Thursday, 11:11 PM
Buong gabi kong binasa ang libro na pinahiram sakin ni Ezekiel at isa lang ang nahinuha ko, it has nothing related to anything that happened to me.
Ang sinasabi kasi sa story ay nung namatay yung Deity, napasa sa iba yung abilidad niya tas kung sino man ang nakatakda nito ay siya ang susunod na magiging rebelde sa Veriola.
Pero may susulpot na isa pang vighty na makakalaban ng deity para matapos na ang kaguluhan sa buong Veriola, at ang pahayag na nakakuha talaga ng atensyon ko ay yung tinatawag nila na prophecy.
'One must die to raise the dead.'
Hindi ko man alam kung ano ang ibig sabihin nun pero alam kong tungkol ito sa pagsasakripisyo, it's actually a dark story for a children's book.
I also tried searching some more infos about sa prophecy at sabi nito; halos sampung taon na daw nung nagawa ang prophecy at hanggang ngayon ay wala pang nababalitaan na may nakatadhana na sa kakayahan ng deity.
Hindi ko nga rin alam kung paano nila nalaman yun pero sa mga nabasa kong libro tungkol sa Veriola, there's this ability that can distinguish other vighty's ability....at ang nakakuha ng kakayahan na yun ay isa sa mga councils.
I'm well aware of that because reading books about Veriola is my way of convincing myself that I belong to this world, but maybe I am now.
Tas may nabasa din akong article sa internet tungkol doon sa isang vighty na makakalaban ng deity, at doon parang nagkaroon ng saysay ang pagpupuyat ko kagabi.
That vighty who has to fight against the other vighty who got the deity's ability.....has this some kind of a connection to what happened to me.
Sabi nito, may mga pangyayari na hindi inaasahan ang dadating sa vighty na yun na maaaring makasira sa buhay nito, it totally creeped the hell out of me kaya natulog nalang ako matapos ko yung basahin.
♨
Friday, 1:15 PM
Nagpatuloy ang mga klase namin buong linggo pero halfday lang kami lagi, nagmemeeting kasi ang mga faculties mula 1 pm hanggang 3 dahil meron daw silang malaking sorpresa para samin.
Halos lahat ng mga studyante ay excited kung ano yun pero ako, parang okay lang. Wala kasi naman talaga akong pake kung ano man ang mangyari, as long as hindi lang pupunta dito ulit ang mga kapatid ko kasi baka pagkakaguluhan nanaman sila.
Nandito kami ngayon nina Magnus at Ezekiel sa volleyball court, panonoorin namin yung practice ni Alaina.
Oo nga pala, nagsimula na kaming magkaclose ni Alaina ng dahil sa History class namin kahapon, kami kasi yung magkatabi kasi hiniwalay yung girls at boys.
Todo cheer ang dalawa kahit na practice lang 'to palibhasa close na sila last year palang, habang ako naman ay ngumingiti lang at kumakaway kapag lumilingon samin si Alaina.
Habang ang kapatid niya namang si Alvira ay parang ayaw sakin, umiirap kasi siya kapag tumitingin ako sakanya lalong lalo na kapag kasama ko yung dalawa.
Kaya kapag nagtatagpo kami, hindi ko nalang siya titingnan...naaawa kasi ako sa mata niya baka nahihilo na.
May 20 minutes break yung practice nila kaya umupo muna si Alaina katabi namin, "Clara, samahan mo 'ko bumili ng tubig para kay Alaina." Aya sakin ni Ezekiel, tumango naman ako at tumayo.

BINABASA MO ANG
Am I Cursed?
خيال (فانتازيا)on December 31st A girl named Clara was born in an extramundane world called Veriola and the people living there are called Vighties. Being born in a family known for being one of the most powerful vighties made Clara confused as to why she seems to...