Monday 7:00 AM
⚜
I got up early, maybe because I'm too nervous of what might happen today. Nakatanggap ng tawag kagabi si Papa at sinabing nakahanap na daw ng mga studyante ang faculties namin para isali sa Elysians.
Since nakahanap naman na sila, mapapaaga narin daw ang training namin. I've never been this nervous ever in my life and I feel so overwhelmed.
Ilang minuto muna akong tumitig sa kisame bago ko sinimulan ang daily routine ko. Agad kong nilabas ang uniform ko sa closet matapos maligo.
A white longsleeve underneath my black coat and a red necktie, and then my red plaid skirt ending above my knees paired with black knee socks and black 3 inch heels. That's our uniform, so extra right?I tied my brown wavy hair that is shoulder length long into a ponytail after I wore my school uniform, I don't usually put make up on to school but maybe I'll try just this once.
Joke lang lip balm lang nilagay ko.Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sabay hinga ng malalim. You've waited 10 years for this, Clara. Kaya panindigan mo kasi andito na.
Bumaba na ako sa sala habang dala ko ang black na shoulder bag ko, malaki naman 'yon kaya kasya lang ang mga libro at kung ano ano sa loob.
"Oh ba't ang aga mo ata ngayon, anak? Excited ka sa training niyo mamaya no?" Hindi ko sinagot si papa at humalik lang ako sa pisnge niya at kay mama, umupo ako sa dining table at kumuha agad ng kanin at ulam at nilagay sa plato ko.
"Hon, dedma ako. Anong nangyari?" Rinig kong bulong ni papa kay mama habang nakatingin sila saaking dalawa, kumibit balikat lang rin si mama bilang sagot.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain, mabilis ko 'yong naubos at nag toothbrush ako agad. Nakatingin parin silang dalawa saakin at pinapanuod ang bawat galaw ko.
"Pa, 'wag niyo na ako ihatid. I'll go to school by myself." Halata ang gulat sa expresyon nilang dalawa pero hindi ko na sila hinayaang magsalita at iniwan ko silang dalawa nakatunganga.
Paglabas ko sa bahay, lumingon lingon muna ako sa paligid bago pumasok sa portal na ginawa ni Ezekiel na nasa tapat ng bahay namin at dinala ako 'non sa soccer field na pinuntahan namin last time.
"Dito, Clara!" Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Magnus, kumakaway silang tatlo saakin kaya napangiti ako. Agad naman akong tumakbo papalapit sakanila.
"Good morning." Bati saakin ni Ezekiel na nagpa lapad sa ngiti ko. Ngiti lang ang sinagot ko sakanya at umiwas na ng tingin, napahawak tuloy ako sa tyan ko. The butterflies in my stomach won't calm down.
Dito na kami laging nagkikitang apat tsaka kami sabay papasok sa school, gusto lang namin isulit ang panahon na magkasama kami kasi alam naming wala narin kaming time kapag nagsimula na ang training.
"Inannouce na kaya nila ang mga napiling mga studyante?" Tanong ni Magnus habang naglalakad kami sa hallway. Napalingon ako sa paligid at pansin kong may kung anong pinaguusapan ang mga studyante sa hallway kaya baka inannounce na nga nila.
"Congrats, Morgan." Sabay kaming napalingon sa babaeng biglang bumati kay Magnus at naglakad rin naman ito palayo.
"Oh? What does that mean?" Kunot noong tanong ni Alaina kay Magnus. Halata naman sa mukha ni Magnus ang kaba na para bang may kasalanan siyang nagawa.
"Hindi ko rin alam, wala akong alam." Pagtatanggi niya. Lumapit ako sa bulletin board nang makita kong nagkukumpulan ang mga studyante doon.
"Oof, congrats nga talaga Magnus. Kasali ka sa napili." Nakangising sabi ni Ezekiel sabay siko kay Magnus. Napangiti din ako pagkakita ko sa pangalan ni Magnus kaya nakipag high five ako sakanya, matagal niya 'yong binitawan at nakanganga parin siyang nakatitig sa listahan.

BINABASA MO ANG
Am I Cursed?
Fantasíaon December 31st A girl named Clara was born in an extramundane world called Veriola and the people living there are called Vighties. Being born in a family known for being one of the most powerful vighties made Clara confused as to why she seems to...