Cursed 6

83 8 2
                                    

11:10 AM

10 minutes late na ako, pero nandito parin ako sa hallway at hinahanap ang science book ko sa locker kasi yun daw ang next subject namin.

Sa nakikita kong hawak ng mga studyante, ang science book ang pinaka makapal na libro sa lahat at pilit ko iyong hinahanap. Pero kahit anong halukat ko rito sa locker ko wala parin akong nakikitang makapal na libro, huminto muna ako sa paghahanap sabay pumanewang.

Inipit ko sa likod ng tenga ko yung mga buhok na tumatakip sa mukha ko sabay padabog na sinirado yung locker ko, "Woah, easy! Baka masira mo yan." Sabi nung lalaking nakasandal sa locker na katabi nung akin, tinitigan ko lang siya at hindi sumagot.

That was my chance to observe his whole face, how his pinkish lips curved, his curly hair softly lying on his forehead, and his hazel brown eyes looking at mine.

"What do you want, Ezekiel?" Sabi ko nalang at baka mahalata niyang nakatitig na ako sakanya, tumawa lang siya bigla sabay tayo ng maayos.

"Sabay na tayo." Nakangisi niyang aya, hindi ulit ako sumagot at tinalikuran ko lang siya sabay lakad papalayo. "Sabi ko nga...." Parang dismayado niyang sabi kaya hindi ko napigilang mapangiti. At dahil nga mas mataas yung legs niya, nasabayan niya parin ako sa paglalakad kahit na nauna ako sakanya.

"Bakit ka nga pala late?" Bigla niyang tanong habang naglalakad kami, kumunot naman ang noo ko. "Parang ikaw hindi." Sarkastiko kong sabi, tumawa siya ng konte bago umayos ng tayo.

"I was just asking, first day na first day mo may late ka na." Sagot niya, umiling iling lang ko. "Why do you care?" Nagsisimula na akong mainis, para kasing ang laki ng pakialam niya sa buhay ko.

"I'm just trying to help the new student of our school, pasalamat ka nga may escort ka eh. You wouldn't like being alone for the whole school year, right?" Natahimik ako saglit sa sinabi nya bago ako sumagot.

"Well, I'm kinda used to being alone."

11:58 AM

Natapos na ang morning classes namin kaya lunch time na, nililigpit ko na yung mga gamit ko dahil pinatawag nanaman ako ni Sir Tonner. Buti nga hindi na nangulit yung dalawa sakin, una kasi silang lumabas kesa sakin kaya parang na relief ako, akala ko kasi pepestehin nila ako hanggang sa uwian.

Pagpasok ko palang sa office ni Sir Tonner ramdam ko na agad yung tensyon na pumapalibot sa buong opisina niya, nakatayo kasi siya ngayon habang yung dalawang kamay niya ay nakapatong sa mesa na para bang hinihintay niya talaga ang pagdating ko.

Hindi ko naman yun pinansin at umupo lang ako dun sa upuan sa harap ng mesa, bumuntong hininga naman si Sir sabay upo sa swivel chair niya.

"So.....Ms. Dawson." Bumalik ulit yung tingin ko kay Sir, nagtingin tingin din kasi ako sa office niya kapansin pansin talaga ang mga signed poster ng mga sikat na mga wrestler sa ibang bansa.

"Paano mo iyon nagawa?" Tanong niya sabay sandal sa upuan niya habang nakahalukipkip, ilang minuto muna akong tumahimik saka ako kumibit balikat.

"Y-You don't k-know?" Di makapaniwalang niyang sabi sabay kunot noo, tumango naman ako bilang sagot. Hindi ko naman talaga alam kung bakit nagawa ko yun.

Napabuntong hininga siya sabay umiling-iling, tumingin tingin ulit ako sa paligid pero nakita ko pa siyang ginulo yung buhok niya sabay patong ng ulo niya sa mesa. That hurts.

"Uhm, ano po bang problema?" Bigla bigla nalang siyang tumingala kaya nagulat ako, tagpo nanaman ulit yung kilay niya at namumula na siya sa inis.

"Pano mo nagawang galawin yung upuan ko, I used my ability to it. Does that mean may katapat na ako?!" He's frustrated, ako naman ngayon ang nagtaka. "Ano ba ang abilidad mo?" Padabog niyang tanong, hindi naman ako nagdalawang isip na ipakita sakanya yung abilidad ko.

Kinuha ko galing sa mesa yung ballpen tas ginawa ko iyong maliit na kutsilyo, I can also make other things that surrounds me change into tools or weapons.

Napaawang yung bibig niya nung makita niya iyon, pero nung nakita niyang nakatingin ako sa reaksyon niya ay biglang naging seryoso ito.

"Ahem! O-organic constructs, huh." Sabi niya sabay ayos ng necktie niya tas umayos siya ng upo, binalik ko sa mesa yung pen na kutsilyo na ngayon.

"Are we done here?" Binulong ko lang yun at napansin ko namang hindi yun narinig ni Sir Tonner dahil busy siya sa pagproseso sa mga nangyari kanina.

Doon ko kinuha ang oppurtunity na lumabas sa office ni Sir Tonner habang nakatulala siya, pero mas nabigla ako ng may makita akong babaeng nakaupo sa sahig sa gitna ng hallway. Nakaskwat siya at yung dalawa niyang kamay ay nakapatong sa mga tuhod niya, mulat naman yung mata niya pero yung puti lang yung nakikita ko.

Nakakunot lang ang noo ko habang pinagmamasdan siya, dahan dahan akong lumapit at hinawakan ko siya sa balikat na naging dahilan ng pagsigaw ng mga studyante sa paligid kaya napaatras ako,

"HUWAG MO SIYANG HAWAKAN!"

"HALAKA!"

"OMG!"

Ang oa naman ng mga reaksyon nito, nilingon ko nalang ulit yung babae at nakayuko lang siya ngayon pero ganun parin yung posisyon niya.

"What the heck??! Ba't walang nangyari sakanya?!" Napalingon ako doon sa babaeng may sabi nun, hah? Nabigla ulit ako nung tumayo ang babaeng nakaskwat kanina sa sahig at nanlaki yung mata niya.

Ano nanaman bang nagawa ko?

"How did you do that? Walang nangyari sayo kahit na hinawakan mo ako! WHAT ARE YOU?!" Di makapaniwalang sabi niya at niyugyog pa ang balikat ko, hindi naman agad ako nakasagot kasi malakas ang pagkakayugyog niya.

Tumingin ako sakanya habang nakanganga at nakakunot ang noo, naguguluhan na ako sa nangayari.

"You're making a fuss Alvira, baka hindi ka lang masyadong naka concentrate sa pag memeditate mo kasi binabantayan mo rin ang paglabas ni Clara sa office ni Sir Tonner. 'Wag kang oa dyan, ok?" May isang babaeng biglang sumulpot sa tabi ko, pagtingin ko sakanya ay siya pala yung babaeng nabangga ko kanina.

"Hi, I'm Alaina by the way. Hindi ko alam kung natatandaan mo ko, pero ako pala yung babaeng bumangga sa'yo kanina sa hallway. Pasensya na hehe." Nakangiti nitong sabi, tumango naman ako at tinanggap ang kamay niya.

"Oo, naalala kita." Siya yung babaeng curly hair na kaklase ko.

"That's my sister, Alvira. I'm sorry if she's bothering you." Ngumiti lang ako ng konte sa sinabi niya sabay iling.

"I'm not bothering her! I'm the one who's bothered here! Wala pang nakakagawa nun sakin kahit si Papa!" Di parin makapaniwalang sabi ni Alvira, tumingin din naman sakin si Alaina na para bang ako lang talaga ang makakasagot sa tanong na iyon.

Sunod sunod namang tumingin sakin lahat ng estudyante sa hallway kaya napalunok ako, "Uhm..." Sasagot na sana ako pero may biglang humila sakin na isang payat na kamay ng walang pasabi. At dahil payat nga, kamay na yan ni Ezekiel.


To be continued.......

Thanks for reading

Am I Cursed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon