumunot ang noo ko, ang babaw naman.

"Ms. Dawson?" Hindi natuloy ang interview nila nung may tumawag sakin galing sa labas, sabay naming nilingon si Sir Herman na naka dungaw sa pinto.

"Can you come with me please?" Nagtinginan naman ang dalawang nasa harap ko sabay tingin sakin, ngumiting aso silang dalawa bago ako tumayo at sumunod kay sir Herman.

Ba't parang kinakabahan sila para sakin? Phew, buti nalang naiwasan ko yung tanong na yun. Napansin ko rin ang mga titig ng mga studyante sabay bulong, ano bang problema ng mga 'to? Para kasing ang laki ng galit nila sakin, eh.

Pagdating namin sa office ni Sir Herman, napansin ko agad ang babae na nakaupo sa sofa malapit sa coffee machine. Mga nasa early 40s na siya pero maganda parin ang hubog ng katawan niya at makinis parin ang mukha niya, ngumiti siya agad sakin nung makita niya akong pumasok bago niya ininom ang kanyang tsaa tas tumayo.

"Ms. Dawson! Pleasure to meet you, I'm Priscilla Mendel." Bati niya sakin sabay abot ng kamay niya, tinanggap ko naman yun at pinilit ngumiti.

"She's my wife, and she is also a professor here in Hothorn Academy." Paliwanag ni sir Herman kaya napatingin ako sakanya, may asawa pala si sir Herman? 

"I know right, hindi ko rin inakala na magkaka asawa akong ganyan ka ganda." Napangiti ako sa sinabi ni Sir, para kasing nabasa niya ang isip ko.

"Anyway, nandito tayo ngayon ng dahil sa sinabi ni Sir Tonner sakin. Nagalaw mo raw ang upuan niya na nilagyan niya ng kakaibang lakas, was that true?" Really? Dumating talaga kay Sir Herman ang isyung yun?

"Big deal po ba talaga yun?" Nagtataka kong tanong.

"Of course, Clara. Walang kahit nino man ang nakagalaw ng upuan na 'yon maliban kay sir Tonner mismo." Nakangiti paring paliwanag ni Mrs. Priscilla,

"So, what does that mean?" Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa 'yon, may iba pa siguro akong abilidad.

"At sabi ni Herman sakin, na ang ability mo raw ay 'Organic Constructs'?" Tanong naman ni Mrs. Priscilla sakin, tumango naman ako bilang sagot.

"Hindi mo ba alam na abilidad ito ni Mr. Clide? At sigurado akong alam mo na kung kailan nasa iba na ang abilidad ng isang vighty, ibig sabihin nito ay patay na siya pero wala naman kaming natanggap na balita tungkol sa pagkamatay niya at isang linggo narin siyang hindi pumapasok." Clide? Narinig ko na ang pangalan na 'yon kanina, at kung siya nga ay may ganito ring abilidad, ibig sabihin siya yung lalaki na may kasamang babae nung araw na nagkaroon ako. 

"Do you know him?"

"Yes, I guess."

Nagkatinginan silang dalawa sa sinagot ko, "You're not sure, have you met him?" Tanong naman ito ni Sir Herman, tumango ulit ako bilang sagot.

Nagtuloy tuloy yung tanong nila pero hindi ko parin maintindihan kung bakit nila ito ginagawa, hindi ba pwedeng baka hindi ginamit ni sir Tonner yung ability niya doon sa upuan at timing lang na nabangga ko at coincidence lang yung pagkapareho nung abilidad ni Clide sa abilidad ko? They're digging these kind of stuff too much.

"Can you show us your ability?" Yun ang panghuling tanong nila at sumunod naman ako, ginawa kong patalim yung buong braso ko at nakita ko ang pagkamangha sa mga mata nila.

"Thank you Ms. Clara, nice meeting you again." Nakangiting paalam ni Mrs. Priscilla at sinabayan niya akong lumabas sa opisina ni Sir Tonner, nagbow naman muna ako sakanilang dalawa bago ako tuluyang umalis. 

Kahit hindi ko naintindihan ang nangyayari, nagisip parin ako ng malalim. Nagtataka narin ako kung bakit nagagawa ko ang mga bagay na iyon, pero dahil nga puno ng tanong ang isip ko nakabangga nanaman ako.

Pero this time, tao na. At nung nabangga ko siya, nahulog ang mga libro niya. "Sorry--" Kukunin ko na sana yun nung nakita kong lumutang ito, nagulat rin ang babae sa nangyari kaya nagtaka ako.

Telekinesis? "Uhm, akala ko ba organic constructs ang ability mo?" Napatingin ako sa babae na nabangga ko at nakilala ko siya agad dahil sa curly hair niya, kaklase ko pala 'to.

"Hindi ba ikaw ang gumawa niyan?" Gulat kong tanong, umiling naman siya. Nagulat nalang ako nung bumagsak ulit ang mga libro, tinulungan ko nalang ulit siyang kunin ang mga 'yon bago ako naglakad paalis. 

Telekinesis is my mother's ability, pero ano ang nangyari kanina? Sabi naman nung babae na hindi daw siya ang gumawa nun, impossible rin naman kung ako diba?

Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako at agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Mama, pero mas lalong kumabog ang dibdib ko nang walang sumagot. 

Nagmadali akong naglakad pabalik sa room at nandoon pa sina Ezekiel at Magnus, hindi ko sila pinansin at sinukbit ko lang yung bag ko saka ako lumabas ulit.

"Oh, Clara! Buti naman nakabalik--" Yun lang ang narinig kong sinabi ni Magnus bago ako tuluyang lumayo.

•。❀。•

10:34 AM

Nagtaxi nalang ako pauwi sa bahay at pagdating ko naman ay hindi naka-on yung light namin sa labas, ibig sabihin walang tao sa loob. Lagi kasi namin yung ino-on kapag nasa bahay kami kahit na umaga pa.

Pagpasok ko sa bahay, ang dilim ng sala at parang ang tahimik. Dumeretso agad ako sa master's bedroom para icheck kung nandoon si Mama at ang nakita ko lang doon ay ang aso namin na si Chee-chee, pumunta rin ako sa kitchen at sobrang dumi nito tignan kasi hindi pa nahugasan ang mga pinggan.

Pumunta ako sa hardin namin na nasa likod lang ng bahay at kung wala parin doon si Mama, tatawagan ko na sina Papa. Si Mama kasi ang pinakaunang umuuwi sa aming lahat, at ang una niyang gagawin ay i-on yung light sa labas tas manghuhugas siya ng pinggan gamit ang abilidad niya. 

"Ma? Asan ka?" Tawag ko nung lumabas ako sa likuran, walang sumagot kaya lumapit pa ako sa mga taniman namin na mga bulaklak.

"Mama? Nandito ka ba?" Nagsisimula na akong mainis kaya mas lumapit pa ako, at nung nasa pinakalikod na ako nakita ko doon sa may koi pond si Mama na nakatayo at nakatingin lang siya mga alagang koi namin.

"Ma! Kanina pa kita tinatawag." Sabi ko, lumingon naman siya sakin tsaka ngumiti. "Oh! Nakauwi ka na pala anak, kamusta yung first day?" Bati niya sakin, ngumiti naman ako tsaka tumango.

"Halika, maupo muna tayo dito." Sabi niya tas pumunta kami doon sa may sala sala na ginawa ni Papa para samin. "Hindi mo kasi pinaandar yung ilaw sa labas, tas hindi mo rin nahugasan yung pinggan kaya nagalala ako. Akala ko kasi hindi ka pa umuuwi." Paliwanag ko, ngumiti naman siya saka niya ako inakbayan tas hinalikan sa ulo. 

"Pasensya na anak, matagal na rin kasi nung hindi ko na napapakain yung mga koi natin. Namiss ko rin tumambay dito nung mga bata pa kayo, naalala mo yun?" Tumango naman ako bilang sagot sabay ngiti, tinanaw ko ulit yung backyard namin at sobrang ganda talaga nito.

Ang laki kasi ng space ng lupa namin kaya hindi namin alam kung anong ilalagay sa likuran, nakaisip naman kaming lagyan ng maliit na hardin, koi pond tas sala. 

"Ma, are you okay?" Naguluhan naman siya sa tinanong ko, tumawa muna siya bago sumagot. "Bakit, mukha na ba akong masakitin?" Umiling naman ako agad tsaka ako kumalas sa pagkakaakbay niya. 

"Something actually happened earlier......"

To be continued...

Am I Cursed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon