Cursed 13

19 1 0
                                        

"We need to improve your combat skills first before be proceed to enhancing your abilities, so I called Mr. Tonner here to help us, and also Ms. Mira to help me facilitate and my assistant Dianne who's one of the school's student nurse who will heal you when you're hurt. But I hope that won't happen." Paliwanag ni Mrs. Addison. Tumango tango lang kaming lahat habang nakikinig.

Hindi parin mawala ang isip ko sa kaharap ngayong si Pin. I'm trying not to stare at him as much as possible, naninibago kasi ako sa itsura niya ngayon.

He was my childhood best friend, pero parang isang totoong kapatid na ang turing ko sakanya. We were inseparable when we were young, he accepted me even though I'm different, he left his old friends just to play with me...but in the end, I was the one who left him.

Naputol ang komunikasyon naming dalawa simula nung lumipat kami ng bahay, 10 years old pa kami 'non so 6 years din kaming hindi nagkita.

Mas matangkad na siya sakin ngayon, maganda narin ang tikas ng kanyang pangangatawan at hindi tulad noon na sobrang payat niya.

He must be living a good life.

"Ms. Dawson, please come with me." Magalang na sabi ni Dianne sabay muwestra sa daan. Nilingon ko muna si Ezekiel at Alaina para magpaalam bago ako sumunod sakanya.

Lumingon din ako kay Pin at nakita kong tipid siyang ngumiti saakin bago binalik ang tingin sa harap. Napangiti rin ako kahit na hindi niya 'yon nakita, akala ko nakalimutan na niya ako.

Dinala ako ni Dianne sa isang kwarto na medyo malayo sa gymnasium na pinanggalingan namin, katamtaman lang ang laki 'non at wala ni isang gamit ang nakalagay sa loob. Pinalibot ko ang paningin sa kulay abo nitong dingding, why does this place looks so familiar? 

"Ilang minuto nalang at magsisimula na po ang individual training niyo, maghanda lang po muna kayo hanggang sa tumunog ang bell. Keep your guard up and good luck, Ms. Dawson." Paliwanag niya at iniwan na akong mag isa sa loob ng kwarto.

Nagtataka man pero sinunod ko ang sinabi niya, nagmasid ako sa paligid a hinanda ang sarli sa kung anong pwedeng mangyari.  

They said we need to improve our combat skills first, kaya ang hinuha ko ay baka may biglang mga tao na sumulpot at bigla akong atakihin. Pero ilang minuto na ang lumipas, nakatayo parin ako sa gitna ng kwarto at walang nangyayari.

"Ate Clara?" Napasinghap ako nang marinig ang mahina at inosenteng boses ng kapatid kong si Howard sa likuran ko. Dahan dahan at pigil ang hiningang nilingon ko siya at halos manghina ang tuhod ko nang makita ko siyang sugatan, puno ng dugo ang damit niya at hindi siya matigil sa kakaiyak.

Agad akong tumakbo papalapit sakanya pero hindi ko nagawa 'yon dahil sa isang salamin na nakaharang sa pagitan namin.

"Howard! No! Why are you here? What happened?!" Pilit kong pinagpapalo ang salamin sa kaisipang masisira ko 'yon. Hindi siya sumagot at umiyak lang siya ng umiyak, halos mapiga ang puso ko sa awa at pagaalala.

"No, please don't cry. I'm here, ate's here. You're okay. I'll get you out of there, don't worry." I said, trying to comfort him. Do something, Clara. Ilang taon kang nag training tas hindi mo man lang mabasag 'tong pesteng salamin sa harap mo.

"Ate, please help. I'm hurt." Hindi ko na napigilan ang namumuong luha sa mata ko at mabilis 'yong namalisbis sa pisnge ko. Umiling iling ako at pilit paring sinisira ang salamin.

This is what I hate the most, seeing my loved ones in pain.

Pinilit kong gawing patalim ang kamay ko ngunit hindi ko 'yon magawa, halos mamula na ako sa ginawa kong 'yon pero wala talaga.

Pinunasan ko ang luha saaking pisnge at buong lakas na sinuntok ang salamin, hindi ko inadya ang sakit 'non lalo na nung makita kong nabasag ko 'yon ng konte.

Tinapik ko ang maliit na basag gamit ang hintuturo ko hanggang sa biglang nawasak 'yon lahat. Agad akong tumakbo papalapit kay Howard, lumuhod ako at niyakap siya ng mahigpit. 

"You're fine.  Ate's here na, you're safe." Hindi parin siya matigil sa paghagulgol kaya hinagod ko ang likod niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat sabay pinaharap saakin, at nagulat nalang ako nang makitang malinis nanaman ang katawan niya at hindi na siya umiiyak, nakangiti na siya saakin ngayon at matiim akong tinititigan.

Hindi ko magawang suklian ang ngiti niya dahil nagtataka parin ako. Natigilan ako nang haplusin niya ang pisnge ko gamit ang maliit niyang kamay at niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Yayakapin ko na sana siya pabalik pero bigla siyang naglaho na parang bula.

Naistatwa ako sa kinauupuan habang nakatingin sa kawalan, hindi parin ma proseso kung ano ang nangyari. Bumalik ako sa reyalidad at nakatayo na ulit ako sa gitna ng kwarto na para bang walang nangyari, na para bang panaginip lang ang lahat ng 'yon.

Biglang napalitan ng isang malaking salamin ang dingding na kaharap ko at nakita ko mula doon ang mga tao, kanina pa siguro sila nanunood sa mga nangyari.

Bakas ang pagaalala sa tingin saakin ng karamihan ngunit ang iba naman ay nakakunot noo na para bang nagtataka. 

Napalingon ako sa pinto sa likod nang bumukas 'yon, agad siyang lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang mabigat niyang hininga dahil tumataas baba ang balikat niya.

Napapikit nalang ako nang maramdamang nagbabadya nanaman ang luha sa mata ko. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari nang  maramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan.

.....

Agad kong binuhat si Clara at pinahiga siya sa stretcher. Namumutla na siya at may sugat din ang kamao niya, dahil siguro 'don sa pagsuntok niya sa salamin kanina. Agad namang dumalo si Dianne at hinawakan ang kamay ni Clara, ilang segundo ang lumipas at bumalik na ang kulay sa mukha niya at nagamot rin ang sugat niya.

Nagpasalamat muna ako kay Dianne bago ako bumalik doon sa kwarto, tulog parin si Clara kaya iniwan ko muna siya 'don para makapagpahinga.

"What did you do to her? Why did that happen?!" Pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil baka masigawan ko sila. Hinawakan ako agad sa braso nung akmang lalapitan ko si Mrs. Addison at sir Tonner.

"They didn't do it, the room did." Dipensa nong Clide habang nakahalukipkip. Kunot noo ko lang siyang nilingon tas tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa.

"What was that for?" Mas mahinahon ko nang sabi. Kunot noo ring tumingin sa monitor ng computer si Sir Tonner tas parang may hinahanap siya doon, ilang minuto muna bago siya huminto at padabog na binitawan ang mouse.

"Addison, explain." Kunot noo paring utos ni sir, mukhang hindi lang ako ang nagtataka sa kung anong nangyari. Narinig namin ang buntong hininga ni Mrs. Addison bago humarap ulit sa salamin na nakadugtong doon sa kwarto na pinanggalingan ni Clara. 

"This room is especially made by the councils to identify the weaknesses  and fears of a vighty, this is not used to torture them if that's what you're thinking. They made this to make it easier to find the two vighties who is involved of the prophecy." Paliwanag ni Mrs. Addison, mas lalong kumunot ang noo ko.

Weaknesses and fears.... prophecy....

"Each ability has its own weakness. Just like fire, it's weakness is water and the other way around. But Clara...although her ability has weaknesses, it didn't show up. The room showed her fears instead." Patuloy pa nito.

"Does that mean..." Hindi na natapos ni Alaina ang sasabihin nang biglang sumulpot si Clide.

"She doesn't have weaknesses?" Ganoon rin ang hinuha ko pero hindi ko naman 'yon maintindihan. Paanong wala siyang kahinaan pero mayroon siyang kinakakatakutan?

"Yes, and that means she's undefeatable."


Itutuloy....

Am I Cursed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon