Monday 7:00 AM
Lumipas ang isang linggo na puro what ifs ang nasa isip ko, homeschooled na ako simula bata pa kaya first time kong pumasok sa isang paaralan. First time ko rin nakaramdam ng kaba, lahat first time para sa'kin.
"Clara anak? Handa ka na ba talagang pumasok?" Biglang sabi ni papa habang kumakain kami lahat ng almusal, hindi agad ako nakasagot.
"Papa naman, para namang pinipigilan mong mag-aral anak natin." Sabi ni mama sabay hawak sa balikat ni papa.
"Hindi kasi, masaya naman ako dahil dumating na rin ang araw na hinihintay natin at dahil makakapag-aral na siya sa isang totoong eskwelahan at makipaghalubilo sa ibang tao. Kaso, hindi ko kasi maiwasan na mamiss yung pagsasanay namin araw araw, mahigit sampung taon na kaya namin ginagawa 'yon." Nakasimangot na sabi ni papa.
Ngumiti lang ako at patuloy na kumain. "Aysus ang drama mo talaga, kumain ka na nga lang. Siya nga pala anak, what was it again?" Tanong ni mama.
"Organic construct, I can change organic material including my body into tools, objects and also weapons." Sagot ko naman, tango lang naman ang sinagot ni mama.
"Hindi ka naman kinakabahan pumasok diba?" Napatingin ako kay ate Kerry sa tinanong niya, nakatingin sila saakin lahat kaya napatikhim ako.
"Uhh, honestly? Kinakabahan parin ako." Nabulunan naman bigla si kuya Henry sa sinabi ko.
"Omg, our Clara is nervous." Napatawa ako sa sinabi niya bigla, para naman akong walang emosyon sa reaksyon niya.
"Akala ko hindi nakakaramdam ng kaba si ate Clara." Sabi naman ni baby Howard habang ngumunguya.
"I still have emotions, baby." Nakangiti kong sabi, kumibit balikat naman siya.
"Oo nga Clara, parang napaka unusual na nakakaramdamn ka ng kaba. Ikaw kaya ang pinakamatapang samin dito, kaya mo paring protektahan sarili mo noon kahit wala kami, paano pa kaya ngayon na may kakayahan ka na, diba?" Sumangayon naman sila lahat sa sinabi ni kuya Klaus.
Napatitig ako sa kamay ko, kaya ko nga bang protektahan ang sarili ko gamit nito?
8:30 AM
N
andito kami ngayon sa principal's office at inaayos na nina mama at papa ang mga papeles sa pagaaral ko sa eskwelahang ito. Habang naguusap sila nung principal, lumilibot nanan ang paningin ko sa buong opisina at pansin ko yung mga iba't ibang lenggwahe na naka lagay sa mga posters.
"Salamat po sir Herman, please look after our daughter." Sabi ni mama sabay tayo.
"No worries Mrs. Dawson, malaki ang utang na loob ko sainyo kaya gagawin ko lahat para sa proteksyon ng anak niyo." Nakangiting sagot ni Mr. Herman sabay tayo din.
"Ma, what's his ability?" Tanong ko kay mama habang palabas kami sa opisina.
"Omnilingualism anak, he can--"
"He's able to speak different dialects." Sabi ko sabay tango-tango, nagtinginan naman sina mama at papa sabay tawa.
"Oh sige na, mauuna na kami anak. Ingat ka dito ha?" Tumango lang ako at humalik sa pisnge ni mama. "Call me anytime kung may nangugulo sayo, I will come, okay?" Tumango ulit ako at humalik rin sa pisnge ni papa.
Hinintay ko munang umalis ang sasakyan nila bago ako tuluyang pumasok ulit, pumunta daw muna ako sa locker para kunin ang mga libro ko sa first class kaya dapat talaga akong dumaan sa hallway bago ako makapunta sa locker room.
And hallways are usually the messiest place in the whole school, sabi nila.
Kampante lang akong naglalakad dahil tinitignan ko rin yung paligid. I admit, this place is gorgeous. At dahil nga sa paglilibot ng paningin ko, may nabangga akong upuan...buti nga upuan lang.
Pero naglikha ito ng malakas na ingay kaya napatingin yung limang tao sa hallway saakin, inayos ko nalang ulit yung upuan at nagpatuloy sa paglakad.
Nagulat ako nang biglang humarang sa dinadaanan ko yung limang tao kaya napatigil ako sa paglakad, uhmm what the hell is happening?
Nakatitig lang sila sakin na para bang gulat na gulat sila sa ginawa ko, kumunot lang yung noo ko sa inasta nila. Maya maya pa, may lumapit saaking lalaki mula sa likuran ko tas humarap siya sakin as in napakalapit niya sakin.
"Woah! Walang nangyari sakanya, pre!!!" Nagulat ako nung bigla siyang sumigaw sabay talon talon, may lumapit pang isang lalaki na payat at nagtatakang tumingin saakin na para bang may ginawa akong kababalaghan.
Hinead to toe niya ko habang nakahawak siya sa baba niya at palapit siya ng palapit sa mukha ko, hindi naman ako umatras at tumayo lang sa harap niya.
"You're strong, nagalaw mo ang mahiwagang upuan ni Sir Tonner." Mas nagtaka ako sa sinabi niya, tas may biglang naramdaman akong kakaibang lakas sa likuran ko kaya napalingon ako doon. May isang lalaking naglalakad palapit saamin at nakatitig siya diretso saakin, he's intimidating.
"Sir, nagalaw niya po yung mahiwagang upuan niyo. Ibig sabihin ba nun ililibre mo na ang buong school ng pizza?" Nakangising banat nung sumigaw kanina, masamang tingin lang ang natanggap niya sa sinabi nilang sir Tonner tas tumingin ulit siya sakin.
"So, ikaw ang bagong studyante na sinasabi ni sir Herman?" Tumango lang ako sa tanong niya.
"What's your name miss?"
"Clara Dawson, po." Nagsimulang umingay ang paligid nang sinabi ko ang pangalan ko, may narinig akong bulong bulongan kahit maliit lang kami dito.
"Siya ang ikaapat na kapatid nina Henry at Kerry."
"Another Dawson in the house!"
"Bakit ngayon lang siya pumasok dito?"
Isa lang yan sa mga naririnig ko, alam na pala nila ang tungkol sa pamilya ko? Amazing!
"Students! Bakit nga ba nandito parin kayo? Wala ba kayong mga klase?" Agad na natahimik ang mga studyante sa sigaw ni sir Tonner at nagkanya kanya silang punta sa mga klase nila, pero nanatili yung dalawang lalaki sa likod ko.
"Oh, bakit nandito pa kayo?" Nagtinginan ang dalawa.
"Uhm, diba sabi niyo sir siya yung bagong student, kami nalang po ang mag aassist sakanya." Sagot nung payat tas tango lang ng tango yung maingay kanina.
"Sige, punta na kayo agad sa mga klase niyo, ah. And Miss Dawson, meet me in my office later, lunchtime." Tumango lang rin ulit ako bilang sagot. And now I'm left with this two idiots behind me.
"So, Clara right?" Tingin lang ang sinagot ko doon sa payat, inabot niya yung kamay niya sabay ngiti. "Ezekiel, ito naman si Magnus." Inabot ko nalang rin ang kamay ko para walang gulo, kumaway lang rin naman yung Magnus daw.
"Alam mo, dapat kang magpasalamat dahil kung hindi dahil saamin, kawawa ka kay sir Tonner. Terror kaya yun at super strength yung ability niya kaya nakakatakot." Paliwanag nung Magnus.
"Hindi ko naman hiningi tulong niyo." Walang emosyon kong sabi, nagtinginan lang rin sila ulit sabay kibit balikat.
"Alam mo na ba kung saang block ka?" Tanong nung Ezekiel, pinakita ko sakanya yung papel na binigay ni sir Herman saakin at parang nagulat pa sila.
"Dude, b-block 1-A." Parang kinakabahang sabi ni Magnus, tumingin silang dalawa sakin pero ako nakatutok doon sa fountain sa gitna ng eskwelahan na pinapalibutan ng mga puno.
to be continued......

BINABASA MO ANG
Am I Cursed?
Fantasíaon December 31st A girl named Clara was born in an extramundane world called Veriola and the people living there are called Vighties. Being born in a family known for being one of the most powerful vighties made Clara confused as to why she seems to...