"Clara!" agad akong dumungaw saaking bintana nang marinig ang sigaw ni Pin. Napangiti ako nang makita siyang winawagaygay ang dala niyang saranggola.
Dali dali akong tumalon pababa sa kama ko at bumaba sa hagdan, muntikan pa akong mahulog dahil sa pagmamadali.
"Anak? 'San ka pupunta?" tanong saakin ni papa nang makita niya akong dumaan sa sala habang nanunood ng tv.
Hindi ko siya sinagot at patakbo akong lumapit sa pinto at binuksan 'yon, bumungad agad saakin si Pin na nakangisi.
Lumabas ako tas inagaw ko sakanya ang saranggola bago ko siya iniwan.
"Sir Dawson, pahiram lang po muna kay Clara maglalaro lang po kami." paalam niya kay papa bago sumunod saakin papunta sa gitna ng kalsada.
Wala naman masyadong dumadaan na sasakyan dito kaya malaya lang kaming maglaro sa gitna. Subdivision kasi 'to tas ang layo layo ng pagitan ng mga bahay.
"Dali na, Pin! Paliparin mo na!" excited kong sabi. Tumawa muna siya dahil sa matinis na boses ko bago tumakbo para paliparin ang saranggola.
Sumunod naman ako sakanya habang nakatitig sa saranggola, mangha ko 'yong pinapanood habang tumatakbo hanggang sa huminto kami sa isang park.
Nasa taas parin ang kite at pinapanood nalang namin 'yon ni Pin habang nakaupo kami sa damuhan.
Pinulupot muna namin sa isang sanga ng kahoy ang lubid ng kite para hindi 'yon lumipad. Nakahilig ako sa balikat niya habang nakatuon ang kamay niya sa likod ko para alalayan ang bigat ko.
"Clara, let's make a promise." biglang sabi ni Pin. Humarap ako sakanya habang nakataas kilay. Humarap din siya saakin sabay taas ng hinliliit niya, taka ko parin 'yong tinitigan.
"Let's promise that no matter what happen, we'll protect, look after and take care of each other." doon ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin. Agad kong pinagsiklop ang mga daliri naming dalawa at ngumiti ng malapad sakanya.
Agad nawala ang tingin namin sa isa't isa nang biglang lumakas ang hampas ng hangin.
"The kite!" sabay naming sabi at agad hinabol ito. Halos magkapantay lang ang bilis naming dalawa pero sinadya kong magpauna para mahabol ko ang lubid ng saranggola.
Sa sobrang lakas ng hangin ay hindi ko 'yon naabutan hanggang sa bigla itong pumasok sa isang kwarto na may kulay abo na dingding.
Pagpasok ng saranggola ay agad ring sumara ang pinto nito, nagkatinginan kaming dalawa ni Pin at dahan dahang lumapit doon.
"I'll get in, stay here okay?" pangunguna niya at papasok na sana pero napigilan ko siya agad.
"No, together." sabi ko at hinila siya papasok sa kwarto.
Binuksan ko ang pinto at sinilip ang loob nito. Hindi ko pa man nabuksan ng maayo ang pinto ay bigla nang lumipad palabas ang saranggola, buti nalang nahawakan agad ni Pin ang lubid.
Tinignan ko ang kabuuan nung kwarto at wala itong gamit sa loob, it's the literal definition of 4 walls one roof.
Ang sinag mula sa maliit na awang ng pinto lang ang pinanggagalingan ng ilaw sa loob tas madilim na lahat, dahan dahan akong pumasok sa kuryosidad at naghanap ng switch ng ilaw.
"Clara, let's go home. Baka hanapin ka na nina tita." sabi ni Pin habang nakadungaw sa pinto. Tinaas ko lang ang kamay ko at umiling.
Napalingon ako sa pinto nang bigla itong sumara ng malakas at naiwan ako sa loob.
"Clara!" rinig kong sigaw ni Pin sa labas at pinipilit niyang buksan ang pinto. Agad akong lumapit doon at sinubukan ring buksan pero hindi ko 'yon magawa.

BINABASA MO ANG
Am I Cursed?
Fantasion December 31st A girl named Clara was born in an extramundane world called Veriola and the people living there are called Vighties. Being born in a family known for being one of the most powerful vighties made Clara confused as to why she seems to...