Cursed 11

21 2 6
                                        

Monday 5:45 pm

"Do you perhaps have someone you caught feelings for? If yes, who?" Alaina was smiling from ear to ear when he asked that to Magnus. He immediately looked away and tried to avert his gaze from any of us.

We're still in the soccer field, hinayaan nalang namin 'yong mga patay na dahon sa likod namin kasi 'yon lang naman ang natamaan sa ginawa ni Alaina.

I'm still in shock, but thanks to Magnus' loudness, I felt better. Hindi nila nakita 'yong nangyari kanina kaya parang wala lang sakanila 'yon.

Wala namang nangyaring masama saakin kaya hindi ko nalang sinabi, I hate lying but I have to.

"Sagutin mo na! Sus! Weak ka pala, e." Pangaasar ni Ezekiel sabay siko kay Magnus, napakamot naman sa ulo si Magnus sabay iling.

"Pitikin niyo na ako, dali! Kahit patayin niyo pa ako wala na akong pake." Natawa nalang kami sa sinabi niya at isa isa namin siyang pinitik.

The bottle spinned again and it stopped on....me. Fvck.

"Ooh! Okay, Clara. Truth or dare?" Why is Magnus always excited tho? I picked dare, because if I pick truth they might ask dangerous questions.

"Turn these dead grasses into anything you want." Sabi ni Ezekiel at tinuro 'yong mga patay na dahon. Alam kong pinapagawa lang niya sakin 'yon para kalimutan ko 'yong nangyari kanina kaya ginawa ko nalang.

I stared at the dead grasses for seconds until it turned into small bullets.

"Ang amazing talaga ng Clara namin!" Banat ni Magnus sabay palakpak. Napabuntong hininga ako at sa iba ko nalang tinuon ang atensyon ko.

"Guys, uwi na tayo. Gabi na, oh." Aya ni Ezekiel sabay turo sa araw na palubog na. Nagsimula na rin kaming magligpit sa mga pinagkainan namin at naglakad palabas sa soccer field.

"Hoi, bukas ikaw naman Ezekiel. Aba ang unfair kaya!" Habol pa ni Magnus bago siya pumasok sa portal na ginawa ni Ezekiel papunta sa kanilang bahay.

"Una na kami, Clara. See you tomorrow!" Paalam ni Alaina at sumunod din siya kay Magnus.

Kumaway ako kay Ezekiel para magpaalam pero bigla niya nalang sinara ang portal na gawa niya tsaka siya lumapit saakin.

"Let's talk." 'Yon lang ang sinabi niya at bigla nalang niya akong hinila palayo sa bahay namin. Hinatid kasi nila ako pabalik sa bahay.

Hindi ako nagsalita at nagpahila nalang sakanya, may gusto din kasi akong itanong at baka hindi ako makatulog dahil sa kuryosidad.


Huminto kami sa ilalim ng isang malaking puno at doon niya lang ako binitawan. Huminga muna siya ng malalim sabay hilamos ng mukha niya gamit ang kamay, he looks frustrated kaya hinawakan ko siya sa balikat.

"Hey, what's wrong?" I asked, worried. Humarap siya sakin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit kaya napasinghap ako.

His arms are draped around my waist while he buried his face on my neck, he's taller than me so I had to raise my chin just to lean on his shoulder.

"I'm so so sorry, I totally forgot that you weren't aware of Alaina's ability yet. I should've told you." Regret was audible in his voice. Pinalibot ko rin ang braso ko sa leeg niya sabay buntong hininga.

"You don't have to be sorry. It's not your fault." I tried to comfort him. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago siya kumalas sa pagkakayap niya sakin.

Am I Cursed?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon