Cursed 18

11 0 0
                                        

Friday 7:30 PM

......

"How many days?" tanong ni kuya Klaus habang naglalaro kami ng chess sa living room. Nakaupo naman sina ate Kerry, kuya Henry at baby Howard sa sofa at nanunood ng Harry Potter sa tv.

"5 days kuya, monday to friday. Kaming mga Elysians at professors lang ang dapat sumama." sagot ko.

"Hindi ba ako pwedeng sumama?" tanong niya bigla kaya napakunot ang noo ko. Tumingin ako sakanya at nakanguso na siya ngayon habang nakatingin sa chess board.

"Wala ka bang tiwala saakin, kuya?" taas kilay kong tanong tsaka ako gumawa ng move para checkmate na. Mas lalo siyang ngumuso tas nagbuntong hininga pa.

"Natalo mo na nga ako, hindi mo pa ako isasama sa camping niyo. Hahayst. Gusto ko lang naman kasing siguraduhin na ligtas ka 'don. Malay mo may masamang mangyari tas wala ako--"

"Yan ba talaga ang dahilan o gusto mo lang talaga makita si Mira?" singit bigla ni ate Kerry na nagpatigil saaming lahat lalong lalo na si kuya. Kumibit balikat lang si ate Kerry habang si kuya Henry ay nagpipigil na ng tawa, ang walang alam naman na si Howard ay patuloy parin sa panunood.

"That's what I thought." bulong ko habang nililigpit ang chess na ginamit namin. Napatikhim si kuya Klaus at hindi nalang nagsalita, dahil totoo naman ang sinabi ni ate Kerry.

Tama nga ako, mag ex si kuya Klaus at miss Mira kaya parang awkward yung last interaction nilang dalawa. Hindi pa ata nakakamove on si kuya kaya ganito siya umasta ngayon.

"Ahem, makati ata lalamunan ko. Kuha muna ako ng tubig." paalam ni kuya sabay tayo. Nilakihan pa niya ng mata si ate Kerry pero ngisi lang ang sinagot nito.

Matapos ang movie date naming magkakapatid, nagdesisyon silang gumala raw kami since wala raw ako sa bahay ng ilang araw. Ang oa nga e, kala mo kung asan ako pupunta.

"Ate, can you help me?" tanong saakin ni Howard sabay abot ng kamay niya saakin. Pinapatupi niya 'yong sleeves ng suot niyang sweat shirt kaya agad akong lumapit.

Tinupi ko 'yon hanggang sa siko niya bago siya sinabihang pumunta na kay mama para makaalis na kami agad, ako naman ay bumalik pa sa kwarto para kunin ang phone at earphones ko.

"Clara, bilisan mo dyan aalis na tayo!" rinig kong sabi ni kuya Henry at naramdaman ko pa ang malakas na hampas ng hangin.

"Coming!" sigaw ko pabalik at dali daling bumaba. Nasa sasakyan na pala sila lahat at ako nalang ang hinihintay.

Pupunta raw kami sa malapit na old library at museum dito sa subdivision namin. My mom is a fan of old stuff and especially historical books, my dad loves mom so he just goes with it.

Nakuha ko rin ang pagka hilig sa pagbabasa at pagaral ng mga bagay bagay kay mama, habang ang mga bagay na ginagamitan ng katawan naman ay kay papa. My siblings just loves going out so they weren't complaining at all.

"We're here!" anunsyo ni Papa. Dumungaw muna ako sa bintana ng sasakyan at bumungad saakin ang isang napakalaking building na may nakapaskil na 'Veriola's Gallery' sa gitna nito.

Hindi masyadong marami ang mga tao sa paligid kaya madali lang rin kaming nakapasok.

They were people following us with their eyes while we walk inside the gallery, it's either they know us or they're just not used to seeing a whole family in a museum. Mom and dad was just casually talking while leading us in front while us kids are stalking them from behind, roaming our eyes around the place.

Am I Cursed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon