Cursed 15

12 0 0
                                    

Tuesday 3:00 PM

"Stronger, Clara. I know you can punch stronger than that. Release more strength as much as you can." muntik na akong mapairap sa sinabi ni sir Tonner habang naglalakad sa likuran ko.

Sir, you have 10 students to teach pero bakit parang ako lang nakikita niyo? And for your information sir, ginagawa ko na ang lahat ng makakaya ko para lang hindi mapahiya ang pamilya ko.

My family is one of the 'uppermost families' and I immediately became one of the elysians without being picked out not like Magnus and the others. And to be honest? They're strong as hell.

We started training our combat skills after that....traumatizing evaluation yesterday. Ever since that happened, I can actually notice some changes.

The other elysians became more serious about this training. While me? I feel like I'm just doing my daily training again like before.

Wala naman silang sinabing dahilan kung bakit ginawa nila ang grupong 'to, basta nalang kaming sumunod sa sinabi nila. Pero may kutob na ako tungkol doon, ayaw ko mang aminin pero sana mali ako.

My mind was clouded by my thoughts kaya hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si sir Tonner at pinapanuod akong sinusuntok ang nakasabit na punching bag sa harap ko.

Tumigil ako saglit at nagtatakang tumingin kay sir, nakaawang na kasi ang bibig niya at palipat lipat rin ang tingin niya sakin at sa punching bag. Binalik ko ang tingin sa punching bag at nanlaki rin ang mata ko nang makita 'yong butas na.

Natakpan ko ang aking bibig at gulat parin na nakatitig doon. Narinig ko ang pagtikhim ni sir Tonner bago siya nagsalita ulit.

"J-just like that, Ms. Dawson. I like those punches. Y-you're strong." naiilang na sabi ni sir sabay ayos ng necktie niya bago nakapanewang na naglakad paalis.

Sinubukan kong takpan ang butas sa punching bag ngunit hindi naman nakatulong ang maliit kong kamay sa pagtakip nito. How the hell did I do that!?

By the way, we are currently in a big gymnasium right now and each of the elysians has different areas where we can practice our combat skills. At dahil nabutas  ko naman na ang punching bag, lilipat naman ako sa archery...which I've been practicing for years actually.

Pumunta muna ako sa locker room para kunin ang bow at arrow ko doon, lilipat na ako sa archery area tutal nabutas ko naman na 'yong punching bag ko.

Paglabas ko sa locker room ay nakasalubong ko si Ezekiel na puno ng pawis ang mukha at hinihingal pa, hindi niya pa ata ako napansin kasi busy siya sa pagpunas ng pawis niya gamit ang kanyang dala na towel.

Hindi naman kaagad ako nakagalaw at pinanood ko lang siya habang unti unting lumalapit sa kinaroroonan ko. He's wearing a fitted black shirt at black na sweatpants.

I never thought that Ezekiel is one of those guys that looks skinny when they wear baggy shirts but are actually so well shaped when wearing fitted ones. Damn, I underestimated him too much.

"Hey, you okay?" agad akong napaiwas ng tingin at ilang beses kumurap nang bigla siyang magsalita sa harap ko. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya! Oh my gosh Clara stop!

"U-uhm, yeah I'm fine. How was your training?" I said as I cleared my throat. I needed to change the topic para hindi mapahiya. Bumuntong hininga muna siya sabay sinabit ang towel sa balikat niya bago sumandal sa kisame.

"It's not as easy as I thought it would be. I feel like my whole body just shattered." he complained while trying to stretch his neck. Bumuntong hininga din ako at nagpanggap na pagod din, because to be honest? I feel normal.

Am I Cursed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon