Monday 5:00 pm
Ganoon nga ang nangyari, dinala nila ako sa isang napakalawak na soccer field na malapit lang sa bahay namin. Walang tao sa paligid kaya todo sigaw na si Magnus at kung ano ano na ang sinasabi.
"Yes! We can finally show our abilities without thinking about some guidelines and parents who will stop us! Wahh!" Parang nakalabas sa hawlang sabi niya.
He started roaming around the field, totally ignoring our presence. I was also about to follow him when he suddenly multiplied....there are a total of 5 Magnus around now.
"Ay, oo nga pala. That's his ability, replication or making clones of his self." Natatawang singit bigla ni Ezekiel sa tabi ko na para bang napaka normal nito. Mangha parin akong pinapanuod si Magnus na nakipaglaro ng bato bato pick sa sarili niya.
Hahak ang cool!
"Kiel, where's the food?" Tanong ni Alaina kay Ezekiel sabay lahad ng kamay niya.
"May dala kayong food?" Nagtataka 'kong tanong. Tumango lang si Ezekiel bilang sagot.
"You had the time to prepare food?!" 'Di makapaniwalang tanong ko pa. Akala ko ba trip trip lang 'to?
They didn't even bother answering me. Ano? Hindi nalang ba nila ako papansinin dito?
"Ezekiel! Sasagutin mo'ko o sasagutin mo'ko?" Agad siyang napalingon saakin nang bigla akong suminghal sakanya. Ilang minuto muna siyang tumitig saakin bago siya tumawa.
"Hey, chill. Oo na ipapakita ko na sayo." I almost rolled my eyes when he said that. He heaved a sigh before forming a circle using his hands and a big ass black hole suddenly came out of nowhere.
"Woah." He smirked when he saw my reaction, yabang rin pala nito.
"Cool, right? I told you this is gonna be fun." Sabi ni Alaina sabay akbay saakin. Tumango lang ako habang nakatulala paring nakatingin sa ginawa ni Ezekiel.
"Wanna come?" Aya niya. Pabaling baling ang tingin ko sakanya at sa black hole na gawa niya. Lumingon ako kay Alaina and I was silently asking for her help, I don't know if that's a good idea kasi.Nagkibit balikat lang si Alaina tas marahan niya akong tinulak palapit kay Ezekiel.
"You don't trust me? Ouch." Nakapout na sabi niya sabay hawak sa dibdib niya.
"Just get the food, Kiel. Landi mo talaga." Pangaasar ng isang Magnus. Lumingon ako sakanya at ganoon din siya saakin, hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya ngumiti nalang ako sakanya.
"Hahaha! Hey, ako parin 'to 'wag ka mag aalala." I sighed in relief, akala ko pa naman iba ang attitude every replica niya.
Dala dala na ni Ezekiel ang isang basket nang lumingon ulit ako sakanya, binigay niya 'yon kay Alaina tas bigla ring naglabas ng cloth si Magnus at nilatag 'yon sa grass field.
I've never had a picnic at 5 pm but it's fine, the sun is still setting anyway.
Pinanuod ko lang silang mag ready sa picnic kuno namin at feel ko madalas na nila 'tong ginagawa, maybe they were already that close even before I came.
"Halika ka na dito, Clara. We have so much to talk about so might as well get started!" Excited na sabi ni Magnus at hinila ako paupo sa cloth at ganoon din sila.
"Let's take a picture!" Sabi ni Alaina sabay labas ng cellphone niya, I just smiled at the camera not knowing what else to do.
Nagsimula narin kaming kumain at ang rami pala ng dala nila, they really had the time to prepare these much of food. Like they were always ready for this day to come.
"Let's play truth or dare." Napalingon kami kay Magnus nang nagsalita siya bigla.
"Sure, what's the rule?" Pagsangayon ni Alaina at umayos ng upo. Kumuha siya ng plastic bottle sa basket at nilagay 'yon sa tapat namin.
"Forehead slap if you won't do the dare and tell the truth." Paliwanag niya, tumango tango naman ako sabay subo ng strawberry. Sana naman mild lang ang ipapagawa at itatanong nila.
The bottle started spinning at huminto 'yon kay.....Alaina.
"Dare!" Confident niyang sagot sabay hair flip kaya napatawa ako. Lumingon ako kay Ezekiel nang maramdaman ko ang titig niya sakin, ngumiti lang rin siya sakin sabay iwas ng tingin kaya hindi ko nalang 'yon pinansin.
We were sitting in a cirlce, nasa kanang side ko siya habang nasa kaliwa ko si Alaina. Nasa harap naman namin naka upo si Magnus.
"Show us your ability! Medyo matagal tagal narin nung last time na nakita ko 'yon!" I got back to my senses when Magnus said that. Oo nga pala, hindi ko pa nakikita ang ability ni Alaina.
"Are you sure? Baka kung anong masama ang mangyari." Nagdadalawang isip na sabi ni Alaina sabay tingin sa paligid.
"Don't worry. If something happens, we'll leave." Sabi naman ni Ezekiel at gumawa siya ng maliit na portal gamit ang daliri niya.
Alaina heaved a deep sigh then she stood up, I was busy watching her get ready kaya hindi ko napansin na tinatakpan na pala nila Magnus at Ezekiel ang ilong at bibig nila.
That's why when Alaina suddenly released white smoke around, I was dumbfounded. What's happening? The smoke totally covered the whole area kaya wala na akong makita.
Ilang segundo ang nagtagal hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni Ezekiel na may cloth at tinakpan niya rin ang bibig at ilong ko, he was already wearing a mask kaya napakunot ang noo ko.
He was also wondering why I didn't cover my face, I can see the confusion in his eyes.
Nawala rin naman ang usok kaya binitawan na niya ako. He got back to his position earlier like nothing happened. Ako naman ay pinipigilan ang sariling magtanong sakanya kasi halata na ayaw niya 'yong pagusapan.
"Oops, look!" Lumingon kami kay Magnus nang tinuro niya ang likod namin.
And I felt like my stomach turned upside down and my heart felt like a whole zoo was in it when I saw the leaves which were healthy and green earlier turned into brown and it's dead.
I looked back at Ezekiel when he also looked at me with so much concern. Umiwas nalang ako ng tingin at inisang inom lang ang isang bote ng tubig.
How the fvck did I do that?!
I'm pretty sure my body's still functioning well and my heart's still beating. Pero alam kong dapat hindi na dapat ako buhay ngayon.
"Miasma Emission." I said to myself. Lumingon saakin si Alaina at tumango, she smiled then started spinning the bottle again.
Naglaro lang ulit silang dalawa habang tulala lang kami ni Ezekiel, sumikip ang dibdib ko dahil sa gulat kaya mabigat ang bawat paghinga ko.
And Ezekiel's hand on mine was not helping at all.
To be continued.....
Miasma Emission, the ability to emit toxic gases that can make one's body rot when inhaled.

BINABASA MO ANG
Am I Cursed?
Fantasyon December 31st A girl named Clara was born in an extramundane world called Veriola and the people living there are called Vighties. Being born in a family known for being one of the most powerful vighties made Clara confused as to why she seems to...