12:07 P.M.
Clara
Hinila niya lang ako ng hinila hanggang sa makarating kami sa library na walang katao tao, agad naman akong lumibot libot dahil ngayon pa ako nakapasok dito.
Ang ganda pala dito, sobrang ayos ng mga upuan, naglalakihan yung mga shelves tas by section yung mga libro.
"Nakakainis ba sila?" Tanong bigla ni Ezekiel na nasa likuran ko, lumingon naman ako sakanya habang nakataas ang dalawang kilay.
"Sino?" Tanong ko.
"Sina Alvira kanina..." Sagot niya, humarap muna ako sakanya sabay iling.
"Hindi naman, gusto lang naman nila malaman kung anong nangyari." Tumango tango naman siya sabay titig ulit sakin, ako naman ay umupo sa mesa habang nakatingin din sakanya.
"So, bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko, bumuntong hininga naman siya at umupo rin sa mesa. Malaki rin naman yung mesa kaya may malaki ring distansya saming dalawa.
"Ano kasi....uhm..." Nagdadalawang isip niyang sabi kaya nagtaka ako.
"Wag kang magalala, hindi ako maiinis sayo pag tatanungin mo rin ako." Sabi ko, parang nagulat siya sa sinabi ko pero ngumiti rin naman siya.
"You caught me." Nahihiya niyang sabi habang nasa harap ang tingin.
"Ayoko kasing mainis ka sakin, first meeting pa naman natin ngayon. Sabi nga nila 'First impression, lasts." Sabi pa niya, napangiti ako pero hindi ko 'yon pinahalata.
"Ano bang meron sa first impression ko sayo?" Sagot ko nalang sabay ipit ng mga buhok ko sa likod ng tenga ko, lumingon siya sakin ng nakangiti.
"Wala lang, gusto ko kasing mapalapit sayo." Sagot niya habang nakatingin parin sakin.
"Dahil ba kay ate Kerry?" Nang aasar kong tanong, tumawa naman siya.
"Hindi noh, si Magnus yung may crush sa ate Kerry mo hindi ako." Depensa niya, tumango tango naman ako.
"Uhm, may gusto din kasi akong ipakita sayo." Dagdag pa niya niya, hindi naman ako sumagot at nakinig lang ako sakanya.
"Parang may idea ako kung ano 'tong nangyayari." Napalingon ako sa sinabi niya, nakatingin din siya sakin pero maya maya ay may kinuha siyang libro mula sa bag niya.
Napakunot ang noo ko dahil children's book pala 'yon, tumingin ako sakanya at parang nahihiya pa siyang ipakita sakin 'yon.
"Uhm, it's actually my little sister's favorite book." Sabi niya sabay kamot ng batok niya, ngumiti naman ako at tinanggap yun.
"What is it about?" Tanong ko sabay buklat nung first page at binungad ako ng isang litrato ng babae.
"Is this a deity?" Tanong ko, tumango naman siya at tinuro yung nasa dulo na part nung litrato na may nakalagay na 'Veriola'.
"Veriola's Deity." Sagot niya, kumunot ang noo ko.
"Oh! The goddess of love, beauty and fertility. Is this a story about her?" Tanong ko ulit, tumango naman siya at sinirado ko ulit yung libro.
"Kaya pala deity ang title." Bulong ko sa sarili, binuksan ko iyon ulit at pinagmasdan yung litrato sa first page.
Nakatayo siya sa isang kagubatan at pinapalibutan siya ng mga malalaking puno tas para siyang nawawala, sinimulan kong basahin ang unang page ng libro at napansin kong may mga nakahighlight tas may mga stickers na nakadikit kaya napalingon ako kay Ezekiel.
"Uhh, mahilig kasi ang kapatid ko mag design ng kung ano ano kaya...." Parang nahihiya parin niyang sabi, ngumiti naman ako at umiling iling.
"Gusto mo bang hiramin yan?" Agad akong tumango habang hindi nakatingin sakanya, may nabasa kasi akong nakakuha ng atensyon ko kaya alam kong hindi ako makakatulog nang hindi ko yun malalaman.
"12:35 na, kain na muna tayo." Sabi ko sabay tayo, tumayo rin naman siya at sabay kaming lumabas sa library.
Mabilis rin naman kaming natapos kumain kasi tahimik lang kaming dalawa, si Magnus lang yung todo kwento habang kumakain hanggang sa natapos na kami kaya naglalakad na kami pabalik sa classroom.
"Guys, alam niyo ba? Na si William Shakespeare pala ang gumawa sa kwento ni Romeo and Juliet?" Sabay naman kaming napatingin kay Magnus sa tanong niyang 'yon.
"Oo naman." Sabay din naming sagot ni Ezekiel. Napakamot agad sa ulo si Magnus tas bumuntong hininga.
"Ako lang pala ang walang kaalam alam dito." Sambit niya sabay iling iling tas iniwan niya kami ni Ezekiel maglakad, kumibit balikat lang siya sa inasta ng bestfriend niya kaya napangiti ako.
Hindi naman pala ganun kasama dito sa skwelahang ito, lalo na kung baliw lagi ang mga kasama mo.
Paulit ulit lang yung pangyayari buong afternoon, mag iintroduce ako sa sarili ko, ipapakita ko yung ability ko, magugulat ang professor....nasanay na nga rin ata ang mga kaklase ko sa mga reaksyon nila.
At nung nagdismiss na ang last subject namin, agad akong nilapitan ni Magnus tas umupo ulit siya sa upuan na nasa harap ko.
"Sabay ka samin?" Yaya niya, hindi pa nakakalabas yung ibang kaklase namin kaya napatingin silang lahat.
Nagtataka siguro sila kasi parang close na sakin si Magnus eh first day ko pa naman dito. And as expected, pinag bubulongan nanaman kami.
"Uhh, hindi ako sure kasi...." Hindi ko pa natapos ang tanong ko nung naramdaman ko ang isang pamilyar na presesya sa may kanan ko.
"Sabi ko na nga ba....Hi, kuya Klaus." Tamad kong bati, agad din namang nagpakita si kuya Klaus habang nakapanewang. Suot parin niya ang uniform niya kaya para siyang professor.
"Sino 'to?" Masungit na tanong ni kuya sabay taas kilay habang nakatitig kay Magnus, nanlaki agad ang mata ni Magnus nung makita niya si kuya kaya napatayo siya bigla.
"Sh't....." Di makapaniwalang sabi ni Magnus, nagsitilian na yung mga kaklase ko nung makita nila si kuya na seryosong nakatitig kay Magnus na naiistatwa na ngayon.
"Omg!!! IT'S KLAUS DAWSON!"
"AARRGGHH! NGAYON KO PA SIYA NAKITA NG PERSONAL!"
"SHEMMSS! ANG GWAPO NIYA!"
Muntikan ko nang takpan ang tenga ko sa ingay ng mga kaklase ko, pero hindi nagtagal ay natigil ang tilian nila nang dumating bigla si ate Kerry tas kasama niya si kuya Henry na todo kaway kaway sa mga studyanteng bumabati sakanila.
"Hi li'l sis! Musta ang first day mo?" Nakangising bati sakin ni kuya Henry sabay kuha ng bag ko tas inalalayan niya akong tumayo.
"Uhh, okay naman. Salamat sa dalawang 'to." Sagot ko, nagtinginan naman si Magnus at Ezekiel na nasa kaliwa ko sabay ngisi.
"Tinulungan ka ba nila?" Tanong ni ate Kerry, tumango naman ako kaya mas lumapad ang ngisi nung dalawa.
"Dude, ang lapit ni Ms. Kerry sakin." Bulong ni Magnus kay Ezekiel pero rinig na rinig ko naman, siniko lang siya ni Ezekiel na para bang siya pa yung nahiya sa sinabi ng besftriend niya.
"Damn, andito ang apat na Dawson. Kulang nalang yung bunso."
"Holy gum, ang ganda nga talaga ni Ms. Kerry."
"Pero ang lakas din nyan, actually sila naman lahat."
"Tara na nga." Inis kong sabi tas maglalakad na sana ako palabas ng biglang pumasok si Ms. Mira sa room namin na nagtatakang nakatingin sa mga kaklase ko.
"Ano nangyayari dito?" Taas kilay niyang tanong, hindi siya sinagot ng kaklase ko kaya napatingin siya sa tinitignan nito.
Napansin ko agad kung paano bumuka yung bibig niya nung makita niya si kuya Klaus, gulat rin yung reaksyon ni kuya pero hindi niya yun pinahalata. Okay...this is awkward.
"U-uhm. Excuse me, students are suppose to be fetched outside the classroom. So will you please...uhh...you can go." Naiilang na sabi ni Ms. Mira, tumango tango naman si kuya sabay suksok ng dalawang kamay niya sa bulsa.
"Uhm, okay. Thank you for telling us....Miss." Parang sarkastikong sabi naman ni kuya tas sinenyasan niya kaming tatlo na lumabas na sa room.
That moment was hella cute.
To be continued....

BINABASA MO ANG
Am I Cursed?
Fantasyon December 31st A girl named Clara was born in an extramundane world called Veriola and the people living there are called Vighties. Being born in a family known for being one of the most powerful vighties made Clara confused as to why she seems to...